Pagkontra Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Padilla Senyales Ng Kanilang Hiwalayan

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kamakailang episode ng kanilang online program na Showbiz Now Na ang napapabalitang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ipinahayag ni Cristy Fermin ang napapansin umano niyang pagkontra ni Kathryn Bernardo sa mga ipinagbabawal sa kanya ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na nauna nang ipinahayag ni Cristy Fermin sa isang episode ng kanilang vlog na bukod sa pagiging seloso ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend ay konserbatibo din ito maging sa pananamit ni Kathryn Bernardo.


"Imagine, dati hindi nga natin makita ang leeg may takip lagi eh. Ngayon, ano ba ang isinusuot ni Kathryn sa mga picturia?" pahayag ni Cristy Fermin.


Sinegundahan naman ito ni Romel Chika na tanging 'heart' na lamang ang itinatakip ni Kathryn Bernardo sa itaas na bahagi ng kanyang katawan.


Ang tinutukoy ni Romel Chika na suot na heart ni Kathryn ay kuha sa naging picturial ng actress para sa isang kilalang lifestyle magazine kung saan ito ang cover girl.


Pagpupunto pa ni Manay Cristy Fermin, na ang mga ipinapakita lamang nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naging dahilan kung bakit maraming mga netizens ngayon ang nag-iisip na hiwalay na sila.


"Kaya nag-iisip talaga e, nagbibigay sina Kathryn at Daniel ng senyales. Sa palagay ko, hiwalay na ito e. Bakit ganito na ang pananamit ni Kathryn, e napaka-protective ni DJ sa kanya."


Gayunpaman, sa isang pahayag na ibinahagi ni Kathryn sa video ng nasabing magazine na kanyang ginawan ng daring photoshoot ay kumakawala lamang umano ang akres sa mga expectations na itinatakda sa kanya ng mga tao sa kung ano lamang ang dapat niyang sabihin o gawin.


Matatandaan na naunang naiulat ang hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang kumalat ang isyung lihim na nakikipagkita ang aktor sa isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


Kasunod nito, nagsilabasan naman ang samu't-saring komento mula sa mga KathNiel fans.


May mga fans na tumitiwalag na sa kanilang fan dom dahil naniniwala silang niloloko lamang ni DJ si Kathryn Bernardo.


Gayunpaman, may naniniwala pa rin na walang katotohanan ang isyu at gawa-gawa lamang ito ng mga taong pilit na pinapabagsak ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo