Whamos, Nakaharap Na Ang ‘Kambal’ Na Si Whamsy!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


 Pinagbiyak na Bunga!

Ito ang komento ng ilang mga netizens sa ibinahaging video ni Whamos kung saan nakasama niya ang kanyang kalook-alike na si Whamsy.

Ayon kay Whamsy, isang #awitgamer ang naging daan sa pagkikita nila ni Whamos.

“Unang una po sa lahat nagpapasalamat po ako kay kuya #Awitgamer KUNG hindi po dahil sa kaniya dahil marami na po sa akin nakikilala bilang #whamsy (emoji) at hindi po dahil sa kaniya hindi po kami magtatagpo ni kuya #Whamoscruz maraming maraming salamat po sa taos-pusong nag susuporta sa akin sana hindi po kayo magsawang suportahan po ako mga Ka-Whamsy,” pahayag ni Whamsy sa kanyang Facebook post.

Labis naman na ikinatuwa ni Whamos ang pagkikita nilang ito ni Whamsy na aniya pa'y mas kamukha pa niya kaysa sa totoo niyang mga kapatid.

Bago umuwi ay binigyan ni Whamos ng mobile phone at cash si Whamsy. Pinagshopping din niya ang kanyang 'kakambal' upang masaya itong umuwi.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo