Bugoy na Koykoy Nilayasan at Ipinagpalit Sa Iba Ni Samsara 304

Martes, Mayo 23, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin ngayon sa social media ang umano'y pag-iwan ni Samsara 304 kay Bugoy na Koykoy.


Si Samsara 304 ay ang pangalawang asawa ng rapper na si Bugoy na Koykoy na may tatlong asawa.


Nag-ugat ang isyung ito dahil napansin ng mga ilang mga netizens na dalawang asawa na lamang ang ipiniflex ni Bugoy na Koykoy sa social media.


Maging sa mga social media posts ng 2 Joints member, hindi na mahahagilap ang larawan ni Samsara.


Samantala, kamakailan lamang ay naglabas ng isang cryptic post si Bugoy na Koykoy tungkol sa mga naagawan ng babae.


"Sa mga naagawan ng babae dyan... Naagawan ka ba talaga ng babae o naagawan ka ng problema?" cryptic tweet ni Bugoy na Koykoy.


Ayon naman sa ilang mga netizens na ang pahayag na ito ni Bugoy na Koykoy ay nagpapahiwatig lamang na may nagaganap na pang-aagawa at third party sa hinalang naghiwalay na sila ni Samsara 304.


Agad namang umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing pang-iiwan ni Samsara kay Bugoy na Koykoy.


May mga nagsasabing tila natauhan na umano si Samsara 304 at naghanap na ng lalaking siya lamang ang mamahalin at rerespetuhin ang kanyang nararamdaman bilang babae.


"Buti naman nagising na Yun Babae. Mahirap may kahati kahit sabihing pang mag kakasundo sila"


Gayunpaman, marami ang nagdududa kung totoong naghiwalay na nga ba sila o may ipapalabas lamang na bagong album.


Hinala pa ng ilan na sinadya nilang maglabas ng isyung hiwalayan para may mapag-usapan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo