Bea Alonzo Mukha Raw Tita Ni Alden Richards,Ayon Kay Manay Lolit!

Huwebes, Agosto 11, 2022

/ by Lovely

Tila hindi pa rin nagtatapos ang pambabanat ni Manay Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ayon sa bagong Instaram post ni Manay Lolit, nagmumukhang tita umano ni Alden Richards si Bea Alonzo kahit anong kapal pa umano ng make-up ni Bea makikita na umano ang mga wrinkles nito. Para rin sa kanyang hindi nababagay na si Bea Alonzo ang pinili ng GMA na itambal kay Alden Richards sa Philippine adaptation ng Korean series na Start-up.

Matatandaang ipinasilip na ng GMA ang ilang behind the scenes ng Start-up. Ayon kay Manay, naloka siya ng makarating sa kanya na nagreact ang Korea sa Philippine adaptation ng serye.

"Naloka ako Salve at Gorgy ng malaman ko react ang Korea sa local version ng Start Up. Hindi kaya nakita ng Korea na mukhang Tita ni Alden Richards si Bea Alonzo ? So, siguro nga dapat mas mukhang bata ang partner ni Alden Richards, hindi gaya ni Bea Alonzo dapat ang partner ni Alden. Hay naku Salve at Gorgy , sorry pero never ng magiging younger looking si Bea Alonzo noh! Kahit kapal make up, palitada face, ang wrinkles nanduon na noh ! Lucky Alden , kahit mukhang lola na si Bea ok lang. Tutal make believe lang naman, ilusyon na lang ang lahat, parang magic, hah hah hah, Alden Richards and Tita Bea Alonzo, Start Up."



Tila ipinagdiinan ni Manay Lolit Solis na hindi bagay ang role ng female lead kay Bea Alonzo dahil matanda na ito at nagmumukhang Tita umano ni Alden. Dapat umano mas mukhang bata ang itinambal kay Alden sa nasabing serye dahil hindi na mukhang bata si Bea at nakikita na umano ang mga wrinkles nito kahit pa takpan ng makapal na make-up ang mukha.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo