Xian Gaza, Binunyag Ang Pag-Uugali Ni Andrea Brillantes

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang mga isiniwalat ng kilalang lalaking marites na ng Pilipinas na si Christian Albert Gaza patungkol sa controversial young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


May panibagong revelation ang social media personality na si Christian Albert Gaza na kilala rin bilang si Xian Gaza patungkol sa totoong ugali umano ng actress na si Andrea Brillantes na may kaugnayan pa rin sa kinakaharap nitong isyu ngayon.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment sites ang pangalan ni Andrea Brillantes matapos ma-link sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.


Itinuturo ngayong third party ang aktres na si Andrea Brillantes sa naging hiwalayan umano ng long time celebrity couple na KathNiel.


Samantala, kaagad na pinagpipyestahan sa social media ang naging social media post ni Xian Gaza patungkol sa totoong ugali ni Andrea Brillantes.


"Hindi pala si DJ ang unang tinarget niyang sulutin. Marami na pala, hindi lang nami-media. Hobby pala niya mang-agaw pero ang press release eh palaging siya yung biktima. Iniiwasan na pala yan sa industriya dahil sa pangit niyang ugali at pagkatao."


Matatandaan na nauna nang naiulat ang palihim umano na pagkikita nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ng maraming beses.


Sa kabila ng pagiging trending patuloy pa ring nananahimik ang magkabilang panig hinggil sa nasabing isyu.


Sa ngayon ay burado na ang nasabing post ni Xian Gaza, subalit tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshots.


Tanong ngayon ng ilang mga netizens, sino ang unang target ni Andrea Brillantes na agawin bukod kay Daniel Padilla?




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo