Vhong Navarro Makakauwi Na Kaya Sa Kanyang Pamilya Sa Darating Na Pasko?

Martes, Nobyembre 15, 2022

/ by Lovely


Sa kamakailang vlog nina Cristy Fermin muli nilang napag-usapan ang sitwasyong kinakaharap ni Vhong Navarro ngayon.

Pagbabahagi ni Crity Fermin may nagtanong umano sa kanyang isang kaibigan, kung gaano kalaki ang nagawa ni Vhong Navarro kaya siya nagkakaganito ngayon.

“Sabi ko hindi naman siguro kailangan nating idugtong doon, maaaring bahagi ito ng laban niya pero hindi nangangahulugan na siya na ang may kasalanan at siya ang dapat magbayad. Kasi para nga naman tumagal nang tumagal ng ganito na ang dami niyang battery of lawyers pero wala pa ring nangyayari sa kanyang petisyon para makapag-post siya ng bail,” sagot na lamang umano ni Cristy Fermin.

Ipinunto rin ng mga kasamahan ni Cristy na habang tumatagal ang kaso ay tila nagsasawa na rin ang mga taong sumusubaybay nito. Nakakaawa na rin umano ang pamilya ni Vhong Navarro lalong-lalo na ang kanilang mga anak.

“Di ba ‘yung petisyon niya para makapag-post siya ng bail parang tumagal na nang tumagal. E, kapag nagtagal pa ito parang justice na ito, justice delayed, justice is denied."

Chika naman ni Romel na baka gusto ng kampo ni Deniece na makulong din si Vhong Navarro at maghirap katulad ng paghihirap nila noon.

Samantala, kahapon Lunes dapat ay naglabas na ng desisyon kung pagbibigyan ba ang kahilingan ni Vhong na makapag-bail. Para sa pansamantala niyang kalayaan pero natapos ang maghapon na walang lumalabas na desisyon ang korte.

Hiling naman nina Manay Cristy at mga kasamahan niya, maging ang buong legal team ni Vhong Navarro na mapagbigyan ng korte ang post to bail nito upang makasama nito ang kanyang pamilya at pansamantalang makapagtrabaho.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo