Matapos Maghiwalay, Mga Negosyo Ni Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Pinaghahatian

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Kasunod ng isyung naghiwalay na ang longtime reel at real couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, usap-usapan ngayon ang umano'y paghahatian ng dalawa ang mga negosyong naipundar nilang dalawa.


Nagsimula ang pagmamahalan ng KathNiel ng ilang beses silang maging magkatambal sa mga teleserye at pelikula.


Marami ang humanga sa kanilang pag-iibigan dahil sa tagal nito na inakala nang lahat na sila na ang magkakatuluyan sa huli.


Sa tagal ng kanilang relasyon, may mga negosyo na rin sila naipundar kung saan ay kasosyo rin nila ang kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.


Gayunpaman, matapos maibalitang naghiwalay na ang dalawa nanging usap-usapan ngayon ang paghahati ng dalawa sa kanilang mga negosyo.


Ayon sa mga kumakalat na balita, nakikipag-usap na umano ngayon ang kampo ng aktres na si Kathryn Bernardo sa mga abogado upang humingi ng advice patungkol sa mga negosyong nasa pangalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, sakaling maipinal na ang paghahatian nila sa kanilang mga assets ay tuluyan nang maghihiwalay ng landas sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Samantala, isiniwalat naman ni Manay Cristy Fermin na nakikipag-usap na ngayon kampo ni Kathryn Bernardo kay Rambo Nunez at Maja Salvador. Para lumipat ito ng panibagong management.


Maging ang aktor na si Daniel Padilla ay naghahanap na rin umano ng management.


Tila hindi nagustuhan ng Star Magic ang hinaharap na isyu nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya naman hindi na nila ire-renew ang kontrata ng dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo