Buhok Sa Abandonadong Sasakyan Tumugma Sa Dna Ng Magulang Ni Catherine Camilon

Walang komento

Martes, Nobyembre 21, 2023


 Kinumpirma ng mga awtoridad na ang DNA evidence na nakolekta mula sa abandonadong sasakyan na nauugnay sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon ay tumugma sa sariling DNA ng kanyang mga magulang.


Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group Director Police Major General Romeo Caramat Jr. sa isang panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, November 20, na ang mga natagpuang hibla ng buhok at dugo sa abandonadong SUV ay tumugma sa mga sample ng DNA mula sa mga magulang ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.


Nauna nang naiulat na natagpuan ang sasakyan noong November 8 sa isang bakanteng lote sa Barangay Dumuclay, Batangas City. Iniulat ng PNP Forensic Group na 17 hibla ng buhok, fingerprints, at 12 pamunas ng mga sample ng dugo ang natagpuan sa loob ng nasabing sasakyan.


“It only says na ‘yung sinasabi ng mga witnesses natin na nakita nila na binubuhat si Miss Camilon ay positive. Confirmed na si Miss Camilon ‘yung nakita nila,” pahayag ng Police Director.


Nauna nang sinabi ng dalawang saksi na nakita nilang duguan at wala ng malay na si Catherine Camilon na inilipat ng tatlong lalaki mula sa kanyang kulay abong Nissan Juke patungo sa isang pulang Honda CRV sa bayan ng Bauan noong gabi ng October 12.


Sa kabila ng resulta ng DNA matching, sinabi ni Police Director Caramat na mananatili ang mga kasong kidnapping at serious illegal detention sa mga akusado hanggang sa mahanap na nila si Catherine Camilon.


Sa ngayon ay hindi pa rin natutukoy ng mga kapulisan ang kinaroroonan ni Catherine Camilon, hindi pa rin nila masasabi kung buhay pa ba ito o patay na matapos ang mahigit isang buwang pagkakawala.


“Up to now, hindi pa natin nakikita o narerecover ‘yung katawan ni Miss Camilon. Hindi pa natin alam kung siya ay buhay o patay na.”


Si Catherine Camilon ang naging kinatawan ng Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant noong July. Huli siyang nakitang buhay sa isang mall sa bayan ng Lemery noong October 12, 2023.


Unang naiulat na nawawala si Catherine Camilon noong October12. Sinabi ng kanyang ina na si Rose Camilon na nakausap pa niya sa huling pagkakataon ang kanyang anak bandang alas-8 ng gabi ng October 12, kung saan sinabi sa kanya na ang 26-anyos na anak na nasa isang gasoline station sa Bauan at pupunta sa umano sa isang meetinsa Batangas City.





Pagkontra Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Padilla Senyales Ng Kanilang Hiwalayan

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kamakailang episode ng kanilang online program na Showbiz Now Na ang napapabalitang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ipinahayag ni Cristy Fermin ang napapansin umano niyang pagkontra ni Kathryn Bernardo sa mga ipinagbabawal sa kanya ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Cristy Fermin sa isang episode ng kanilang vlog na bukod sa pagiging seloso ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend ay konserbatibo din ito maging sa pananamit ni Kathryn Bernardo.


"Imagine, dati hindi nga natin makita ang leeg may takip lagi eh. Ngayon, ano ba ang isinusuot ni Kathryn sa mga picturia?" pahayag ni Cristy Fermin.


Sinegundahan naman ito ni Romel Chika na tanging 'heart' na lamang ang itinatakip ni Kathryn Bernardo sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.


Ang tinutukoy ni Romel Chika na suot na heart ni Kathryn ay kuha sa naging picturial ng actress para sa isang kilalang lifestyle magazine kung saan ito ang cover girl.


Pagpupunto pa ni Manay Cristy Fermin, na ang mga ipinapakita lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naging dahilan kung bakit maraming mga netizens ngayon ang nag-iisip na hiwalay na sila.


"Kaya nag-iisip talaga e, nagbibigay sina Kathryn at Daniel ng senyales. Sa palagay ko, hiwalay na ito e. Bakit ganito na ang pananamit ni Kathryn, e napaka-protective ni DJ sa kanya."


Gayunpaman, sa isang pahayag na ibinahagi ni Kathryn sa video ng nasabing magazine na kanyang ginawan ng daring photoshoot ay kumakawala lamang umano ang akres sa mga expectations na itinatakda sa kanya ng mga tao sa kung ano lamang ang dapat niyang sabihin o gawin.


Matatandaan na naunang naiulat ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang kumalat ang isyung lihim na nakikipagkita ang aktor sa isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Kasunod nito, nagsilabasan naman ang samu't-saring komento mula sa mga KathNiel fans.


May mga fans na tumitiwalag na sa kanilang fan dom dahil naniniwala silang niloloko lamang ni DJ si Kathryn Bernardo.


Gayunpaman, may naniniwala pa rin na walang katotohanan ang isyu at gawa-gawa lamang ito ng mga taong pilit na pinapabagsak ang dalawa.



Mag Amang Maegan, Freddie Aguilar, Nagkaayos Na

Walang komento


 Hindi maitago ni Maegan Aguilar ang kanyang kasiyahan matapos niyang makitang muli ang kanyang ama na si Freddie Aguilar at ang kanyang mga anak.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Maegan Aguilar ang ilang larawang kuha sa pakikipagkita nila kay Freddie na hindi na niya nakita mula noong 2019.


“Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin. I missed you so much tay & looking forward spending more quality time withyou and the kids and the rest of our family,” pahayag ni Maegan Aguilar.


Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan na pagkatapos ng ilang taon, sa wakas ay nakita na rin niya ang kanyang mga anak.


“Finally with my daughters again! After being away from each other for a while.. God is truly good all the time,” dagdag pa ni Maegan.


Matatandaang nag-viral sa social media noon si Maegan, who’s known for her rocky relationship with her father, nang pumunta siya sa pamunuan ng Raffy Tulfo’s Wanted sa Radyo para humingi ng tulong at makiusap sa kanyang ama.


Gayunpaman, hindi nakatanggap si Maegan ng anumang tulong mula kay Freddie o kahit kay Raffy dahil sa kanyang mga bisyo.


Sinabi ni Freddie na tutulungan lamang niya si Maegan kung nakita na niya ang kalooban nitong magbago para sa ikabubuti ng kanyang sarili at para sa kanyang mga anak.


“Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e.


" Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’ Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. 


"With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago,” pahayag ni Freddie Aguilar sa isang panayam.




Angelica Panganiban Hindi Makalakad Dahil Sa Sakit Na Avascular Necrosis

Walang komento


 Kamakailan lamang ay isiniwalat ng aktres na si Angelica Panganiban ang isang nakakalungkot na balita patungkol sa kanyang pinagdadaanan ngayon partikular na sa kanyang kalusugan.


Sa kamakailang episode ng kanyang YouTube vlog, ibinahagi ni Angelica Panganiban na mayroon siyang rare bone disease na naging dahilan upang hindi siya makalakad ng maayos.


Ayon sa pagbabahagi ni Angelica Panganiban sa kanyang vlog isiniwalat niyang may avascular necrosis, na naging sanhi ng pag-collapse ng kanyang mga bones.


Isiniwalat din ni Angelica Panganiban, na una niyang naramdaman ang mga sintomas ng kanyang sakit noong ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ni Gregg Homan.


“Nagtanong-tanong ako sa mga doktor, and friends ko na naging mommy na rin and lahat naman sila sinasabi na it’s part of pregnancy. So nung nanganak ako, wala nakong time na pansinin yung mga masakit sa akin,” pahayag ni Angelica Panganiban.


Gayunpaman, kahit na nanganak na umano si Angelica ay nakakaranas pa rin siya ng kaparehong mga sintomas, na nag-udyok sa kanya upang humingi ng medical help.


Ayon sa kanya, tinanggihan niya ang unang mungkahi ng mga doktor na magkaroon ng joint replacement procedure, ngunit nagpasya siyang gumawa ng another approach upang matugunan ang kanyang kondisyon.


“Namatay na yung mga bones ko sa balakang. Kaya pala hirap na ako maglakad. Nung una ang sabi sa akin ay surgery, parang joint replacement na parang nakakatakot pakingan. So naghanap ako ng doctor na magkakaron ng conservative approach,” saad ni Angelica.


Ibinahagi rin ni Angelica kung gaano kasakit ang ginagawang procedure para sa kanya sa puntong hindi niya napipigilan na mapaiyak.


“So bumalik kami sa pagsaksak ng PRP sa hips ko. This time, nag drill sila ng hole. Ininject nila yung PRP directly doon sa dead bone. Masakit ba yung procedure? Di ko inakala masakit sya. Tulo ng tulo yung luha ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko na bakit ako, bakit sa akin nangyari ito.”


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe para kay Angelica Panganiban, upang palakasin ang kanyang loob sa gitna ng pagsubok na kinakaharap.


Narito naman ang isang mensahe mula sa netizen na may kaparehong kondisyon ni Angelica Panganiban.


"Hi Angelica, first of all, hugs to you. Alam ko ang pains, and struggles of having AVASCULAR NECROSIS. I had my hip surgery- core decompression- tulad mo naglagay din sila ng tunnel sa hipballs ko. Yes. Plural. Both- right and left- bilateral. Jackpot. 


"Its a life long battle. Some days ok ako. Some days- gusto ko na lang mahiga all day- but shempre hindi naman ako yayamanin para magpahinga na lang always- so kadalasan- kailangan ko magtrabaho. 


"I was a dancer for 30 years. Nung nalaman ko na may AVN ako- i was a full time dance instructor in HongKong. Sa Pilipinas ko nalaman na may AVN. 


"I had to stop teaching dance. I was depressed post surgery. But thankful ako- kasi now im fighting- im a fashion designer now in Bataan. And gusto ko pa din gawin mga gusto ko- im also a drag queen- oh di ba nakakapag high heels pa ako? 


"Lahat yan gagawin naten- hanggat kaya pa maglakad- tumayo- hanggat kaya pa lahat! 


"God bless you and your family Angelica. Kaya yan!!! Laban lang! Lagi ako nanonood ng vlog mo. And nagulat ako sa vlog na ito. 


"May bago lang ako natutunan sa iyo- yung "PRP" - during my surgery- i had core decompression and nag inject ang doctor ko ng stem cell sa tunnel ng right hip ball ko- kasi yun- stage 4 na daw kasi. My left hipball stage 3. Anyways- please update us- pagppray kita. More vlogs to come! Fight fight fight!"




Xian Lim Nagreact Sa Muling Pagsasama Nina Kim Chiu, Paulo Avelino

Walang komento


 Ibinahagi na ng online streaming platform na Viu Philippines ang Philippine adaptation ng hit South Korean drama na What Wrong With Secretary Kim na muling pagtatambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Sa kamakailang post ng official Instagram account ng Viu Philippines, ibinahagi nila ang larawan nina Paulo Avelino at Kim Chiu na gaganap bilang Vice Chairman at Secretary Kim sa nasabing local adaptation.


Marami naman sa mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang nasiyahan dahil sa muling pagtatambal nila na unang nasilayan sa Prime series na Linlang.


Samantala, narito ang ilang komento ng mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa ibinahaging balita ng Viu Philippines.


"Yeyyy! Dininig tayo mga ka #kimpau mas bagay din talaga kay Paulo eh tas chemistry pa nila ni Kim!!!"


"grabe as in napasigaw ako sa saya.. KimPau"


"Congrats pau & kimmy....kung alam nyo lang ang puyat namin excited kami na magRomCom ka... We love you KimPau."


"Ngaun na lang ulit ako na excite manood ng kdrama adaptation!! Super bagay kay kim at paulo! instant fan na ako hahahaha kilig na agad!!!"


Ang nasabing adaptation ay ang magiging collaboration ng ABS-CBN at Viu Philippines na ipo-produce naman ng Dreamscape Entertainment.


Bagama't wala pang eksaktong petsa nakatakdang ipapalabas ang nasabing adaptation sa susunod na taon.


Samantala, matapos ibahagi ni Kim Chiu ang pagbibidahan niyang K-drama adaptation sa kanyang Instagram kaagad na bumuhos ang pagbati mula sa kanyang mga tagahanga at maging mula sa ibang pang mga celebrities.


Subalit, kapansin-pansin na hindi man lang nagreact at nagkomento si Xian Lim hinggil sa panibagong proyekto ni Kim Chiu.


Hindi man lamang nito binati ang kanyang nobya sa success na tinatamasa nito ngayon.


Hinala ng ilang mga netizens na baka lalong napikon itong si Xian Lim dahil muli na namang magtatambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Matatandaan na kumakalat ngayon ang isyu sa social media na umano'y nagkakamabutihan na umano sina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Ito umano ang naging dahilan ng lalo pang paglala ng hindi pagkaka-intindihan nila ni Xian Lim.



Reaksyon Ni Jake Ejercito Sa Pagpili Kay Paulo Avelino Bilang Leading Man Ni Kim Chiu Sa What's Wrong with Secretary Kim

Walang komento


 Matapos kumpirmahin ng Viu Philippines at ng Dreamscape na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang magtatambal para sa Philippine adaptation ng hit South Korean drama series na What's Wrong with Secretary Kim, marami ang napatanong kung nasaan si Jake Ejercito.


Matatandaan na naunang kumalat sa social media at ilang mga entertainment news sites ang balitang sina Kim Chiu at Jake Ejercito ang bibida sa nasabing local adaptation.


Nauna na ring kumalat noon ang mga larawan na kuha mula sa meeting ng Viu at ABS-CBN kung saan nakasama ang pangalan ni Jake Ejercito sa mga pangunahing cast.


Sa kabila ng tila biglaang pagpapalit ng cast, marami naman ang natuwa sa muling pagtatambal nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa iisang project.


Hindi rin naman maipagkakaila na matagumpay ang naunang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Prime series na Linlang kung saan labis na hinangaan ang kanilang galing at chemistry.


Ang mga manonood na mismo ang nagrequest sa ABS-CBN na sana ay muling magtambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino na kaagad namang tinupad ng network.


Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Paulo Avelino sa mga sumuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayanan bilang artista.


"Thank you! The only reason I was even considered for WWWSK is because you guys kept asking for it. I hope I reach everyone's expectations for the role. I’m grateful . See you on 2024"


Samantala, dahil sa kumakalat na larawan kung saan kasama si Jake Ejercito sa mga cast ng nasabing Philippine adaptation, marami ang naghinala na baka ang papel na gagampanan na lamang ngayon ni Jake ay bilang kapatid ng karakter ni Paulo Avelino.


Sa Korean version ng What's Wrong with Secretary Kim, may kapatid na lalaki ang papel na gagampanan ni Paulo Avelino na magiging karibal niya kay Kim Chiu.


Gayunpaman, pawang hinala lamang ito dahil hindi pa naman nilalabas ng ABS-CBN ang official casts ng Philippine adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim.


“ABS-CBN Entertainment and Viu are thrilled to announce their new partnership for the Philippine adaptation of the popular South Korean darama series ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ that was originally produced by Studio Dragon Corporation and distributed by CJ ENM Co., Ltd.


“The exciting collaboration will bring together two prominent ABS-CBN stars, Kim Chiu and Paulo Avelino taking on the lead roles as Secretary Kim ang Mr. Vice-Chairman, respectively.”




Rhian Rhamos Galit Sa Ginawang Pambabastos Ng Owner Ng Miss Universe Kay Michelle Dee

Walang komento


 Trending at usap-usapan ngayon sa social media ang video ng umano'y pambabastos ng Miss Universe owner na si Ms. Anne Jakrajutatip sa pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe pageant sa guesting sa Mexico.


Makikita sa video na tila hindi na komportable si Michelle Dee sa isang panayam kasama si Ms. Anne Jakrajutatip sa naging guesting nila sa Mexico.


Tila inasar-asar kasi ng Miss Universe owner si Michelle Dee sa pamamagitan ng pagpapahayag kung gaano kabitter at hindi makapag-move on ang kanyang mga fans sa pagkakaligwak nito sa top 5 sa Miss Universe.


Makikitang naging pilit na ang ngiti ni Michelle Dee sa usapan nina Ms. Anne at ang babaeng may hawak sa camera.


Samantala, inalmahan naman ng matalik na kaibigan ni Michelle Dee na si Rhian Ramos ang aniya'y uncomfortable video kung saan nakasama ni Michelle Dee ang owner ng Miss Universe pageant.


Hindi umano masikmura ni Rhian Ramos ang nasabing video kung saan tila binabastos na ni Ms. Anne si Michelle Dee.


“I don’t like how this looks. My stomach is turning. Buti marespeto yung kaibigan ko, eh sila?”


“Ewan. Kayo na lang ang humusga. Tap niyo for full, uncomfortable video.”


Sa isa pang video makikitang sapilitang pinaalis ni Ms. Anne si Michelle Dee at hindi isinama sa kanilang picture taking. Kasunod pa ng pag-alis ni Michelle Dee sa stage ay ang pagtatawanan ng ibang girls at ng mismong owner ng Miss Universe na tila ba ay si Michelle ang kanilang pinag-uusapan.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pauwi na dapat si Michelle Dee sa Pilipinas subalit inimbitahan siya ng owner ng Miss Universe na sumama sa guesting nila sa Mexico.


Subalit, tila pinasama lamang ng mga ito si Michelle sa Mexico para insultuhin at pagtawanan doon.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa nasabing video.


"MG era is still the best. Miss Universe had justified its credibility until it was acquired by Anne. We all know it’s business, profitability wise, Anne is making noise and controversies but not in a good way. 


"The Miss Universe Org that we know is empowering women and not USING women for its own benefit. But I’m afraid that if this stain still continues for the next years to come and if it’s still under Anne’s management, MU will lose its well known credibility that it had established for more than 70 years."


"Wow angkol level, pareho sila talaga ng kalahi niya HAHAHA umuwi kana MMD!"


"Michelle, you’ve shown strength throughout your MU journey. But now that everything is over, you are free to be vulnerable and feel your emotions. Andito lang kami sa tabi mo. Isang mahigpit na yakap"


"why the need to grab her and put her on the spot like that? such disrespect!"


"The eyes of Our Queen, ramdam ko yung pambabastos hayst Uwi kana here Queen @michelledee "





Actual Video Ng Pambabastos Kay Michelle Dee Ng Owner Ng Miss Universe Na Si Anne Jakrajutatip

Walang komento


 Viral at kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video ng umano'y pambabastos ng Miss Universe owner na si Ms. Anne Jakrajutatip sa representative ng Pilipinas sa naganap na 72nd Miss Universe.


Hindi naging maganda ang pagtrato ng owner ng Miss Universe Organization kay 2023 Miss Universe Philippine representative na si Michelle Dee.


Kahit hindi nakasama sa top 5 semi-finalist at dapat ay pauwi na sa bansa si Michelle Dee ay inimbitahan ni Ms. Anne Jakrajutatip ang kandidata sa guesting ng mga nanalo sa Miss Universe sa Mexico.


Imbes na purihin, tila sinasadya pa nitong asar-asarin si Michelle Dee sa harap ng mga press people roon.


Ilang beses na inulit ni Ms. Anne ang katagang move-on na sinasabayan pa ng pagtawa.


Sinasabi ni Miss Anne na bakit hindi makapag-move on sa nangyari sa top 5 finalist at kung gagawa umano siya ng kanta ang ipapamagat niya rito ay I'm Gonna Move On.


Samantala, halata naman sa mga mukha ni Michelle Dee ang pagiging uncomfortable niya sa nangyari at makikita ring naging pilit ang kanyang pagngiti.


Sa kabila nito, magalang naman na nagpaalam si Michelle kay Ms. Anne na umalis subalit, hindi pa rin siya tinigilan ng huli at sadyang hinabol pa at muling iniharap sa kamera.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga Filipino fans dahil harap-harapan na umano ang ginawang pambabastos ng Miss Universe owner, hindi lamang kay Michelle Dee kundi maging sa lahat ng mga sumuporta rito.


Maging ang ilang Thai people na nakakaintindi sa naging pahayag ni Ms. Anne ay napareact rin at nainis sa pagiging insensitive nito sa isa sa kanyang mga delegates.


Matatandaan na maraming mga Pilipino at pageant fans ang naghimutok at napapatanong kung bakit hindi nakasama si Michelle Dee sa top 5 ng Miss Universe 2023 gayung angat na angat naman ang naging performance nito sa nasabing pageant.


Hinala ng mga netizens na may dayaan na naganap lalo pa't kasama naman sa naunang ibinahaging winners sa Instagram ang pangalan nito.


"I beg to disagree... we don't always question the result pag natatalo ang kandidata natin. Especially kung alam natin mismo na weak ang candidate natin. But now, even foreign bloggers can't believe that we didn't even made it to Top 5"


"Ganyan pala mga Thailander, sila gumagawa ng kabalbalan, sila pa may ganang magmalaki"


"pwede bang may makapagtranslate ng buo including yung sinasabi noong may hawak ng camera noong sinusundan nila si mmd after sya bastusin ?"


"Balikan natin cla later hahaha hmmmmm tahimik lang muna si Michelle .Guilty kasi sila kaya ininvite nila"




Ginagawa Ni Daniel Padilla Sa Condo Ni Andrea Brillantes Pag Nagkikita Sila

Walang komento


 Bukod sa pagiging trending ngayon ng katatapos lamang na 72nd Miss Universe, lumilikha na rin ngayon ng ingay ang isyung kinasasangkutan ng mga Kapamilya stars na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Trending din ngayon sa Twitter ang isang open letter mula sa isang fan ni Kathryn Bernardo na may handle name na @freekathrynb.


Isiniwalat nito ang umano'y panloloko ng aktor na si Daniel Padilla sa kanyang longtime celebrity girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Matatandaan na naunang isiniwalat noon ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz  sa isang episode ng kanyang vlog, ang umano'y tsismis na nakarating sa kanya sa naging hiwalayan ng KathNiel na may kaugnayan sa kapwa nila Kapamilya artist na si Andrea Brillantes.


Ayon sa naging pagsisiwalat ni Ogie Diaz, sinabi ng kanyang source na naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa palihim na pagkikita nina Daniel at Andrea Brillantes.


Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pananahimik ng tatlo hinggil sa nasabing isyu subalit napansin ng mga netizens na in-unfollow na ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes.


Sa mga sumunod na araw, tila gumanti naman si Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo kung saan in-unfollow na rin niya ito sa Instagram dinamay na rin niya ang aktor na si Daniel Padilla.


Samantala, isiniwalat ngayon ng isang may-alam umano sa totoong isyu sa pagitan ng tatlo ang isang open letter kung saan ibinulgar nito ang ginagawang cheating ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo at ang panloloko ni Andrea Brillantes sa kanyang mga nakarelasyon na sina Seth Fedelin at Ricci Rivero.


"An open letter for Kathryn @bernardokath and her cheater-manipulator boyfriend and the ill bitch Kathryn, I know you know by now what he did AGAIN. Please stop getting back with that guy who keeps cheating on you. If he really loves you and really sees you as his future wife"


"why does he need to cheat multiple times with different girls? Why does he need to have a sleepover in Blythe's condo? I'm sure you also know that your friends who know Daniel is a cheater are happy because the truth is out."


"Dear please listen and wake up, don't let him manipulate you over and over again."


"It's really sad to see him as a good guy, always in public, and as the ideal man for everyone. Come on, people, not everything you see on camera is real. If you guys only knew everything, I'm sure you'd be disgusted. Right? “babe”"


"And for you, leech @iamandrea_b, the audacity for you to talkshit about her and keep on telling your friends that Daniel is into you? him going to your condo, drinking at your place, overnight and planning secret travels for next year? tingin mo hindi nakarating kay kath lahat?"


"sorry to disappoint you blythe but “Time is the ultimate truth-teller” sabi ka ng sabi sa public na ikaw lagi ang biktima ng cheating and for your bestie to save you lagi sa social media akala mo aping api? You cheated on seth and ur lucky kasi hindi ka niya inexpose sa public"


"you cheated on ricci too right? ikaw na una mag cheat kay ricci. Now? you’re the kabit. This is not the first time na naging kabit ka. And for you to say to your friends na “kyle jenner & timothee chalamet” kayo ng pinas? girl sorry to break you pero kabit ka. Sex lang habol niya"


"guess who’s begging for official statement sa management para hindi masira ang pangalan? no girl hindi ka makakatakas ngayon😉 lalo ka na 

@imdanielpadilla"


Sa kabilang banda, kaagad namang pinabulaanan ng ilang mga fans ng KathNiel ang pagsisiwalat ng nasabing Twitter user dahil wala naman umanong basehan ang kanyang mga pinagsasabi.


Makikita ring bago pa lamang ang account nito sa nasabing social media platform kaya naman mahihinuha na desperado lamang ito na magkalat ng chismis patungkol sa KathNiel.


"pa lapag ng resibo mo bhie @freekathrynb ng di kita mamura sa mga pinagsasabi mo jan, and kung totoo yan dapat may resibo ka diba? di puro talak ka lang ng talak jan na wala namang ebidensya. ung totoo nagpapansin ka lang para pansinin ka or pasikat ka lang para ikaw ang bida?"


"te @freekathrynb serious q, let’s say in personal setting may nagpakalat na chismis abt sayo tas walang ebidensya, sa tingin mo tama lang na maniwala ang mga tao? diba hindi? kung maglapag ka lng sana ng resibo jan imbes na magpa victim, baka may pag-asa pang maniwala kami sayo"




Eric Fructuoso, Inamin Na Tatlong Taon Niyang Naka-Relasyon Si Toni Gonzaga?!

Walang komento


 Ikinagulat ng mga netizens ang mainit na rebelasyon ng former matinee idol at dating hiphop dancer na si Eric Fructuoso ukol sa naging ugnayan nila ng TV-host actress na si Toni Gonzaga.


Umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang tahasang pag-amin ni Eric Fructuoso sa naging relasyon umano nila noon ni Toni Gonzaga na umabot pa sa ilang taon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Eric Fructuoso sa OJ hearthrob actors noong 90's. Isa rin siya sa mga myembro ng Gwapings dahil hindi maikakaila na napakagwapa nito noon.


Sa katunayan, dahil sa kasikatan at popularity noon ni Eric sa showbiz ang siyang naging dahilan sa pagkakalink nito sa mga sikat at naggagandahang actress sa industriya.


Kabilang sa mga ito sina, Ara Mina Joyce Jimenez, Aubrey Miles at Claudine Barretto.


Samantala, sa nakaraang guesting ni Eric Fructuoso sa show ni Carmina Villaroel sa GMA7 na Sarap Di Ba?, tila nalagay siya sa hotseat nang maitanong sa kanya ng host ang naging ugnayan nila noon ni Toni Gonzaga.


"Totoo ba, na nagkarelasyon kayo noon nG TV host-actress na si Toni Gonzaga?"


Makikita naman kay Eric Fructuoso na nagulat siya sa tanong at ilang segundo ring natahimik na tila ba pinag-iisipan pa niya ang kanyang sasabihin.


Nilinaw pa ni Eric Fructuoso kung si Toni Gonzaga nga ba ang tinutukoy nito.


Kaagad namang sinabi ni Eric Fructuoso na wala namang ibang Toni Gonzaga at nag-iisa lamang umano ito.


Dito na ipinahayag ni Eric Fructuoso ang naging relasyon nila ni Toni Gonzaga.  Yes, din ang naging sagot ni Eric nang muling nilinaw ni Carmina Villaroel ang kanyang katanungan patungkol sa tinutukoy niyang relationship nila ni Toni Gonzaga.


Ayon sa pagbabahagi ni Eric Fructuoso, nakarelasyon niya noon si Toni Gonzaga matapos niyang maging karelasyon si Claudine Barretto.


Tumagal din umano ng tatlong taon ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga kasama na ang mga panahon na nililigawan pa niya ang aktes.


Gayunpaman, nilinaw ni Eric Fructuoso na hindi naman umano siya chickboy at minamahal naman din umano niya ang kanyang naging karelasyon.


Hindi naman  nagbigay ng detalye si Eric Fructuoso hinggil sa totoong dahilan kung bakit hindi nag-work out ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga at iba pang naging nobya niya bukod rito.


Ikinagulat naman ito ng mga netizens lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging strikto ng mga magulang ni Toni Gonzaga patungkol sa pakikipagdate.


Binalikan pa ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Toni Gonzaga sa isang panayam kung saan proud niyang ipinakilala si Paul Soriano bilang una at huling lalaki umano sa kanyang buhay.


Samantala, may ilang mga netizens naman na dismayado sa naging katanungan ni Carmina Villaroel rito.


Hindi na umano nararapat na pag-usapan nilang muli ang nakaraan at ang naging relasyon nila dahil matagal na ito at may kanya-kanya na sila ngayon na mga pamilya.


Sa kabilang banda, hindi naman nagbibigay ng pahayag si Toni Gonzaga patungkol sa nasabing isyu.


Samantala narito ang ilang komento ng mga netizens.


“No need for the disclosure that is very ungentleman of him what is the puropose, both of them are married she’s blessed she did not end with him”


“ang oa naman ng iba, tinanong sumagot na nagkaroon ng relasyon. Saang part yung manggugulo siya? Pag inopen manggugulo agad? The past is past kayo lang ang affected mga O.A”




Sarah Lahbati Tinanggal Na Ang Gutierrez Na Apelyedo, Magpapa Annul Na Kay Richard?

Walang komento

Lunes, Nobyembre 20, 2023


 Mapangahas na tinanggal ng aktres na si Sarah Lahbati ang apilyedong Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Makikitang Sarah Lahbati na lamang ang mababasa sa profile ng aktres sa kanyang Instagram account na dati ay Sarah Lahbati Gutierrez naman.


Gayunpaman, makikita naman sa bio nito ang initials na SLG na maaring Sarah Lahbati Gutirrez ang nais ipakahulugan.


Kumakalat ngayon ang isyung may pinagdadaanan ang marriage life nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil ilang buwan nang hindi nakikitang magkasama ang dalawa.


Maging sa mahahalagang okasyon ay hindi sila nagsasama at tila ba ay naghihiraman na lamang sa kanilang mga anak.


Nakadagdag din sa hinala ng mga netizens na on the rocks ang samahan ng dalawa ng kumalat sa social media ang larawan nina Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi na kuha umano noong Undas vacation.


May mga naghinala pa na si Kazel ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.


Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag ang aktres na si Kazel Kinouchi sa pagkakadawit niya sa isyu ng mag-asawa. Ayon sa kanya, normal lamang na minsan ay makikita silang tila magkasama ni Richard Gutierrez dahil magkapit-bahay sila sa Ayala, Alabang.


Iginiit din niya na wala silang relasyon ni Richard Gutierrez at ang panahon na lamang umano ang magsasabi nito.


Samantala, hindi pa naman tuluyang naglalabas ng pahayag ang aktres na si Sarah Lahbati hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ni Richard Gutierrez.


Maging ang aktor ay dedma na lamang din sa kumakalat na isyu ngayon patungkol sa kanya at sa kanyang buhay may-asawa.






Kazel Kinouchi, Nilinaw Ang Totoong Relasyon Kay Richard Gutierrez

Walang komento


 Nilinaw ng GMA Sparkle actress na si Kazel Kinouchi ang relasyon nila ni Richard Gutierrez sa gitna ng mga tsismis na umano'y may romantic relationship sila ng aktor at siya ang third party sa napapalitang hiwayan nina Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati.


Sa isang live stream, sinabi ni Kazel na habang nagpapasalamat siya sa publicity na nakuha niya dahil sa pagkaka-link kay Richard, iginiit niya na walang katotohanan na isa siyang mistress ng aktor.


“Ang masasabi ko lang, time is the ultimate truth teller,” saad ni Kazel.


Paggigiit pa niya, “Hindi po totoo yun, napakaganda ko naman, ang haba naman ng hair ko guys.” 


Nilinaw din ni Kazel na talagang makikita silang magkasama ni Richard Gutierrez sa ilang pagkakataon dahil magkapit bahay naman sila.


“Hindi po totoo ‘yon, kapitbahay lang po namin yun, maawa na po kayo sa akin. Wag niyo ko pag-chismisan,” hiling ng aktres.


Matatandaan na kumalat ang isyu na may relasyon sina Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez nang mamataan sila ng ilang mga netizens na magkasama sa iisang sasakyan kung saan nakasama pa nila ang dalawang anak ng aktor.


Napapabalitang may problema sa relasyon ngayon si Richard sa kanyang partner na si Sarah Lahbati, matapos mapansin ng mga netizens na hindi nakikitang magkasama sa publiko at maging sa kanilang mga post sa social media.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"wala nga pic na magkasama yung dalawa nasa iisang party lang naging kabit pa bigla ng wala sa oras hah"


"i think magkaibigan sila or same village."


"Take this example @blythe ! Madali lang umamin kapag Hindi ka Kabet pero kapag KABET ka ay Tahtahimik ka na lang"



@ashlileyy_ HAHAHAHA LOVE HER SO MUCH #kazelkinouchi #zoeytanyag #foryourpage #fypageã‚· #fypã‚· #fyp #foryou #foryoupage #viralvideo #trending #trendingnow #fypptiktok #xybca #zyxcba #keÅŸfet ♬ original sound - ashley⚘

Michelle Dee, Sinabing Kaya Niyang Sagutin Ang Q&A Kung Nakapasok Siya Sa Top 5

Walang komento


 Aminado rin ang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na nanghihinayang siya na hindi siya napasama sa top 5 ng nasabing kompitisyon at hindi siya nabigyan ng pagkakataon na sumagot sa Q and A.


Marami sa mga pageant fans ang labis na nanghihinayang sa nangyari sa katatapos lamang ng Miss Universe sa El Salvador.


Sinabi ni Michelle Dee na nalulungkot din siya sa hindi niya pagpasok sa top 5 ng Miss Universe 2023.


Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Michelle na bagama't nakaramdam siya ng saya pagkatapos niyang maging kinatawan ng bansa sa prestihiyosong pageant, nagpahayag siya ng panghihinayang sa hindi niya pag-abot sa question and answer portion ng nasabing kompetisyon.


“It felt amazing. I love putting on a show, but most especially, I love just making all my countrymen so proud. Everything that I could afford to give, I left it on that stage,” saad ng beauty queen.


Dagdag pa niya, “Ultimately, I left it to destiny. Of course, it is not the result that we wanted, but I know as long as all of you are proud, as long as all of you saw the hard work and dedication that was made not just for myself but the whole team behind me as well, that’s enough for me. I hope you are all happy.”


Ayon sa kanya, marami siyang pinaghandaan para sa final portion ng Miss Universe at siniguradong kaya niyang sagutin ang bawat posibleng katanungan na maaaring ibato sa kanya.


“Sayang hindi ako nakahawak ng mic, but if anything just know that I was training the whole year to make sure that if ever I had that moment walang butas. But again, it is all about destiny.”


Matatandaang umabot lamang sa top 10 ng kompetisyon si Michelle, na ikinadismaya ng maraming fans at inakusahan pa ang organisasyon ng Miss Universe na minamanipula ang resulta ng pageant para hindi makarating sa Q&A ang Filipino beauty queen.


Marami pa ang nagsasabi na sinadya ng organisasyon na palitan si Michelle Dee ng pambato mula sa Thailand base na rin sa naunang top 5 na ibinahagi ng Miss Universe El Salvador Instagram account.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento  ng mga netizens.


"You have my utmost respect for trying very hard to win it for the country! 🇵🇭🇵🇭 And yes, they know na Q&A ang forte mo kaya tinumba ka agad. 

 We are proud of you!"


"Michelle hindi kami na-disappoint and I think that is very evident on your performance. Magpasalamat kamo sila at di ka nakahawak ng mic coz they knew what you’re capable of. All I have is respect! Congratulations "


"We are sooooo proud of you MMD 🇵🇭💪👑 you are our miss Universe 2023 . Sayang naman tlgang dika bnigyan nang chance na mapakinggan man lang kaya siguro dika pinapasok kasi alam nilang ioown mo ung mic kasi lalabas ung knowledge mo from the heart. Siguro this is not yet for you but Filipinoes are so so proud of you imagine sa top ten and 80 ang delegates grabe yun ."


"Alam namin lahat na deserve more ang spot sa top 5, you did a great job from day 1. For us you are the REAL WINNER and our Ms. Universe. Wala ka ng kailangan i prove pa. Congrats MMD - FILIPINAS!"




Show Ni Willie Revillame Sa PTV, IBC Hindi Na Matutuloy

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang indefinitely postponed ang show ni Willie Revillame na nauna nang naiulat na eere sa mga governement owned channel na PTV at IBC.


Ayon pa sa mga kumakalat na ulat, nagkaroon ng isyu sa usapan sa pagitan ng television host na si Willie Revillame at mga executives ng mga nasabing channel.


Sa isang episode ng programa ng Veteran Showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, isiniwalat niya na hindi natutuloy sa pag-ere ang show ni Willie Revillame sa PTV at IBC dahil sa maraming demand ni Willie Revillame.


Ayon kay Fermin, nasanay na si Willie na magtanong ng mga demands tulad ng ginawa niya sa negosasyon niya sa ABS-CBN, TV5, at GMA.


Gayunpaman, hindi na katulad ang sitwasyon ngayon ni Willie Revillame sa dating private owned network dahil may mga prosesong dapat sundin ang mga channel na pag-aari ng gobyerno.


“May mga kumakalat kasi na maraming demand itong si Willie. Kasi noong nasa ABS siya tapos dito sa TV5, GMA… talagang nasunod ang kaniyang gusto,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


Matatandaang kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang desisyon ng PTV at IBC na kunin si Willie bilang kanilang host.


Ipinaliwanag naman ni IBC 13 President and CEO Jose C. Policarpio, Jr. na gusto nilang maging bahagi si Willie ng kanilang channel para madali nilang maabot ang ‘lowest of the lowest among the people.’


Nakasaad din sa mga ulat na hindi nakatakdang tumanggap ng anumang suweldo mula sa gobyerno si Willie Revillame.


Maging ang mga sponsor na hahawakan ni Willie bilang PTV at IBC ay nasa ilalim ng Commission on Audit.


Nagsimula si Revillame bilang host ng noontime variety program ng GMA Network na Lunch Date noong huling bahagi ng 1980s kasama si Randy Santiago. 


Noong 1995–1997, kinanta ni Revillame ang theme song ng TV drama series na Villa Quintana bilang isang duet kasama ang Rockstar 2. Nang maglaon ay nagsimula siyang lumabas sa iba't ibang mga pelikula, na gumaganap bilang sidekick sa malalaking pangalan ng mga bituin.


Noong 1998, nagsimula siyang mag-co-host ng ABS-CBN noontime show na 'Sang Linggo nAPO Sila. Matapos makansela ang show para bigyang-daan ang kanyang big break sa Magandang Tanghali Bayan, nagsimula na rin siyang lumabas sa Richard Loves Lucy. 


Ang iba pang mga palabas na naging host niya sa loob ng network ay ang Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan at Wowowee, gayundin ang mga variety program ng TV5 tulad ng Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie.


Noong Marso 20, 2015, minarkahan ni Revillame ang kanyang pagbabalik sa GMA Network , ang kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa Philippine showbiz at sa telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong weekly-variety program na Wowowin, na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Linggo ng hapon mula Mayo 10, 2015 hanggang sa naging weekday-variety program ito noong February 1, 2016.


Noong Pebrero 5, 2022, inihayag ng GMA Network na ang kontrata ni Revillame sa network ay magtatapos sa Pebrero 15, 2022. Ang kanyang programa, ang Wowowin ay ipinalabas ang huling broadcast nito noong Pebrero 11, 2022, hanggang sa muling pagpapatuloy nito sa All TV noong Setyembre 13.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo