Kamakailan ay naikwento ng isang Kapamilya actor na malaki ang epekto ng mawala at nagkahiwalay sila ng kanyang ka-loveteam na si Heart Evangelista. Ayon sa kanya, bumagsak umano ang kanyang career.
Dahil umano rito naisipan ni John Prats na bumalik sa pagsasayaw. Nakapasok din umano siya sa Pinoy Big Brother na nagbigay sa kanya ng second chance sa showbiz.
"Nagsunod-sunod ulit yung projects ko and 'yon yung feeling ko na naing blessed ako kasi parang hindi ako nawala. Sobra yung journey na natutunan ko sa buhay, na you just have to trust God and just do your best. Lahat ng nangyayari sa akin ngayon, sobrang blessed ako kasi ang dami kong natutunan."