Andrew Schimmer Sobrang Miss Na Ang Asawang Si Jho Rovero!

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Muling ipinahayag ng aktor na si Andrew Schimmer ang labis na pagkamiss sa kanyang asawang si Jho Rovero, ilang linggo matapos ang pagpanaw nito dahil sa sakit.

Labis na niyang namimiss ang kanyang asawa at napakalungkot ngayong hindi na niya ito nakakasama at nakikita. Bagama't mahigit isang taon ang pagmamalagi ni Jho Rovero sa hospital ay hindi pa rin ito sinusukuan ni Andrew sa paniniwalang magiging maayos ang kalagayan nito at babalik pa sa dati.

Matapos ang ilang linggo ng pagpanaw ni Jho ay tila hindi pa rin naiibsan ang sakit na nadama ngayon ni Andrew Schimmer dala ng labis na pangungulila sa pumanaw na asawa.

“I miss your touch some nights when I‘m hollow,

“I know, you already cross the bridge that I can’t fllow…

I JUST WANT YOU TO KNOW…”That if I can’t be close to you, I’ll settle for the ghost of you… I miss you more than life. Miss you more than life," post ni Andrew sa kanyang Facebook account.

Matatandaan na ilang araw bago ang pagpanaw ni Jho ay ipinahiwatig pa ni Andrew sa kanilang  mga followers na naghahanda na siya para sa kasal nilang dalawa sa simbahan. Subalit, hindi na ito natuloy pa dahil sa malungkot na balita.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo