Christian Merck Grey Ibibigay Na Kay Xander Ford Ang Sinisingil Na Pakimkim Pero,

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Tila natablan na rin ng awa ang content creator na si Christian Merck Grey na kilala rin bilang si MakaGwapo sa mga pag-iyak ni Xander Ford Arizala sa social media habang sinisingil siya nito sa ipinangako umano niyang 349 thousand para sa binyag ng anak nitong si Baby Xeres.


Sa latest video na ibinahagi ni Christian Merck Grey, ipinahayag niya na handa na siyang ibigay ang hinihingi nitong pera sa kanya.


Ipinahayag din ni Christian Merck Grey na gagawin niya ito upang maprotektahan ang anak ni Xander Ford at Gena Mago sa kontrobersiya at sa pambabatikos ng mga netizens.


Tila nagbunga na rin ang ilang linggo pagngangawa ni Xander Ford sa social media para lamang masingil si Christian Merck Grey sa ipinangakong pakimkim nito sa anak.


Matatandaan, na nagpahayag ng pagkadismaya si Xander Ford dahil hindi umano sumipot sa binyag ang isang ninong, na kahit presenya lamang umano nito ay malaking bagay na sa kanila.


Kalaunan, ay inamin na rin ni Xander na ang kanyang pagkadismaya ay dala ng hindi pagbibigay nito ng 349 thousand bilang pakimkim sa binyag.


Samantala, kahit pa magbibigay na umano si MakaGwapo ng 349 thousand, ipinagdidiinan pa rin niyang kailanman ay hindi siya nangako kay Xander Ford na magbibigay ng pera para sa pagpapabinyag nito sa anak.


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang inilabas na video ni Christian Merck Grey.


"Kuya Merck gagawa ulit ako ng anak bukas... pwude ba kitang gawing Ninong... kahit 348k okay na yown pre"


"Tama si Marlou kasalanan mo Merck yan nagyabang ka noon tapos ngayon biglang bawi kasi walang pera. In Marlou we trust. Siya ang simbolo ng taong may prinsipyo at mabuting pilipino. May paninindgan at may isang salita. Swerte ng asawa at anak nya sa kanya."


"Cute ng iyak ni marlou nung kasama si Awit e. 不不不不 dinamay pa yung walang ka alam alam na bata. Pag mag papabinyag ka wag kang umasa sa ibang tao. Mag sumikap ka dina uso hero ngayon."


Marami naman ang nagsasabing napahanga sila ngayon ni Merck dahil sa pagsasaalang-alang nito sa anak ni Xander Ford.


"Mas malawak pang unawa Neto ni Christian Merck Grey dati Galit Ako dito.. sya na Yung nagpakumbaba at kahit Wala Naman syang utang, manahimik lang at parang tulong Nadin dahil naging kaibigan nya din yan SI marlou.. pero pag nabigay na siguro ni merck Yung pera, dito na mapuputol Yung pagkakaibigan nila for sure."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo