Melai Cantiveros Nagreact at Nagsalita Na Sa Balitang Hiwalay Na Sila Ng Asawa Na Si Jayson Francisco!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Agad na nilinaw ng actress-host na si Melai Cantiveros ang isyu ng hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Jason Francisco.


Kamakailan lamang ay lumabas ang isyung tila nakakamalabuan na diumano ang dalawa dahil hindi na sila namamataan na magkasama.


Kaya naman naglabas na ng resibo si Melai na maayos at hindi totoo ang chismis na hiwalay na sila.


Kaninang umaga lamang, April 14, nagbahagi ng maikling video si Melai Cantiveros sa kanyang Instagram Story. Makikita ang komedyante sa loob ng sasakyan.


Makikita sa video na umaandar ang sasakyan na kalaunan ay ipinakita ni Melai na si Jason ang nagmamaneho nito.


Samantala, sa caption ipinahayag ni Melai, “Marites.” “Good morning mga kapisanan ng mga Marites sa Pilipina. Hayan napo hinahanap nyu…. buhay na buhay walang kahit na anung sugat. pinagdrive napo tayu mga ka Mari.” 


Ipinahayag din niyang hindi siya hanapan ng mga nawawalang tao, dahil isa siyang asawa.


Isinulat din ni Melai na papunta silang Magandang Buhay sa oras na iyon.


Dahil sa inilabas na video ni Melai, tila nawala ang agam-agam ng mga netizens at mga fans nila na on the rocks ang kanilang relasyon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo