Vhong Navarro Inilipat Na Sa Taguig City Jail! Post To Bail Hindi Na-aprubahan?

Miyerkules, Nobyembre 16, 2022

/ by Lovely


Tila panalong muli si Deniece Cornejo sa laban nila ni Vhong Navarro sa korte. Imbes na makalaya ng pansamantala, tila lalo pang itong magdudusa dahil ililipat na Taguig City Jail.

Base na lumabas na balita, ililipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail at doon niya kakaharapin ang kasong rape na isinampa sa kanya ng dating modelo na si Deniece Cornejo. Ang pagpapalipat kay Vhong Navarro ay alinsunod sa commitment order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court.

Kasalukayang nasa NBI Detention Center nakakulong si Vhong Navarro matapos hindi makapag-pyansa sa kasong rape na inihain ni Deniece Cornejo. Inaayos na rin ng NBI sa ngayon ang mga kailangan dokumento sa paglipat kay Vhong Navarro sa Taguig City Jail.

Matatandaang, hiniling ng kampo ng aktor-host na si Vhong Navarro na sa NBI detention center na lamang siya mamalagi dahil mayroon umanong banta sa kanyang kaligtasan sa Taguig City Jail. Ngunit, hindi ito inaprubahan ng korte.

Makakasama na ni Vhong Navarro sa Taguig City jail ang kapwa mga preso sa iba't-ibang kaso sa iisang selda.

Samantala, hindi pa rin naglalabas ng desisyon ang korte kung papayag ba sila na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro kahit man lang ngayong pasko upang makasama ang kanyang pamilya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo