Netizens May Napansin Sa Bagong Litrato Ni Kathryn Bernardo

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng usaping naghiwalay na ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla may napansin ang ilang mga netizens patungkol sa pangangatawan ngayon ng aktres.


Ayon sa ilang mga netizens, hindi lamang ang pananamit ang nagbago ngayon sa aktres, napakalaki na umano ng pagbabago ngayon ng pangangatawan nito ngayon kung saan kapansin-pansin ang pagiging payat nito.


Hinala ng mga netizens na ang dahilan ng pamamayat ngayon ni Kathryn ay ang kinakaharap na isyu ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Gayunpaman, may mga nagsasabi naman na baka sinadya lamang ni Kath na magpapayat para sa kanyang role sa A Very Good Girl at sa iba pa niyang mga upcoming films.


May mga nagsasabi rin na nagpapapayat ngayon ang aktres para mapanindigan ang pagpapasexy niya sa mundo ng showbiz.


Sa kabila nito, tila hindi naman nagpapaapekto ang aktres at nagpapasalamat pa sa mga natatanggap niyang blessings.


Muling nagbunyi ang mga solid supporters ni Kathryn Bernardo dahil umabot na sa mahigit 18 million ang followers ng aktres sa kanyang Instagram account.


Nitong October lamang naabot ni Kathryn ang 18 million followers, subalit ngayon patuloy pa rin itong tumataas.


Si Kathryn Bernardo ang kumakalawa kay Anne Curtis sa mga artistang may pinakamaraming followers sa Instagram.


Si Kathryn Chandria Manuel Bernardo ay isang artistang Pilipino. Sinimulan niya ang kanyang karera sa pag-arte bilang isang child actress, na gumaganap bilang mga batang bersyon ng mga pangunahing karakter sa mga serye tulad ng It Might Be You, Endless Love at Magkaribal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo