Actual Video Ng Pambabastos Kay Michelle Dee Ng Owner Ng Miss Universe Na Si Anne Jakrajutatip

Martes, Nobyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Viral at kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang video ng umano'y pambabastos ng Miss Universe owner na si Ms. Anne Jakrajutatip sa representative ng Pilipinas sa naganap na 72nd Miss Universe.


Hindi naging maganda ang pagtrato ng owner ng Miss Universe Organization kay 2023 Miss Universe Philippine representative na si Michelle Dee.


Kahit hindi nakasama sa top 5 semi-finalist at dapat ay pauwi na sa bansa si Michelle Dee ay inimbitahan ni Ms. Anne Jakrajutatip ang kandidata sa guesting ng mga nanalo sa Miss Universe sa Mexico.


Imbes na purihin, tila sinasadya pa nitong asar-asarin si Michelle Dee sa harap ng mga press people roon.


Ilang beses na inulit ni Ms. Anne ang katagang move-on na sinasabayan pa ng pagtawa.


Sinasabi ni Miss Anne na bakit hindi makapag-move on sa nangyari sa top 5 finalist at kung gagawa umano siya ng kanta ang ipapamagat niya rito ay I'm Gonna Move On.


Samantala, halata naman sa mga mukha ni Michelle Dee ang pagiging uncomfortable niya sa nangyari at makikita ring naging pilit ang kanyang pagngiti.


Sa kabila nito, magalang naman na nagpaalam si Michelle kay Ms. Anne na umalis subalit, hindi pa rin siya tinigilan ng huli at sadyang hinabol pa at muling iniharap sa kamera.


Hindi naman ito nagustuhan ng mga Filipino fans dahil harap-harapan na umano ang ginawang pambabastos ng Miss Universe owner, hindi lamang kay Michelle Dee kundi maging sa lahat ng mga sumuporta rito.


Maging ang ilang Thai people na nakakaintindi sa naging pahayag ni Ms. Anne ay napareact rin at nainis sa pagiging insensitive nito sa isa sa kanyang mga delegates.


Matatandaan na maraming mga Pilipino at pageant fans ang naghimutok at napapatanong kung bakit hindi nakasama si Michelle Dee sa top 5 ng Miss Universe 2023 gayung angat na angat naman ang naging performance nito sa nasabing pageant.


Hinala ng mga netizens na may dayaan na naganap lalo pa't kasama naman sa naunang ibinahaging winners sa Instagram ang pangalan nito.


"I beg to disagree... we don't always question the result pag natatalo ang kandidata natin. Especially kung alam natin mismo na weak ang candidate natin. But now, even foreign bloggers can't believe that we didn't even made it to Top 5"


"Ganyan pala mga Thailander, sila gumagawa ng kabalbalan, sila pa may ganang magmalaki"


"pwede bang may makapagtranslate ng buo including yung sinasabi noong may hawak ng camera noong sinusundan nila si mmd after sya bastusin ?"


"Balikan natin cla later hahaha hmmmmm tahimik lang muna si Michelle .Guilty kasi sila kaya ininvite nila"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo