Start-Up PH Magtatapos Na Sa December! Mahina Ba Ang Rating?

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely

Mainit na pinagdedebatehan ngayon ng mga manonood ang balitang nalalapit na ang pagtatapos ng teleseryeng pinagbibidahan nina Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmin Kurdi at Jeric Gonzales na Start-Up PH.

Matatandaang inilabas ang world premiere ng nasabing teleserye noong September 2022. Ang Start-Up PH ay ang Philippine original adaptation ng hit Korean series na Start-Up.

Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang nalalapit na pagtatapos nito. Dito sa Pilipinas kasi, kapag ang isang show ay mabilis na natapos ibig sabihin mababa ang TV ratings nito, o napapangitan ang mga manonood. 

Ngunit may mga manonood naman na agad ipinagtanggol ang Start-Up at sinabing sadyang maikli lamang ito kaysa sa mga nakasanayang teserye ng Pilipinas na mararaming add-on kahit pa paikot-ikot na lamang ang storya.

Ipinunto din ng iba na 16 episodes lamang ang original series ng Start-Up so paano ito hahaba?

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo