Toni Gonzaga Confirms Pregnancy Sa 2nd Baby Niya Kay Paul Soriano!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Jerome

 


Matapos ang ilang linggo na ngang usap-usapan sa social media ay nakumpirma na rin sa wakas ang bulong-bulongan na buntis si Toni Gonzaga.


Ito ay na kumpirma sa latest vlog ni Toni na Toni Talks, Dahil sa vlog nga na ito, dito ay makikita ang nakaumbok nga niyang tiyan habang ini-interview ang sikat na singer na si Angeline Quinto.


Sa tantsya naman ng mga netizens ay nasa anim na buwan na ito. 


Itinago nga ng mag-asawang Toni at Paul Soriano ang pagbubuntis ni Toni, sa dahilan na sila lang ang nakakaalam.


Pero marahil gusto lang nila ng privacy, pero dahil nga sa public figure at isa sa mga sikat na celebrity si Toni Gonzaga ay imposible talaga na maitago ito. 


Ayon naman sa mga netizens ay siguro itinago ito ng mag-asawa para makaiwas sa stress.


Dahil sa pinangangalagaan nila ang maselang kondisyong ito ni Toni.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na marami talagang bashers si Toni Gonzaga, dahil sa politika.


Itong ipinagbubuntis ni Toni ang 2nd baby nila ni Paul Soriano.


Pero hindi pa ipinapaalam kung lalaki ba ito o babae, pero hiling ng marami nilang tagahanga na sana daw maging babae para lalaki at babae na ang kanilang anak.


  

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo