Olivia Culpo, Pinatulan Basher; Handa Na Lumaklak Ng Energy Drink!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Agad na sinagot ni Miss Universe 2012 Olivia Frances Culpo ang isang basher na nagsabing kailangan niyang magkaroon ng mataas na energy sa nakatakdang hosting stint sa Miss Universe 2022 Coronation Night na mapapanood sa Pilipinas sa darating na Linggo, January 15, 9:00 ng umaga.

Matatandaang na-bash noon nang bonggang-bongga si Olivia Culpo dahil sa kaniyang tila mababang enerhiya sa pagho-host, lalo na sa pagtawag ng mga kandidatang pasok sa top, noong Miss Universe 2021.

Sa kaniyang TikTok account ibinahagi ng beauty queen, na handa na siyang uminom ng energy drink para sa nalalapit na hosting ng Miss Universe 2022 kasama si Jeannie Mai Jenkins.

“On my way to get Red Bull before hosting Miss Universe because user26263747482 said I need more energy this year,” caption ni Culpo sa kaniyang TikTok entry. 

Makikita sa video na nakasakay siya sa isang bangka sa saliw ng “My Heart Will Go On” ni Celine Dion, na theme song ng pelikulang “Titanic”.

Sa comment section, isang netizen ang nagbigay ng kanyang hinuha na ang tinutukoy na user ni Olivia Culpo ay si Miss Universe-Philippines 2014 Mare Jean ‘MJ” Lastimosa. Subalit wala namang tugon o anumang impormasyon hinggil sa hinuhang ito ng netizen.

Narito pa ang ilang komento mula sa mga netizens sa Tiktok entry ni Olivia.

“Take it as positive feedback! You did good but we definitely need a little more energy!”

“Don’t forget to bring COBRA and ENERVON madam.”

“Milo rin madam hahaha.”

“OMG MARE GALINGAN MO NA THIS YEAR KALOKA KA!!”


@oliviadangerculpo #MissUniverse, I’m on my way!!! 🔌 🔋 😭😂 @Miss Universe ♬ My Heart Will Go On (Titanic) - Maliheh Saeedi & Faraz Taali

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo