Award Winning Kapamilya Star Jodi Sta. Maria Titigil Na Sa Pag-Acting?

Miyerkules, Enero 11, 2023

/ by Lovely


Tila may bago nang plano ang award winning actress na si Jodi Sta. Maria sa kanyang showwbiz career.

Kamakailan lamang ay kinilala ang galing sa pag-arte ni Jodi Sta. Maria, nang itinanghal siya bilang best actress sa isang international award giving body, ang Asian Academy Awards sa Singapore.

Sa isang panayam, tila ipinahayag ni Jodi Sta. Maria ang pagnanais niyang maging mentor na lamang ng mga baguhang artista.

Sa nasabing panayam ay isiniwalat ni Jodi na noon pa man ay may nag-alok na sa kanya na magtayo ng sariling work shop subalit hindi pa siya noon handang magturo.

Kasunod nito ay nagbigay ng payo si Jodi Sta. Maria sa mga baguhang artista na nais maging mas magaling pa sa larangan ng pag-arte.

"No. 1 is to always strive for excellence. Part of this is hardwork and patience. Second is to always show respect. You give this not only to the senior stars, but to everybody on the set.

"I've learned through the years that this industry exists on pakikisama-this is important. It's always better that people feel happy when you're on the set, rather than make them feel uncomfortable. Huwag kang pabigat.

"Lastly, never stop dreaming and aiming for your goals. Goal-setting is beautiful, beacause it gives you direction. It helpsd that you know where you want to steer your career to," pagpapahayag ng aktres.

Kamakailan din ay pinupuri ng mga netizens ang kabaitan ni Jodi Sta. Maria nang ampunin niya ang isang inabandonang pusa sa airport na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo