Gladys Reyes Totoong Sinampal Si Barbie Forteza!

Lunes, Abril 10, 2023

/ by Lovely


Ipinahayag ng beteranang aktres na si Gladys Reyes ang kanyang paghanga sa Kapuso actress na si Barbie Forteza.


Matatandaan na nagkasama sina Gladys Reyes at Barbie Forteza sa teleseryeng Inday Will Always Love You.


Inamin ni Gladys sa kamakailang guesting niya kay Boy Abunda na sa teleseryeng kinabibilangan nila noon ni Barbie totoong nasasaktan niya ng pisikal ang dalaga dala ng mga intense na eksena.


Samantala, naitanong din Boy Abunda si Gladys kung sino ang nais niya artista na makatrabaho, kung saan sasabunutan niya ito at aapihin.


Agad naman itong sinagot ni Gladys at sinabing matagal na niyang ninanais na maging kaeksena si Vilma Santos.


"Gustong-gusto ko 'yung pelikula nilang anak, kasi siyempre Ate Vi 'yan. Gusto ko talaga maramdaman paano ko aapihin si Ate Vi. Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandun na ako? Baka hindi ko magawa 'yung talagang eksena pero siyempre challenge accepted," paliwanag ni Gladys. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo