Zeinab Harake Nagpainit Sa Kanyang Fire Dance Performance!

Miyerkules, Mayo 3, 2023

/ by Lovely


 Muling pinahanga ng controversial vlogger at social media personality ang kanyang mga followers sa naging fire dance performance niya sa mismong 2nd birthday celebration ng kanyang anak na si Baby Bia.


Naganap ang second birthday celebration ni Baby Bia sa isang beach na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan.


Bilang pasabog sa birthday celebration ng anak, sumayaw si Zeinab Harake habang may hawak na dalawang baton na umaapoy ang bawat dulo.


Maging ang kanyang mga kaibigan ay nagulat rin sa pasabog na performance ni Zeinab dahil wala umano siyang pinagsabihan sa kanyang pasabog na surprise.


Ayon kay Zeinab Harake, hindi maaaring wala siyang pasabog na performance sa kaarawan ng kanyang anak.


Matatandaan na nitong April 28, ipinagdiriwang ng anak nina Zeinab Harake at Skusta Clee na si Baby Bia ang pangalawang birthday nito.


Muli, hindi nakasama si Skusta Clee sa celebration ni Baby Bia. Matatandaan pang sa ibinahaging post ni Skusta Clee sa social media sinabi niyang may mga nagbabawal sa kanyang makita ang anak sa kabila ng kanyang effort.


Matatandaan rin, na hindi naging maayos ang hiwalayan ni Zeinab Harake at Skusta Clee noong nagdaang taon.


Ilang beses din silang nagbatuhan ng mga cryptic post. Sa isang panayam, ipinahayag pa ni Zeinab ang ginawang panloloko umano sa kanya ng ka-live in na si Skusta Clee habang nagbubuntis noon kay Baby Moon.


Hindi lamang ang controversial na hiwalayan nila ni Skusta Clee ang kinaharap noon ni Zeinab. Matatandaang, inilabas ni Wilbert Tolentino ang mga baho ni Zeinab kalakip pa ang ilang mga screenshot na magpapatunay umano sa kanyang sinabi.


Subalit, ayon kay Zeinab, cropted na ang mga nasabing mensahe.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo