Cristy Fermin, Nag-Aalala Kay Angel Locsin Sa Gitna Ng Pananahimik Nito!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Muling napag-usapan nina Manay Cristy Fermin at Romel Chika ang showbiz hiatus ng aktres na si Angel Locsin sa lataest episode ng kanilang programang Cristy Ferminute.


“Nasaan na nga ba si Angel Locsin? Ang daming nagtatanong sa akin. I'm sure sa iyo din maraming nambubusisi ng mga dahilan kung bakit at nasaan na si Angel Locsin,” saad ni Cristy Fermin.


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin ang ilan sa naiisip niyang dahilan ng biglaang pananahimik nito at tila pag-iwas sa social media.


“Alam mo Romel, iniisip ko ah, kasi ang dakilang ama ni Angel ay matandang matanda na, diba? Kailangang kailangan ng pag-aalaga ng kanyang pamilya. At alam naman natin na si Angel ay talagang makaama. Siguro ay binibigyan niya ng panahon si Daddy Angel (Angelo Colmenares) para makasama sa araw-araw.”


“Pangalawa, nag-aalala ako na baka 'yung iniinda niyang sakit sa likuran, 'yung sa likod niya ay nagkaroon ng mas matinding epekto kaya hindi siya nakakapagtrabaho talaga at kaya siya lumalaki.”


Gayunpaman, hiling ni Manay Cristy Fermin na balang araw ay ipaalam rin ng aktres sa kanyang mga tagahanga ang totoong dahilan ng kanyang pananahimik.


“Sana isang araw, mag-post naman si Angel at sabihin niya sa kanyang mga tagahanga at ating mga kababayan."


Sa huli, tanging hiling ni Manay Cristy Fermin na sana'y nasa maayos na pangangatawan si Angel Locsin at ang aman nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo