Eric Fructuoso, Inamin Na Tatlong Taon Niyang Naka-Relasyon Si Toni Gonzaga?!

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Ikinagulat ng mga netizens ang mainit na rebelasyon ng former matinee idol at dating hiphop dancer na si Eric Fructuoso ukol sa naging ugnayan nila ng TV-host actress na si Toni Gonzaga.


Umani ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens ang tahasang pag-amin ni Eric Fructuoso sa naging relasyon umano nila noon ni Toni Gonzaga na umabot pa sa ilang taon.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Eric Fructuoso sa OJ hearthrob actors noong 90's. Isa rin siya sa mga myembro ng Gwapings dahil hindi maikakaila na napakagwapa nito noon.


Sa katunayan, dahil sa kasikatan at popularity noon ni Eric sa showbiz ang siyang naging dahilan sa pagkakalink nito sa mga sikat at naggagandahang actress sa industriya.


Kabilang sa mga ito sina, Ara Mina Joyce Jimenez, Aubrey Miles at Claudine Barretto.


Samantala, sa nakaraang guesting ni Eric Fructuoso sa show ni Carmina Villaroel sa GMA7 na Sarap Di Ba?, tila nalagay siya sa hotseat nang maitanong sa kanya ng host ang naging ugnayan nila noon ni Toni Gonzaga.


"Totoo ba, na nagkarelasyon kayo noon nG TV host-actress na si Toni Gonzaga?"


Makikita naman kay Eric Fructuoso na nagulat siya sa tanong at ilang segundo ring natahimik na tila ba pinag-iisipan pa niya ang kanyang sasabihin.


Nilinaw pa ni Eric Fructuoso kung si Toni Gonzaga nga ba ang tinutukoy nito.


Kaagad namang sinabi ni Eric Fructuoso na wala namang ibang Toni Gonzaga at nag-iisa lamang umano ito.


Dito na ipinahayag ni Eric Fructuoso ang naging relasyon nila ni Toni Gonzaga.  Yes, din ang naging sagot ni Eric nang muling nilinaw ni Carmina Villaroel ang kanyang katanungan patungkol sa tinutukoy niyang relationship nila ni Toni Gonzaga.


Ayon sa pagbabahagi ni Eric Fructuoso, nakarelasyon niya noon si Toni Gonzaga matapos niyang maging karelasyon si Claudine Barretto.


Tumagal din umano ng tatlong taon ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga kasama na ang mga panahon na nililigawan pa niya ang aktes.


Gayunpaman, nilinaw ni Eric Fructuoso na hindi naman umano siya chickboy at minamahal naman din umano niya ang kanyang naging karelasyon.


Hindi naman  nagbigay ng detalye si Eric Fructuoso hinggil sa totoong dahilan kung bakit hindi nag-work out ang naging relasyon nila noon ni Toni Gonzaga at iba pang naging nobya niya bukod rito.


Ikinagulat naman ito ng mga netizens lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging strikto ng mga magulang ni Toni Gonzaga patungkol sa pakikipagdate.


Binalikan pa ng mga netizens ang naging pahayag noon ni Toni Gonzaga sa isang panayam kung saan proud niyang ipinakilala si Paul Soriano bilang una at huling lalaki umano sa kanyang buhay.


Samantala, may ilang mga netizens naman na dismayado sa naging katanungan ni Carmina Villaroel rito.


Hindi na umano nararapat na pag-usapan nilang muli ang nakaraan at ang naging relasyon nila dahil matagal na ito at may kanya-kanya na sila ngayon na mga pamilya.


Sa kabilang banda, hindi naman nagbibigay ng pahayag si Toni Gonzaga patungkol sa nasabing isyu.


Samantala narito ang ilang komento ng mga netizens.


“No need for the disclosure that is very ungentleman of him what is the puropose, both of them are married she’s blessed she did not end with him”


“ang oa naman ng iba, tinanong sumagot na nagkaroon ng relasyon. Saang part yung manggugulo siya? Pag inopen manggugulo agad? The past is past kayo lang ang affected mga O.A”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo