Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na tsismislangpo!. Ipakita ang lahat ng mga post

Ano nga kaya ang hindi tinupad na pangako ni Herbert Bautista kay Kris Aquino?

Walang komento

Miyerkules, Marso 30, 2022



Si senatorial candidate Herbert Bautista ang main topic nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang showbiz update vlog na inupload kamakailan. Ikwenento muna ni Ogie Diaz ang kaganapan sa kamakailang campaign ng team VP Leni Robredo sa Tarlac City. Kung saan sinurpresa ni Kris Aquino si VP Leni at ang supporters nito. Bumilib din ang talent manager, vlogger at kumpare ni Kris sa sobrang risk na hinarap nito sa pagdalo sa rally. Dahil na expose ito sa napakaraming tao bagay na hindi dapat dahil sa health condition nito.

"Siguro ganun makipagkaibigan si Kris Aquino lalo na sa taong naniwala siya ng buong puso,"saad ni Ogie.

Walang binanggit na pangalan si Kris kung sino ang hindi iboto sa darating na May 9, 2022 elections pero ang paksa sa usapan nila Angel Locsin ay tungkol sa ex na nasa UniTeam. Kabilang sa UniTeam si 'Bistek' Herbert Bautista na kanayang ex. Si Herbert lang naman ang naging ex ni Kris na kumakandidatong senador sa ilalim ng UniTeam. Ipinakita din nila sa vlog ang video kung saan sinabi ni Kris,

"Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga pangako. Deadma please."

Kaya ang tanong ni Ogie,

"Ano ang masasabi ni Herbert Bautista dito?"



Sinundan naman ito ni Mama Loi, nang sinabi ni Kris na 'wag itong iboto kasi hindi ito tumutupad sa pangako.

"Since wala pang pahayag si Herbert ay kiniconclude ng iba na yung IG post ni Ruffa Gutierrez."

Binasa naman ni Mama Loi ang post ni Ruffa na sana maging mabait sa ex bagay na para kay Kris umano ang cryptic message na ito ng TV host actress. Sabi mismo ni Ogie na ipinagtatanggol daw umano ni Ruffa ang kanyang rumored boyfriend at ang nakakatuwa pa umano kay Ruffa ayon sa talent manager ay pinadalhan daw umano siya ng chocolate cake. 

"Pareho namn nating kaibigan sina Ruffa at Kris. Si Herbert at Kris ay ninong at ninang ng aking panaganay na anak. Kaya para hindi pagsabungin namin sila ikiwinikwento lang namin sa inyo."

Nagtanong  naman si Tita Jigs kung ano nga ba ang pangako ni Herbert ang hindi tinupad nito kay Kris? Iyon din umano ang kailangan malaman mula kay Kris curious din ang mga tao.

Panawagan pa ni Ogie kay Kris ano nga ba ang hindi tinupad na pangako kaya lumalabas na hindi tutmutupad sa usapan si Herbert Bautista.



Dagdag pa ni Ogie na ang ibig sabihin nito,

"Kapag kayo ay pinangakuan na hindi tinupad, huwag na kayong maniwala. Parang ganoon. Pero syempre hindi naman natin alam kung ano itong pangko ni Herbert kay Kris."

Hirit pa ni Tita Jigs baka umano pinangakuan ni Herbert si Kris ng kasal pero hindi naman daw dapat pangunahan si Kris kung ano nga ba ang pangakong hindi tinupad ni Herbert.

Melai Cantiveros pinapahanap ang basher niya upang makasuhan! Nagpatulong sa mga lawyers ni Leni!

Walang komento

Martes, Marso 29, 2022



Nanawagan si Melai Cantiveros sa social media para mahanap ang lalaki na umano'y nambaboy sa kanya at sa kanyang anak sa social media dahil sasampahan daw niya ito ng kaso. Binash kasi siya ng isa umanong tagsuporta ni Bongbong Marcos at dinamay pa ang kanyang pamilya at dalawamg anak. Nagpost kasi si Melai sa social media ng isang video na makikitang kumakain ang kanyang dalawang anak. Sa comment section masasakit na salita ang binitawan ng basher laban sa kanya at sa kanyang dalawang anak sa kadahilanang hindi umano nito nagustuhan ang pinagsasabi ni Melai sa PasigLaban Grand Rally ng Leni-Kiko Team. Sabi ng basher sa comment section ng post ni Melai,

SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW... SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA... bOYCOTT PRODUCTS ENDORSE NI MELAI.. ISA ITONG MAGNANAKAW.. PINALAKI SA NAKAW NG MGA MAGULANG.. ISA ITONG PUTA NG LIPUNAN. ANO PANGIT??? NAGMAMAlINIS KANG HAYOP KA.. NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki Ka SA pagnanakaw Ng INA mo

ANO???? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE.. MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS LALIT KASAMA MO MGA ANAK MO PUTANG Ina KANG PANGiT KA. MAmatay na Sana MGA anak mo..isusumpa KO yan

MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW... HAHAHA SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT . MAGNANAKAW SI MARCOS???? NANAY MO ANG MAGNANAKAW GAGA



Hindi naman ito pinalampas ni Melai Cantiveros ang ginawang ito ng sinasabing supporter ni BBM sa kanya at sa kanyang dalawang anak. Kaya naman nagpost si Melai ng larawan ng basher at screenshots ng comments nito sa kanyang post na may caption na, 

Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun , Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN
Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni


Nagsimula ang pambabatikos kay Melai matapos ang kanyang pahayag sa PasigLaban Grand Rally ng Leni-Kiko Tandem.

Jim Paredes at Atty. Barry Gutierrez pahiya sa latest survey result ng LAYLO! game changing hindi nangyari!!

Walang komento



"Nung lumalakas na si Leni Kiko, dinagdagan ang trolls. Nugg patuloy ang paglakas, dinagdagan pa ng fake news. Ngayon naman pinakawalan na si Lorraine Badoy para mag redtag malamang ahead na si Leni Kiko."

Ito ang naging pahayag ng solid VP Leni Robredo supporter na si Jim Paredes. Malinaw na sinasabi niya na si VP Leni ay umano'y lumalakas sa taong bayan.



"Recent weeks have been a snow-balling in support for VP Leni, with massive, record-breaking rallies... The latest Pulse Asia survey was done prior these game-changing developments, and does not yet capture the more recent surge inVP Leni's support. With this clear momentum from the people's campaign.. we are confident that the next 56 days will culminate in an election day victory for Leni Robredo."

Ito naman ang naging pahayag ng OVP Spokesperson Atty. Barry Gutierrez tungkol sa pinakahuling survey result noong first week ng Marso 2022.Patuloy nitong pinaninindigan ang diumano'y game changing sa mga darating na araw lalo at papalapit na ang eleksyon.

Subalit sa pinakabagong LAYLO report survey na ginanap noong March 15- 22, 2022 na mayroong 3000 respondent nanatili si BBM sa higit 60%. Kaya naman ang pahayag ni Jim Paredes at Atty. Barry Gutierrez ay taliwas sa resulta ng LAYLO survey latest result.


Willie Revillame worried baka umano siya may kanser!

Walang komento



Aminado ang host na si Willie Revillame na siya ay kinakabahan sa resulta ng kanyang executive check up. Ayon sa kanya may natagpuang Polyps sa kanyang colon at tiyan. Sinabi rin ni Willie na sana umano ay hindi ito cancerous para hindi siya operahan. Sa show ni Willie na Wowowin na ipinapalabas sa YouTube at Facebook ikweninto niya na 'di dapat siya maglalive dahil mayroon siyang stapler. Narito ang buong pahayag ni Willie,

"Kagagaling ko lang sa hospital at nagpaexecutive check up, para malaman niyo.  So dapat hindi kami maglalive pero sabi ko, 'kailangan maglive kasi pangako natin 'yan.' Actually ho sa totoo lang mayroon akong stapler kaya hindi ako makasayaw hindi ako makakanta. Nagkaroon ako ng colonoscopy, endoscopy, sa heart lahat. Hindi naman malungkot kaya lang medyo may kunting worries ka. May nakitang Polyps sa akin dalawa, isa sa colon medyo matagal na ako nakitaan ng Polyps at isa naman sa stomach. Medyo sana 'wag naman medyo prone ito sa cancer. Pero anyway malalaman ko sa monday kung positive po ako sa cancer or not. Ang usapan namin sa mga doctor sabi ko, 'Doc  be honest with me kung ano ba ang dapat gawin."



Sabi ni Willie kung wala siya sa monday ibig sabihin 'nun na confine na siya at kailangan ng putulin ang kanyang intestine. Sinabi din niya na sana huwag itong matuloy. Ipinagdadasal din ni Willie na sana daw ay negative naman ang resulta kung may cancer siya dahil malungkot at mabigat ang kanyang nararamdaman. 

American Singer Kieth Martin nakitang wala ng buhay sa tinitirhang condo sa Quezon City!

Walang komento



Marami ang nalungkot nang lumabas ang balitang pumanaw na ang singer na si Kieth Martin. Matatandaang sumikat ang kanyang kantang 'Because Of You' at marami ang tumangkilik sa kantang ito. March 25, 2022 ng matagpuan ang kanyang katawan sa isang condo sa Quezon City. Sa edad na 55, nakita ang katawan ni Keith na wala ng buhay. Marami ang nagulat dahil hindi agad nalaman na pumanaw na ito. Nalaman lang diumano na patay na ito nang may nagreklamong kapitbahay na nagsasabi may naamoy na mabaho sa unit ni Kieth Martin. Ayon sa imbestigasyon lumalabas na tila ilang araw na ang nakalipas bago nadiskubreng patay na ito.

Matatandaang huling nakita ang singer-composer noong March 12, 2022 sa kasal ni Daryl Ong at Dea Formilleza na ginanap sa Antipolo City. 



Isa si Kyla sa nagbigay ng kanyang sentimento at sympathy. Narito ang kanyang sinabi,

"In shock and in disbelief, we will all be miss Keith Martin. Thank you for the inspiration. You will leave a legacy of great music that is timeless and you will always be remembered."

Samantala patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Quezon City Police District kung ano talaga ang naging dahilan ng pagkamatay ng American singer na si Kieth Martin.

Ayon sa inisyal na pagsusuri ng QSCPD sa crime scene, wala umano silang nakitang forcible entry o palatandaang pwersahang pinasok ang condo ng nasabing singer. Dagdag pa ng QCPD na pumayag umano ang pamilya ni Kieth Martin na magkaroon ng autopsy. 

Samantala si Kieth Martin ay may anak na 14 years old sa kanyang dating asawang Pilipina. Ang anak ni Kieth Martin ang nakikipag-ugnayan ngayon sa pamilya ni Kieth na nasa America.


Anne Curtis nakipagdinner reunion sa kanyang Showtime fam at ilang ABSCBN bosses!!

Walang komento

Lunes, Marso 28, 2022



Tila nadagdagan ang hint ng isang kapamilya star na ito sa kanyang pagbabalik telebisyon matapos ang kanyang pagkawala sa showbiz ng matagal dahil sa personal na naganap sa kanyang buhay. Ang actress host na ito ay kilala sa kanyang masayahing personality.

Latest ngayon ang pagkikitang naganap nina Anne Curtis at Kapamilya It's Showtime Family nitong mga nakaraang araw.  Ito ay isang dinner reunion kung saan makikita sa isang litratong ibinahagi ng isang host ng It's Showtime na si Teddy Corpuz sa kanyang IG account noong byernes. Sa nasabing picture makikitang masaya ang It's Showtime family na kasama si Anne Curtis na may simpleng caption,

Sarap ng family dinner and great seeing you again Annie!


Ang mga nakasama ni Anne Curtis ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Kim Chui, Jugs Jugueta, Amy Perez, Ryan Bang, Jacky Gonzaga at Ion Perez. Present din sa nasabing reunion ang ABSCBN Chief Operating Officer for Broadcast na si Cory Vidanes kasama ang program producer na si Leilani Perez, Director Jhon Moll, Business Unit Head Reily Santiago at Louie Andrada. Absent naman sa nasabing event si Ogie Alcasid na kasalukuyang nasa US.

Bukod kay Teddy Corpuz ay nagpost din si Anne Curtis ng kanyang larawan kasama ang kanyang Showtime family. Sa caption sinabi niyang miss my showtime fam.

Bagama't nagpunta ang ABSCBN bosses ay wala namang clue na inilabas kung ang gathering ay kaugnay sa much awaited comeback sa Showtime ni Anne Curtis. Kamakailan ay naglabas ng teaser si Anne Curtis sa pamamagitan ng isang maikling video clip sinundan ito ng kumpirmasyon sa kanyang unang pasabog na bahagi ng kanyang pagbabalik showbiz. Sa kanyang IG account ay may ibinahagi si Anne na larawan kung saan ito ay tila poster ng kanyang upcoming concert. Ayon sa caption nito,

Verified

A very special docu-c%#^*rt for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne!❣️


 

Paninira ni Kris Aquino sa kanyang ex na nasa UniTeam sa rally sa Tarlac! mga tao hindi pinapaboto rito!

Walang komento

Biyernes, Marso 25, 2022

Sinupresa ni Kris Aquino ang mga attendees ng grand rally ng presidential aspirant na si Vice President Leni Robredo sa Tarlac nitong March 23, 2022 nang bigla itong lumabas sa stage kasama ang kapwa aktres na si Angel Locsin para ikampanya si VP Leni.

Samantala isa sa mga sinabi ni Kris habang nangangampanya ito ay himukin ang mga tao na huwag iboto ang ex niya na kumakandidato rin sa ilalim ng kabilang partido. Marami naman ang nag-assume na si Herbert Bautista ang tinutukoy ni Kris. Dahil umano ito sa hindi magandang karanasan ni Kris sa pakikipagrelasyon nito kay Herbert. Tila hindi pa umano ito nakakamove on sa nangyari kaya hanggang ngayon ay malaki pa rin ang galit sa kanyang ex.

Ani nga ni Kris during the Tarlac rally,

"O wag niyong iboto 'yun huh. Sayang ang boto dahil hindi marunong mga pangako."


Marami naman ang nakapansin na habang si Kris laban sa ex nito na nasa kabilang partido ay biglang nawala sa stage si Angel Locsin at iniwan si Kris.

Puna naman ng ilang mga netizens na napakalaki na umano ng ipinayat ni Kris ngayon. Kaya marahil na mas mainam umano na magfocus na lamang muna ito sa sariling kalusugan at umiwas na muna sa stress at pamumulitika. Kapansin pansin rin na tila hirap na itong magsalita.

Ruffa Gutierrez may pasaring para kay Kris Aquino na nagsasabing 'huwag iboto ang kanyang ex'

Walang komento


Naging usap-usapan sa social media nang sabihin ni Kris Aquino sa campaign ni VP Leni Robredo na huwag iboto ang kanyang ex na niloko at dineadma lang siya. Dahil dito maraming mga netizens ang nagsasabing si Herbert Bautista ang pinaparinggan ni Kris Aquino. Samantala marami na ring mga netizens ang nakakaalam dahil inannounce  na rin ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram na sila na nga ni "Bistek" o Herbert Bautista. Si Herbert Bautista ay isang senatorial candidate na kabilang sa UniTeam. Kaya naman sa post at message ni Ruffa Guitierrez tila may pasaring para kay Kris Aquino ayon sa post na kahit sa ex ay dapat na maging mabait tayo. Narito ang kanyang kabuuang sinabi.

Good morning beautiful people! Be kind to everyone, including your ex. ☀️🌺🍋🍹

 

Sa puntong ito pinagtagpi-tagpi ng mga netizens ang mga sinabi ni Kris noong March 23, 2022, myerkules ng gabi kasama sa pangangampanya kay VP Leni. Napakomento tuloy ang mga netizens at sinabing sana umano ay sana maging maayos si Kris sa kanyang pagsasalita dahil marami ang maapektuhan lalo na't marami silang mga followers.

Isa sa mga naging dahilan kung bakit natumbok ni Kris ang kanyang ex dahil nang sabihin ni Angel Locsin na dapat available ang mga taong karelasyon sa kanilang minamahal and of course part din daw ito sa pagpili ng iboboto, na dapat available lagi ang ating mga magiging leaders.


Ipinakita naman ni Ruffa Gutierrez na sa mga nakaraang araw ay napakaganda niya at bless na bless dahil sa magandang takbo ng career at ng kanyang love life with Herbert Bautista.

Dahil sa nasabing Instagram post marami ang napakomento kagaya na lamang nina Donita Nose at Tim Yap. Marami ring mga netizens ang nagkomento at sumuporta kay Ruffa Gutierrez.

Narito ang ilang komento mula sa mga netizens,

Buti na lang short mag caption si ms. Ruffa. Hindi O.A❤️ Eh yung iba, kulang na lang ikuwento pati pag hilik nya. Sana wag na magpaka stress kung sino man sya. If you are really sick, small caption na lang te. Di lahat ng tao, interested sa sakit mo 🤣🤣🤣

Bitter kasi wala na siguro papatol sa kanya sa ugali nya!

Ang ampalaya kasi inuulam, ung iba kasi inuugali nila. Dba momsh 😂

Vice Ganda hindi na sanay na hindi kasama si Ion Perez!

Walang komento

Balik trabaho na si Vice Ganda matapos ang tatlong araw na pagabsent sa show na 'It's Showtime. Inamin ni Vice na dahil sa araw-araw silang magkasama ni Ion Perez ngayong pandemic hindi na sila sanay na magkahiwalay. Hirap na hirap sila di umano na magkalayo subalit wala silang magagawa dahil hindi maaring pati sa Ion ay aabsent din sa It's Showtime at dahil na rin sa prior commitments ni Ion.

Ayon kay Vice, tatlong araw siyang nawala sa Showtime dahil mayroon siyang ginawang series of vlogs. Dito na realize umano ni Vice na hindi na sila sanay ni Ion na magkasama ni Ion at ito umano ang pinakamahabang panahon na naghiwalay sila ni Ion simula nang magkapandemic.


Nagshoot si Vice Ganda ng Birthday Series na mapapanood sa VivaMax sa March 31. 

Sarah Geronimo and Mateo Guidiccelli nagpadala ng seafoods sa mga magulang ni Sarah

Walang komento

Hindi maipagkakaila ang isyu sa pagitan nina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli at sa mga magulang ni Sarah na si Mommy Divine at Daddy Delfin. Alam ng lahat ang tila pagkuntra ng mga magulang na si Sarah sa relasyon nila ni Mateo noon. Kaya naman nang magpakasal ang dalawa tila lalong nanlamig ang mga magulang sa kanilang dalawa. Ayon naman sa mga netizens ngayon na matagal na daw yun.

Marami ang nagulat sa mga balitang lumabas at usap usapan ngayon tungkol sa ginawa ni Mateo Guidicelli sa mga magulang ng kanyang asawa na si Sarah Geronimo. Pagpapatuloy kaya ito sa iringan nila o simula na ito sa pagkakaayos ng kanilang buong pamilya.

Sa isang article na lumabas usap usapan na pinagluto daw mismo ni Mateo Guidicelli ng paborito nilang seafood ang mga magulang ni Sarah. Alam naman ng lahat na magaling na chef si Mateo kaya naman hindi nakakapagtaka na masarap talaga ang niluto nitong pagkain para sa kanyang mga in-laws. Ayon pa sa nasabing article pinadalhan daw mismo ng mag-asawa sina Mommy Divine at Daddy Delfin ng paborito nilang seafoods na niluto mismo ni Mateo.


Dahil dito maraming mga netizens ang natuwa dahil mukhang simula na umano ito ng tuluyang pagkakaayos ng kanilang pamilya. Opinyon naman ng iba na baka umano kailangan munang magka-anak ang mag-asawa bago tuluyang matanggap ng Popstar Royalty ang relasyon niya kay Mateo. Pero malakas ang paniniwala ngayon ng mga netizens na unti-unting nagiging maayos ang samahan sa pagitan nilang apat.

Katrina Halili inaming nagksakit siya noong nasa lock in taping! Sakit niya hindi sinabi.

Walang komento

Huwebes, Marso 24, 2022

Nitong nakaraan ay may kumakalat na blind item tungkol sa isang actress na may misteryoso umanong sakit. Pagkatapos lumabas ng blind item na ito, hindi naman itinanggi ni Katrina Halili na siya ang tinutukoy sa article at inamin din niya na nagkasakit siya habang nasa taping ng 'Prima Donnas' ng GMA7.

Matatandaan na November last year nang magpost si Katrina ng larawan niya sa kanyang social media account na nagpapakitang nakaupo siya sa isang MRI table sa St. Lukes Hospital. Nilagyan pa niya ito ng caption na,

Salamat sa nag-aalaga sa akin.

 

Dahil dito nagka idea ang marami na tila may pinagdadaanang medical condition ang actress . Nang mga panahong iyon sinabi niyang wala pa siyang masasabi kung ano nga ba ang kanyang sakit dahil wala pa umanong resulta ang mga tests na ginawa sa kanya. Kailangan pa umano niyang kumunsolta sa dalawa pang doctors para dito. Pero ayon sa aktres noong mga oras na iyon halos dalawang buwan na siyang nakakaramdam ng sakit.

Nagkataon umano na nasa lock in taping siya para sa kanyang GMA afternoon prime na 'Prima Donnas Book 2' kaya tiniis muna niya ang sakit na nararamdamdaman. Habang nasa lock in taping mayroon daw siyang online consultation at niresetahan muna siya ng gamot para sa kanyang nerves at para sa pain. Tiniis na muna niya umano ang sakit dahil alam niyang malapit ng magtapos ang lock in taping nila. Kaya nang kinailangan pang iextend ang taping ay nagpaalam na raw talaga siya dahil kinailangan na niyang magpa consult sa doctor. 


Noong November 6 muling nagpost ang aktres na nakapagpakonsulta na siya sa doctor sa St. Luke's Hospital. Sa kasunod na post, ipinakita ang series of x-ray ng kanyang leeg ang kanyang ipinakita. Dito ay ipinapakita ni Katrina na ang kanyang leeg ang may problema. Marahil ay doon nagmumula ang sakit na nararamdaman siya doon sa lock in taping. Habang nasa 'Prima Donnas Book 2' virtual media con last January 10 muling nakamusta ng press ang kalagayan ng aktres.


"Ok naman po ako," masayang pagbabalita ni Katrina.

"Nagpacheck-up po ako. Nagapa-MRI ako. Dito sa neck ko ang may problema. Tapos sa nerves ko naman binigyan lang po ako ng gamot para mawala yung sakit. Actually sa ngayon po wala na po akong maintenance. Ok na po ako nung nakaraan lang po medyo alarming kasi hindi na gumagalaw. Naninigas na po ang leeg ko ng halos isa't kalahating buwan," pagbabalik tanaw niya sa nakakatakot na experience.

Ayaw nang idetalye pa ni Katrina sa press conference kung ano ang kanyang naging karamdaman. Ang importante daw ay magaling na siya. 

 

Kris Aquino nangampanya para kay VP Leni sa Tarlac bago lilipad papuntang America!

Walang komento


Muling ipinakita ni Kris Aquino ang pagsuporta niya kay VP Leni kasama ang kanyang mga anak na sina Bimby at Joshua. Sa kanyang Instagram account ikwenento din niya na malapit na ang kanyang pagpunta sa Ameria pero may mga preparations pa na dapat gawin. Narito ang kanyang post sa Instagram.

Surprise! Sa probinsya kung saan nagsimulang manilbihan sa 🇵🇭 ang dad (mayor ng Concepcion, Vice Governor and Governor) at ang kuya ko,- Noy served 3 straight terms (1998-2007) as Congressman ng 2nd district of Tarlac… the district where Alto (our family compound) is located, definitely kuya Josh’s HAPPY PLACE.


Maraming ni nerbyos pero tinanggap na lang na hindi talaga ako magpapagili. Paalis na po kasi, isa pang XOLAIR sa Sunday, a few days of monitoring tapos lilipad na…


matagal pong nasa ibang bansa para magpatingin, sumailalim sa marami pang tests, magpa treatment at kung kailangan mag pa treatment, kahit invasive- ready.

Diba nga kung gusto gagawan ng lahat ng posibleng paraan?

Maraming salamat Tarlac!
Hindi kayo nang iwan, hindi nyo kami kinalimutan.
💛💛💛


Samantala marami sa mga fans ni Kris ang natutuwa dahil papaano'y nakalabas na si Kris Aquino at dahil nag-iimprove na di umano ang kanyang kalagayan. Pero ayon na din sa mga fans ni Kris na kailangan magpunta ito sa America upang doon ay tuluyang masusi ang kanyang sakit at gumaling. Dagdag pa ng iba na ito raw ay parang paraan na ni Kris upang maiwasan ang stress at makapagfocus sa kanyang kalusugan. Ready naman umano si Kris sa kung anung paraan ang kakailanganin upang gumaling sa kanyang sakit invasive man ito o hindi. 

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo