Maja Salvador Binabatikos Dahil Sa Paglayas Sa Eat Bulaga!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Marami ang nagulat sa biglaang pag-alis ni Maja Salvador sa Eat Bulaga. Bagama't temporary lamang ito dahil kailangan umano munang magfocus ng actress sa kanyang nalalapit na pagpapakasal, tila may ibang mga netizens na tumaas pa rin ang kilay at hindi kumbinsido sa kanyang rason.


Samantala sa latest episode ng Cristy Ferminute ni Manay Cristy Fermin, isa sa kanilang napag-usapan ay ang mga komento mula sa mga netizens.


Ayon kay Cristy Fermin, may nababasa umano silang komento na nang-iiwan sa gitna ng laban ang actress host. Hanggang ngayon kasi ay tila hindi pa rin natatapos ang internal conflict na nagaganap sa Eat Bulaga.


“Ang dami-daming naglalabasang komento, na kesyo si Maja daw, nang-iiwan sa gitna ng laban. Hindi po, ikakasal po si Maja Salvador, diba?” pagtatanggol ni Manay Cristy Fermin.


Ipinunto din ni Manay Cristy na hindi isang simpleng selebrasyon ang magaganap sa kasalang Maja Salvador at Rambo Nunez.


Hiling naman ni Manay Cristy na sana ay initindihin na lamang ang aktres ngayon at sinabi naman umano nitong babalik din siya sa Eat Bulaga.


“Kaya lang hindi natin maiiwasan 'yung mga haka-haka, 'Naku si Maja, kung kailan palubog na 'yung barko,' may ganu'n akong mabasa e, 'Saka naman tumalon.' Hindi po ganu'n. Unawain po natin na may kasalang magaganap at sila ni Rambo ang personal na namamahala sa kanilang pagpapakasal.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo