Xian Gaza, Isiniwalat Ang Totoong Dahilan Ng Pagkikita Nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng social media personality at self proclaimed pambansang marites ng Pilipinas na si Xian Gaza ang isyung palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Sa kabila nito, nilinaw naman ni Xian Gaza na nanghihingi lamang umano ng advice si Andrea Brillantes sa kanyang Kuya DJ sa mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay kaya nagkikita sila.


Matatandaan na umani ng samu't-saring komento at pambabatikos mula sa mga netizens sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla nang kumalat ang isyung palihim silang nagkikita.


Marami ang nainis kay Andrea Brillantes dahil sa pagiging mang-aagaw umano nito ng boyfriend. May mga bumabatikos naman kay Daniel Padilla dahil sa pagpatol niya kay Andrea Brillantes at nakaya niyang lokohin ang kanyang longtime girlfriend na si Kathryn Bernardo.


 Samantala, nagbahagi naman ng isang social media post si Xian Gaza, kung saan ipinahayag niyang totoong nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Gayunpaman, ayon kay Xian, nanghihingi lamang si Andrea Brillantes ng advice kay DJ sa isyung kinakaharap niya at sa kanyang lovelife kasama si Ricci Rivero.


"Ano namang masama kung nag-meet sila as friends ha?? Humingi lang naman siya ng advice sa Kuya DJ niya kung paano i-handle ng tama yung ex niyang si Ricci eh! Kung pagsalitaan niyo ng masama yung tao eh parang may ginawa siyang mali grabe kayo!"


Sa kabilang banda, napansin ng ilang mga netizens na sa sumunod na post ni Xian Gaza, tahasan na nitong ipinahayag  ang pagiging malandi ni Andrea Brillantes kung saan hindi umano si Daniel Padilla ang unang target nito.


"Hindi pala si DJ ang unang tinarget niyang sulutin. Marami na pala, hindi lang nami-media. Hobby pala niya mang-agaw pero ang press release eh palaging siya yung biktima. Iniiwasan na pala yan sa industriya dahil sa pangit niyang ugali at pagkatao."


Samantala, patuloy pa rin ang pananahimik nina Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes at Daniel Padilla sa mga isyung ibinabato sa kanila.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Sana sa kapwa nya babae siya humungi ng payo.may plano na siya talaga kaya kunwari kay dj siya humingi ng advice.may kati ka sa p... Mo"


"Mali pa rin. Bakit sa lalaking may gf? Ahasin mo cguro. Puwede naman sa mga friends mong girls, bakit si DJ pa? Cone on Andrea, huwag mo kaming bolahin. Bakit hindi sa mama mo or sa family mo iikaw humingi ng payo? May ibang motive ka eh!!! Malinaw iyun. We wére not born yesterday.  Maybe paraan mo lang iyun para tuksuhin si DJ."


"Kuya kuyakoy ika nga. Hihingi ka lng payo need pang one on one? Sana pag may syota na yung lalaki dalawa clang imeet mo. Isip isip din kasi."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo