Joshua Garcia Nilinaw Ang Pagiging Single! Mag-isa Lamang Siya Sa Japan!

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktor na si Joshua Garcia sa kanyang panayam kay Ogie Diaz na isa siyang single.

Naitanong ng host na si Ogie Diaz kay Joshua Garcia kung 'single ba siya or double'. Matatandaang nauna nang na-link si Joshua Garcia sa Tiktoker na si Bella Racellis.

Agad na sagot ni Joshua na isa siyang single. Agad din nitong iniwas sa kanyang lovelife ang usapan nila ni Ogie Diaz.

Anioya, "Huwag na natin pagusapan 'yan. Basta ako, single ako. Nag-iisa ako diba? Wala ako kasama sa Japan."

Itanong din ni Ogie Diaz kung naiinggit ba ang aktor sa kanyang mga kaibigang may jowa kagaya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at Ria Atayde, Robi Domingo at Maiqui Pineda. Sey ni Joshua, na minsan ay naiinggit din siya  sa mga ito ngunit hindi naman siya na nakakaramdam ng lungkot dahil hindi ito ipinaparamdam ng kanyang mga kaibigan.

 "Pag may mga times na naglalakad ako mag-isa, naeenjoy ko yun kasi nasa Japan ako. Andaming nakikita, andaming mga buildings, at nakakalakad kami sa kalsada." pagkukwento pa ni Joshua.

Kamakailan lamang ay nalink sila  ni Bella matapos silang makitang sweet sa isang bar at magkaholding hands. Nag-flex din si Joshua ng mga larawan nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo