Wally Bayola Muling Namataan Kasama Ang Dating EB Babes Yosh

Martes, Mayo 21, 2024

/ by Lovely


 Nakakuha ng atensyon sa ilang mga social media at napag-uusapan sa ilang mga entertainment news sites ang pagkikita ng Eat Bulaga hosts at mga dating miyembro ng EB Babes.


Kaagad na umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga larawang ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang nangyari noon sa pagitan nina Wally Bayola at EB Babes Yosh.


Sa isang Instagram post ibinahagi ni Ciara Sotto ang pagkikita ng Dabarkads at dating EB Babe dancers na sina Yosh Rivera at Mergene Maranan.


Sa caption ng kanyang post, inilahad niya kung gaano kasaya ang kanilang muling pagkikita.


Bukod sa caption, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ni Ciara Sotto ang dahilan ng kanilang reunion. Gayunpaman, naniniwala ang ilang netizens na normal na reunion lang ito ng mga Dabarkads.


Mabilis na naging viral ang larawan dahil inakala ng maraming netizens na wala ng koneksyon sina Wally at Yosh simula nang mangyari ang isyu noong 2013.


Matatandaang pansamantalang umalis si Wally Bayola sa Eat Bulaga matapos mag-viral sa social media ang video nila ni Yosh.


Mabilis ding umalis si Yosh sa EB Babes at nagpasya na iwan ang showbiz industry at ituloy ang isang pribadong buhay.


Ilang buwan matapos ang matinding kontrobersiya bumalik si Wally Bayola sa Eat Bulaga at naging isa sa iilang celebrities na nakaligtas sa isang malaking kontrobersiya.


Makalipas ang ilang taon hanggang ngayon ay minsanang binabanggit pa rin ng netizens ang nasabing ‘kontrobersya’, subalit natutunan na ni Wally kung paano ito balewalain at pabayaan na lamang.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa larawan nina Wally at Yosh.


“Girl, bata kapa nung nakuha ni Wally at maganda. May career ahead of you that could change your life. Sayang talaga. Babalik ka lang din pala kay Wally. Jusko di naman ganun kayaman si Wally tapos hindi pa gwapo at higit sa lahat may asawa. Pwedeng pwede ka makakuha nuon ng mayaman, gwapo at binata. Sinira ni Wally buhay mo.”


“Talamak talaga sa eb na pinapatos pati co host nila… ilang beses na nagyari to kay bossing and then nagka anak pa nga sila ni connie r while married kay dina.”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo