Mag Amang Maegan, Freddie Aguilar, Nagkaayos Na

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Hindi maitago ni Maegan Aguilar ang kanyang kasiyahan matapos niyang makitang muli ang kanyang ama na si Freddie Aguilar at ang kanyang mga anak.


Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Maegan Aguilar ang ilang larawang kuha sa pakikipagkita nila kay Freddie na hindi na niya nakita mula noong 2019.


“Sa wakas nayakap ko na ulit ang tatay ko. I love you tay, salamat po sa pag tanggap ninyo sa amin at sa akin. I missed you so much tay & looking forward spending more quality time withyou and the kids and the rest of our family,” pahayag ni Maegan Aguilar.


Ipinahayag din niya ang kanyang kasiyahan na pagkatapos ng ilang taon, sa wakas ay nakita na rin niya ang kanyang mga anak.


“Finally with my daughters again! After being away from each other for a while.. God is truly good all the time,” dagdag pa ni Maegan.


Matatandaang nag-viral sa social media noon si Maegan, who’s known for her rocky relationship with her father, nang pumunta siya sa pamunuan ng Raffy Tulfo’s Wanted sa Radyo para humingi ng tulong at makiusap sa kanyang ama.


Gayunpaman, hindi nakatanggap si Maegan ng anumang tulong mula kay Freddie o kahit kay Raffy dahil sa kanyang mga bisyo.


Sinabi ni Freddie na tutulungan lamang niya si Maegan kung nakita na niya ang kalooban nitong magbago para sa ikabubuti ng kanyang sarili at para sa kanyang mga anak.


“Kasi si Maegan, sinasabi niya sa akin na, ‘Tay, nagbago na po ako.’ Sabi ko, ‘Anak, hindi mo kailangan sabihin na nagbago ka sa akin, e.


" Ako, malalaman ko yun anak kapag nagbago ka. Ako mismo magsasabi sa yo anak, anak, halika, nagbago ka na, e.’ Pero kako, hindi mo puwedeng sabihin lang, may kasamang action yan kako. 


"With what you’re doing now, hindi ka pa rin nagbabago,” pahayag ni Freddie Aguilar sa isang panayam.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo