Aljur Abrenica, May Magkaibang Regalo Na Ibibigay Kina AJ Raval at Kylie Padilla!

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Sa nalalapit na pasko naitanong kay Aljur Abrenica sa isang panayam tungkol sa mga gathering na balak niya puntahan nitong holiday season.

Ayon kay Aljur tiyak na marami siyang events na pupuntahan sa darating na christmas season. Sa tanong naman kung ano ang ireregalo niya sa kanyang mga anak ay sinabi ni Aljur na ibibigay niya sa mga ito ang kani-kanilang paboritong laruan.

Nitanong din kay Aljur kung ano ang ibibigay niyang regalo sa kanyang rumored girlfriend na si AJ Raval. Sagot ni Aljur, “Ang gusto ko lang sa kaniya, ano eh, maging masaya siya. Na lahat ng wishes niya, lahat ng makakabuti para sa kaniya, mangyari. Di ko alam kung maibibigay ko ‘yun, pero wini-wish ko ‘yun para sa kaniya.”

Sa tanong naman kung anong regalo ang ibibigay ni Aljur sa dating asawa na si Kylie, agad na sagot ni Aljur, commitment ang ibibigay niya kay Kylie.

“Commitment na I’ll always be there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love,” pagpapaliwanag ni Aljur.

Matatandaang nitong nakaraang taon, ginulat nina Kylie at Aljur ang lahat matapos kinumpirma ng ama ng aktres na si Sen. Robin Padilla na tuluyan na silang naghiwalay. Sa kabila naman ng kanilang hiwalayan nagdesisyon ang dalawa na maging magkaibigan at mag-coparenting sa kanilang dalawang anak dahil ito pa rin ang kanilang priority kahit na hindi nag-work ang kanilang pagsasama.

( Hide )
  1. commitment para kay Kylie naku natutu na yun, wag maging marupok Kylie!

    TumugonBurahin
  2. Napabakabait talaga Ng Ang idol na

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo