Toni Fowler Hindi Nagsisising Inilabas Ang Malasw@ng Music Video ng MPL!

Lunes, Marso 13, 2023

/ by Lovely


 Prangkang ipinahayag ng vlogger na si Toni Fowler na hindi niya pinagsisisihan ang pagpapalabas ng music video na umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens.


Sa katunayan ay nagbabalak pa umano si Toni Fowler na sundan pa ang kontrobersyal na kanta.


Sa isang panayam sa kanya ng co-actor niya sa Ang Batang Quiapo tahasan sinagot ni Toni Fowler ang ilang kontrobersyal na tanong para sa kanya.


Labis rin ang pasasalamat niya sa mga taong bagama't hindi nagustuhan ang kanyang mudic video ay pinapanood pa rin ito na siyang nakadagdag sa views nito.


“Sa mga galit sa akin pero pinanood pa rin ‘yung video ko, thank you so much sa panonood kasi ako pa rin naman ang pumera doon. Yung naman din ang goal ko e… Huwag kayong mag-alala, lulupitan ko pa next time."


Matatandaan na umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang ibinahaging music video ni Toni Fowler sa kanyang rap song na MPL lalo na mula sa mga ina.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo