Tito Vic and Joey Goodbye Na Sa Tape Incorporated at Hello Sa Bagong Producer Na Si Albee Benitez!...

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Jerome

 


Tila humina na nga ang issue sa Eat Bulaga at sa Tape Incorporated, matapos ang kontobersyal na pagsisiswalat ni Tito Sotto sa media.


Matatandaang isinapubliko ni Tito Sen, ang pagkakautang ng TAPE incorporated kaina Vic Sotto at Joey De Leon na nasa magihit tig 30 million pesos bawat isa.


AT nitong kamakailan lamang ay ibinahagi din ni Vic Sotto na siya ay nabayaran na ng nasabing utang ng TAPE incorporated o ng mga Jalosjos sa kanya.


Ngunit marami naman ang nagtaka kung bakit binayaran daw agal ng mga Jalosjos si Vic Sotto sa nasabing utang ng mga ito sa kanya.


Kaya naman marami na din ang posibleng sagot ukol rito, isa na nga dito ay dahil sa upang hindi masira ang kanilang pangalan, sapagkat na media na nga ang issue na ito.


Pangalawa naman ay baka raw sila ay may negotiation parin na nagaganap sa pagitan nina Tito, Vic at Joey at ng mga Jalosjos.


Samantala, ayon naman kay Tito Sotto na maari daw silang kumausap ng ibang producer kung hindi na talaga magkasundo ang TAPE incorporated at ang Eat Bulaga.


Isa na nga rito sa kasunduan ng dalawang panig ay ang hiling nag Eat Bulaga na walang matatanggal sa mga host ng nasabing noontime show.


Ngunit kumalat naman ang bulong-bulongan ngayon sa Eat Bulaga na baka raw ay may bago na silang producer ng kanilang programa at iiwan na ang TAPE.


Ayon sa bali-balita isang malapit sa politician, businessman at producer ng Brightlight Productions na si Albee Benitez.


Kinumpirma nga ito ng Abante, na nag-uusap sila ng iconic trio ng Eat Bulaga na sina, Tito, Vic and Joey.


Si Alfredo Abelardo "Albee" Bantug Benitez ay isang Filipino-American na negosyante at politiko na nagsisilbing City Mayor ng Bacolod mula noong 2022. Tatlong magkakasunod na termino siyang nagsilbi bilang kinatawan ng 3rd district ng Negros Occidental mula 2010 hanggang 2019. Isa din siya sa pinakamayamang kongresista sa Pilipinas.


Ayon daw sa isang source, "Ang alam ko nag-uusap talaga ang TVJ at si Albee, pero hindi ko sigurado kung para sa isang noontime show ang pinag-uusapan nila o baka naman malay natin ibang proyekto pala." pagbabahagi ng source.


Si Albee din ang produicers ng "Love, Bossleng and Tali" show ni Vic Sotto kasama ang kanyang maybahay na si Pauleen Luna at anak nitong si Tali, na mapapanood sa TV5 tuming linggo.


Noon paman ay napabalita ng kapag binawi raw ng TVJ ang Eat Bulaga mula sa TAPE incorporated ay malamang na si Albee nga daw ang maging producer nito. 


Sa ngayon ay nananatiling tahimik parin si Albbe Benitez at ang TVJ, at makikita rin na tila normal naman ang daloy ng nasabing noontime show.







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo