Ama Ni Kemberly Achas Ibinulgar Ang Mga Huling Sandali Ng Anak Sa Kamay Ni Edson Jamisola

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Jerome


 Ama ni Kemberly Achas nagsalita na at ikuweninto ang mga huling sandali ng kanyang anak sa kamay ng live-in partner nito na si Edson Jamisola na siyang kumitil sa buhay ni Kemberly.


Ayon sa ama ni Kemberly Achas na nakatira daw ang mag-asawa sa puder niya at hindi naman daw niya ito kailanman na nakikitang nag-aaway kahit na isang beses.


Kaya't laking gulat niya na humantong sa ganoong pangyayari, na nawalan pa siya ng anak sa isang iglap.


Itong si Edson daw umano ay nanggaling na sa rehab bago pa man sila nagsama ni Kemberly at ang akala nila na itong si Edson ay tuloyan ng iniwan ang bisyo kaya naman pumayag sila na magsama ang dalawa.


Kamakailan daw ay napansin nila na maynagbago kay Edson  kaya naman napag-usapan daw ng pamilya nila at pamilya ni Edson ang tungkol sa kanilang napansin kay Edson kaya napagdisisyonan nila na ibalik daw ito sa rehab.


Upang maobserbahan ng mga apat na araw pero kung wala parin daw itong makitang pagbabago ay tuluyan na itong ipapasok sa rehab.


Ngunit agad itong ikinagalit ni Edson at dito na nga nagkaroon ng pagtatalo hanggang pinalabas ni Edson ang kanyang ina at ina ni Kemberly at ang tanging naiwan sa loob ay silang mag-asawa na lamang.


Ikinandado daw umano ng mabuti ni Edson ang pinto para walang makapasok, at dito na nga ay sinimulan na nitong bugbugin si Kemberly.


Sunod-sunod daw umano ang kanilang naririnig na pagsigaw at paghingi ng tulong ni Kemberly pero hindi nila magawang makapasok dahil hindi nila mabuksan ang pintuan kahit na ilan pa sila at hindi din nila ito masira.


Maging ang bentana ng bahay ay hindi nila mapasok dahil naka grills daw ito kaya naman napagpasyahan  daw nila na tumawag nalang ng mga police, at ng dumating na ang mga police ay dumaan ito sa bobongan ng bahay at nagawa itong makapasok.


Pero wala na doon si Edson at naka takas na, kaagad naman na binuksan ng police ang pintuan at kaagad din naman na tumambad sa ina ni Kemberly ang kaawa-awang lagay ng anak.


Si Kemberly ay agad na isinugod sa hospital pero hindi na nito kinaya at binawian na ito ng buhay, habang si Edson naman ay nakita sa may damuhan sa likod lang ng bahay kung saan naganap ang pagtapos nito sa buhay ng kanyang kinakasamang si Kemberly.


https://www.facebook.com/reel/206864361935351/?s=single_unit


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo