Mariel Padilla Proud Na Iflinex Ang Kanyang Summer Bag Collection!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


Masayang ipinasilip ng actress-vlogger na si Mariel Rodriguez sa kanyang social media followers ang kanyang summer bag collections.


Sa inilabas niyang latest vlog, isa-isa niyang inilabas at pinasilip ang kanyang bag. Ibinahagi rin niya ang kwento ng bawat isa nito at kung paano niya nabili.


Ipinahayag din ni Mariel na talagang dinala niya ang kanyang mga bags sa Palawan upang feel na feel ang summer vibes.


"Hi guys! Dahil summer na summer na ang init sa Pilipinas, I will be sharing with you my favorite summer bags. Dinala ko talaga ang aking mga bags from Manila to Lihim Resorts in Palawan just to have that summer feel!"


"Oh diba, effort na effort! Hahahahaha. So ayan, baka ma-inspire ko rin kayo to invest in your summer bags and let’s all get ready for summer!!!"


Isa sa mga ibinidang bag ni Mariel ay ang bag mula kay Dani Barretto na gamit na gami niya dahil hindi umano ito nababasa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo