Reaksyon Ni Jake Ejercito Sa Pagpili Kay Paulo Avelino Bilang Leading Man Ni Kim Chiu Sa What's Wrong with Secretary Kim

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Matapos kumpirmahin ng Viu Philippines at ng Dreamscape na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ang magtatambal para sa Philippine adaptation ng hit South Korean drama series na What's Wrong with Secretary Kim, marami ang napatanong kung nasaan si Jake Ejercito.


Matatandaan na naunang kumalat sa social media at ilang mga entertainment news sites ang balitang sina Kim Chiu at Jake Ejercito ang bibida sa nasabing local adaptation.


Nauna na ring kumalat noon ang mga larawan na kuha mula sa meeting ng Viu at ABS-CBN kung saan nakasama ang pangalan ni Jake Ejercito sa mga pangunahing cast.


Sa kabila ng tila biglaang pagpapalit ng cast, marami naman ang natuwa sa muling pagtatambal nina Paulo Avelino at Kim Chiu sa iisang project.


Hindi rin naman maipagkakaila na matagumpay ang naunang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Prime series na Linlang kung saan labis na hinangaan ang kanilang galing at chemistry.


Ang mga manonood na mismo ang nagrequest sa ABS-CBN na sana ay muling magtambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino na kaagad namang tinupad ng network.


Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Paulo Avelino sa mga sumuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayanan bilang artista.


"Thank you! The only reason I was even considered for WWWSK is because you guys kept asking for it. I hope I reach everyone's expectations for the role. I’m grateful . See you on 2024"


Samantala, dahil sa kumakalat na larawan kung saan kasama si Jake Ejercito sa mga cast ng nasabing Philippine adaptation, marami ang naghinala na baka ang papel na gagampanan na lamang ngayon ni Jake ay bilang kapatid ng karakter ni Paulo Avelino.


Sa Korean version ng What's Wrong with Secretary Kim, may kapatid na lalaki ang papel na gagampanan ni Paulo Avelino na magiging karibal niya kay Kim Chiu.


Gayunpaman, pawang hinala lamang ito dahil hindi pa naman nilalabas ng ABS-CBN ang official casts ng Philippine adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim.


“ABS-CBN Entertainment and Viu are thrilled to announce their new partnership for the Philippine adaptation of the popular South Korean darama series ‘What’s Wrong With Secretary Kim’ that was originally produced by Studio Dragon Corporation and distributed by CJ ENM Co., Ltd.


“The exciting collaboration will bring together two prominent ABS-CBN stars, Kim Chiu and Paulo Avelino taking on the lead roles as Secretary Kim ang Mr. Vice-Chairman, respectively.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo