Muling napag-usapan sa vlog nina Ogie Diaz si Liza Soberano at ang boyfriend nitong si Enrique Gil.
Napansin kasi ng talent manager at showbiz insider na tila nanahimik lamang si Enrique Gil sa gitna ng mga intrigang kinakaharap ngayon ni Liza Soberano.
“Sa totoo lang, oo, hindi nga nariringgan si Quen. Bakit itong si Enrique Gil ay hindi pinagtatanggol si Liza Soberano sa kabila ng lahat ng mga pambabatikos at mga bashing na natatanggap ni Liza? 'Yun ang sinasabi nila, 'no.”
Subalit, agad din naman ipinahayag ni Ogie na noon pa man ay palagi nang tahimik si Enrique at hindi pumapatol sa anumang isyung ibinabato sa kanila.
“Pero sa totoo lang, si Quen kasi hindi siya ganu'n e.”
“Tahimik si Quen. Supportive naman si Quen. Pero sa pagkakaalam ko, tahimik lang si Quen. Hayaan na natin sa ganu'n,” ani Ogie.
No comments
Post a Comment
Share your opinion now!