Kim Chiu, Kinilig Kay Paulo Avelino Sa Kanilang First Tikt0k Together

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Kinilig ang maraming mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino ng ibahagi ng dalawa ang kanilang first Tiktok na magkasama.


Hindi naman maitatanggi na napakalakas ng datingan at chemistry ng dalawa kaya naman muli silang pinagtambal sa Philippine adaptation ng hit South Korean romcom na What's Wrong With Secretary Kim.


Samantala sa latest update ng dalawa, sinayaw ni Kim Chiu at Paulo Avelino ang TikTok trend na Lowkey Song.


Sa kabilang banda, tuloy na tuloy pa rin ang second day taping ng dalawa sa kanilang pagbibidahang serye kahit pa bumuhos ang ulan.


Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng mga tagahanga ng tambalang KimPau ang local adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim lalo na't pagbibidahan ito ng mga magagaling na artista sa industriya ng showbiz sa bansa.


Excited ngayon ang mga tagahanga ng dalawa sa gagampanang nilang role dahil malayong-malayo ito sa unang serye ginampanan nila bilang Victor at si Juliana sa Linlang.


Inaabangan rin ng mga netizens ang matinding transitions ng gagampanang karakter ni Kim Chui mula sa pagiging si Juliana at ngayon bilang si Secretary Kim.


Samantala narito ang ilang komento ng mga netizens sa nasabing video nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


"They actually have a really good chemistry"


"Excited for the FilipinoVersion of WWWSK. Another success to our Multimedia Idol Superstar Kimmy in VIU viewers. Expecting this the 1st qtr of January 2024.congrats to our Digital Streaming Queen, Kim Chiu❤️👏"


"Ampogi ni paulo! Jusko! Parang 16 yo ulit ako sa kilig"


Si Michael Paulo Lingbanan Avelino na ipinanganak noong Mayo 13, 1988 ay isang Filipino actor, singer, model, at Film producer.


Nagbida siya sa maraming hit na serye sa telebisyon tulad ng Walang Hanggan (2012), Bridges of Love (2015), at The General's Daughter (2019). 


Sa mga pelikula, ang isa sa kanyang pinakakilalang mga gawa ay ang kanyang paglalarawan kay Gregorio del Pilar sa Philippine war epic na Heneral Luna (2015), na kanyang muling ginawa sa isang pamagat na papel para sa sequel nito, Goyo: Ang Batang Heneral (2018). Kabilang sa iba pang kilalang pelikula ni Avelino ang Pagpag: Siyam na Buhay (2013), I'm Drunk, I Love You (2017), at Fan Girl (2020).


Nagmula si Paulo Avelino sa kilalang pamilya sa Baguio, Pilipinas. Siya ay anak ni Roberto Puigcerver Avelino, isang maimpluwensyang Espanyol-Pilipino mula sa Calbayog, Kanlurang Samar, at Jennilyn Lingbanan. 


Siya ay apo ni Baltazar Avelino, dating gobernador ng Samar, at apo sa tuhod ni dating Senate President Jose Avelino. 


Mayroon siyang tatlong kapatid, sina Honey, Gabriel, at Angela. Siya ang pangalawa sa pinakamatanda sa kanilang magkakapatid. Si Paulo Avelino ay may anak na lalaki kay LJ Reyes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo