Ang Katotohanan Ng Hiwalayan Nila Kim Chiu, Xian Lim/ Kim Chiu Kumanta Na

Walang komento

Lunes, Nobyembre 13, 2023


 Saglit na tinugon ng Chinita Princess na si Kim Chiu ang lumalalang isyu hinggil sa naging hiwalayan nila ng kanyang longtime celebrity boyfriend na si Xian Lim.


Kumakalat ngayon ang break up rumor ng dalawa nang mapansin ng maraming mga netizens na missing in action si Xian Lim sa mga latest ganap ni Kim Chiu.


Maging sa mga social media post ni Kim Chiu ay tila hindi na rin nagbibigay reaksyon at komento si Xian Lim.


Isa pa sa pinag-ugatan ng isyung ito ay ang solong pagrampa ni Xian Lim sa Preview Ball. Kasunod naman nito ay solo ring rumampa si Kim Chiu sa naganap na ABS-CBN's Ball.


Samantala, sa isang press conference, naitanong kay Kim Chiu kung ano ang totong estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Naging magaan naman ang sagot ng aktres kung saan ipinahayag niyang maayos naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


"Baka nali-Linlang lang kayo," nakangiting pahayag ni Kim.


Paglilinaw pa niya sa kasalukuyang relasyon nila ni Xian Lim, "Okay naman kami ni Xi, mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman kami masaya naman po."


Matatandaan na lumipat si Xian Lim sa GMA Network noong 2021. Mula noon ay ilang beses nang inintriga ang kanilang paghihiwalay.


Dating magkasama sa Kapamilya Network sina Xian Lim at Kim Chiu kung saan nabuo ang kanilang loveteam na tinatawag na KimXi doon na rin nabuo ang kanilang real life romance.


Sa kabila ng mga isyung hiwalayan ng dalawa palagi nilang  pinapatunayan ng dalawa na going strong pa rin sila sa kabila ng pagtatrabaho sa magkaibang networks.


Matatandaan na binati pa ni Kim Chiu ang kanyang nobyo noong karawan nito sa kanyang Instagram post kung saan ipinahayag niya sa caption ang kanyang sweet message para rito.


"Happy Birthday to the person who holds my heart. Thank you for being you and always putting a smile on my face. Cheers to many more laughs to share, places to explore, things to solve, and many more, most especially birthdays to celebrate. ☺️🎂 I am always here for you, supporting you in everything you do!😘 Happy Birthday @xianlim" 


Gayunpaman, naging isa ang nasabing post ni Kim Chiu sa mga huling update niya sa social media kasama ang kanyang boyfriend na ibinahagi pa ni Kim noong buwan ng Hulyo.


Samantala nitong November 2 episode ng It's Showtime naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung sino ang nagpapangiti sa kanya ngayon.


Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na ang kanyang pamilya, kamag-anak at mga kapatid ang siyang nagpapangiti sa kanya. Kapansin-pansin din na tila nilalayo ni Kim Chiu ang kanilang usapan patungkol sa kanya.


Subalit, hindi pa rin siya tinatanan ni Vice Ganda kung saan tinanong nito kung ano kulang sa kay Kim Chiu.


Sagot ni Kim Chiu, "Kulang ako kapag walang.... usap."


Nilinaw naman ni Kim Chiu na hindi nabubuo ang kanyang araw kung hindi siya nakikipag-usap.


"Because, in everything that we do, communication is the Key."


Dito na rin inamin ni Kim Chiu na hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakakausap si Xian Lim bukod sa kanyang pamilya.



Dating the Voice Kids Contestant Yohance Buie, Puman5w Sa Edad Na 17

Walang komento


 Kinumpirma ng pamilyang The Voice Kids contestant na si Yohance Buie sa social media ang kanyang pagpanaw sa edad na 17.


Sa kanilang post, inihayag ni Ronnie Griffin G. Villanueva ng Virtual Playground ang pagpanaw ni Yohance noong Nobyembre 11, 2023.


“It is with heavy hearts that we announce the passing of YOHANCE LEVI A. BUIE. We are deeply saddened by this loss, and our thoughts and prayers go out to his family and loved ones during this difficult time.” 


“Yohance Buie was a remarkable talent who shone in the entertainment world. His journey began on ABSCBN’s The Voice Kids, where his powerful voice and stage presence captivated audiences and judges alike. 


"He continued to showcase his versatility as an actor in Reality MM Studios’ “Day Zero” on Amazon Prime, leaving a lasting impression with his exceptional performance. Yohance’s talents extended to the digital realm, where he charmed viewers in the Regal’s YouTube series “The Day I Loved You.” 


"His passion and dedication to his craft were evident in every role he took on, and he will be remembered for the indelible mark he left on the world of entertainment.


“Yohance Buie’s remains will be available for viewing at St. Peter’s Antipolo. We welcome friends, family, and well-wishers to pay their respects and honor his memory during this time of mourning,” pagbabahagi Ronnie Griffin Villanueva.


Samantala, hindi naman nito ipinahayag kung ano ang dahilan ng maagang pamamaalalm ni Yohancw Buie.



Michelle Dee, Sumigaw ng 'Filipinas' sa Introduction Rehearsals ng Miss Universe

Walang komento


 Iba-iba ang ginawang gimik ng mga kandidata sa Miss Universe sa ikatlong araw ng kanilang grand rehearsal para sa nasabing beauty pageant.


Ikinagulat naman ng mga Filipino fans at maging ng ilang mga candidate ang isinigaw ng pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee ang kanyang intro.


Hindi inasahan ng marami na wikang Espanyol ang gagamitin ni Michelle Dee para sa kanyang intro, imbes na Philippines, Filipinas ang isinigaw ng ating kandidata.


Ayon sa ilang mga komento ng mga pageant fans, ito umano ang kauna-unahang pagkakataon sa Miss Universe pageant na ginamit ng Philippine deligate na ginamit ang salitang 'Filipinas'.


Komento pa ng ilan na talagang tumindig ang kanilang mga balahibo sa wikang ginamit ni Michelle Dee sa kanyang pagpapakilala.


Samantala, naghinala naman ang ilan na ang paggamit sa wikang ito ay kasama sa strategy ng team ni Michelle Dee upang masungkit ang panibagong korona ng Miss Universe para sa Pilipinas.


Masasabing naiiba ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe ngayong taon. Hindi basta-bastang sumasabay lamang si Michelle sa stereotype bagkus kayang-kaya niyang makibagay at makipagsabayan sa mga latino sa El Salvador habang taas noong ipinapakilala ang Pilipinas.


Hindi naman mali kung sakaling pipiliin ni Michelle ang paggamit ng salitang Filipinas sa kanyang introductions sa finals.


Hindi ito maituturing na cultural appropriation dahil kung pababalikan ang kasaysayan ng bansa mahigit 300 years din namang sumailalim ang bansa sa pamumuno ng mga espanyol.


Sa katunayan, makikita pa rin hanggang ngayon ang impluwensya ng Espanyol sa ating mga kultura mula batas, relihiyon, edukasyon, pananalita, apelyido, architecture, arts, musika, pagkain at ibang mga kaugalian.


Sa kabilang banda, lalong lumakas ang Bayanihan sa pagboto kay Michelle Dee matapos, ihayag ng ilang mga Thailand pageant fans ang planong agawin mula kay Michelle ang top spot sa botohan.


Binabalak ng Thailand humabol sa botohan at iisang bagsak ang kanilang mga boto para maipanalo ang kanilang kandidata.


Kaya naman, maging ang ilang mga celebrities ay nanawagan na rin ng pagsuporta para kay Michelle Dee para matiyak ang pwesto nito sakaling totohanin ng Thailand ang kanilang pagbabanta. 


Kabilang sa mga celebrities na full support at nanawagan ng boto para kay Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ay sina Alden Richards, Kylie Padille, Ruru Madrid at Miguel Tanfelix.


Si Michelle Daniela Marquez Dee ay isang Filipina actress, model, television presenter, talk show host, at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss Universe Philippines 2023. 


Siya ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss Universe 2023 competition sa El Salvador. Dati nang kinoronahan si Michelle Dee bilang Miss World Philippines 2019.




Reaksyon Sa Image Ngayon Ni Kathryn Bernardo Sa Mundo Ng Showbiz

Walang komento


 Hindi lamang ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagulat sa kanyang panibagong image sa showbiz industry maging ang ilang mga celebrities ay tila nabigla rin sa sexy and rebellious image ngayon ng aktres.


Napakomento ng 'So Good' ang Dyosa na si Anne Curtis sa mga larawan na inilabas mula isang sikat na fashion magazine kung saan cover girl ang box office queen na si Kathryn Bernardo.


Nasundan naman ito ng video kung saan naka-highlight ang 20 years ng aktres sa industriya. Napahanga ngayon ni Kathryn Bernardo si Anne Curtis sa kanyang sexy image.


Nagbigay na rin ng reaction ang boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla sa panibagong image ng aktres. Kamakailan lamang, ibinahagi ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram account ang video ni Kathryn Bernardo habang naghahanda ito sa isa picturial.


Bukod pa rito, sinagot rin ni DJ ang komento ng isang fan na nagsasabing maganda ang kanyang girlfriend.


"Ganda ng Girlfriend mo," pahayag ng isang netizen.


Sagot naman ni Daniel Padilla, "I know."


Tinawanan lang din ni DJ ang komento ng netizen kung saan sinabing nasupalpal ang mga fake news peddlers na nagpapakalat na hiwalay na ang dalawa.


Dahil dito, tila naging malinaw na sa lahat na hindi totoong naghiwalay na ang longtime celebrity couple.


Agad din umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni DJ kung saan tila ipinakita na rin umano ng aktor ang pagsuporta sa panibagong image ng kanyang girlfriend.


'Love' with a heart imoji naman ang naging reaksyon ni Sarah Lahbati sa  latest photoshoot video ni Kathryn Bernardo. All out rin ngayon ang pagsuporta ni Sarah Lahbati kay Kathryn Bernardo sa confidence nito sa pagbabahagi ng kanyang sexy image sa social media.


Pinusuan naman ng aktres na si Iza Calzado ang panibagong image ni Kathryn Bernardo. 


Umaapoy naman na emoji ang ginamit ng aktres na si Kakai Bautista sa kanyang paglalarawan ngayon sa kanyang kaibigan na si Kathryn Bernardo. Naging magkalapit sina Kakai Bautista at Kathryn Bernardo ng magkasama sila sa iisang pelikula na Hello, Love, Goodbye.


Bagama't ikinagulat ng actress-model na si Sofia Andres ang biglaang pagbabago ng image ng kanyang kaibigan, suportado naman niya ito ngayon at masaya siya sa confidence na ipinapakita nito ngayon matapos ang pelikulang A Very Good Girl.


Ikinagulat din ng Kabogera na si Maymay Entrata ang panibagong image ngayon ng itinuturi niya ate sa showbiz na si Kathryn Bernardo.


Tila speechless naman ang aktres na si Loisa Andalio sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo kaya naman tanging emojis na lamang ang kanyang ginamit sa pagkomento sa mga panibagong larawan ng aktres.


Nagulat din ang aktres na si Chie Felomino sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo na malayo sa dating good girl image nito noon.


Maging ang sexy actress na si Ivana Alawi ay napakomento rin sa mga larawan ng aktres.


All out naman ang pagsuporta ni Ria Atayde sa kanyang malapit na kaibigan. Ibinahagi pa ng actress ang nasabing photoshoot ni Kathryn sa kanyang Instagram stories pahiwatig na very proud siya rito.






Exclusive! Kathryn Bernardo Nagsalita Na Hiwalayan Nila ni Daniel Padilla

Walang komento


 Hanggang ngayon ay laman pa rin sa mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang matagal nang naghiwalay ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Samantala, usap-usapan ngayon pagdedetalye ni Kathryn Bernardo sa kanyang pahayag sa isang panayam sa media conference noon ng kanyang pinagbibidahan pelikula na A Very Good Girl.


Pahayag noon ni Kathryn Bernardo, "Noong tumanda ako, I no longer think of the pressure of being a good girl because I don't want to be good just because I have to be good. I don't want to lose myself."


Sa kamakailang panayam sa aktres naging mas detalyado ang kanyang pagbabahagi patungkol sa kanyang pagiging good girl ngayon.


"I don't want to be good just because I have to be good. Basta wala akong masasaktan na ibang tao, then I'm okay. Especially now, I feel like mas kilala ko na ang sarili ko so I don't have to please anybody. I just do things that makes me happy."


Samantala, marami ang nakapansin na tila nagbago na ngayon ng image si Kathryn Bernardo, mula nang bumida siya sa pelikulang A Very Good Girl.


Nagsimula nang magsuot ang aktres ng mga daring outfits na nagpapakita ng ilang bahagi ng kanyang katawan. Nagbabahagi na rin ito ng ilang mga larawan sa kanyang social media accounts habang nakasuot ng isang skimpy swimwear.


Marami naman ang nagulat sa pagbabagong ito sa actress dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na napaka-conservative ng boyfriend nito na si Daniel Padilla.


Dahil dito, mas lumakas ang hinala ng ilang mga netizens na may nangyayaring hindi maganda sa relasyon ng dalawa. Bukod pa rito, pilit ding iniuugnay ng ilang mga netizens ang isyu ng third party dahil palihim umanong nagkikita sina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Sa kabilang banda, nilinaw naman ni Kathryn Bernardo na wala siyang regrets sa mga ginawa niyang mga pelikula noon at sa uri ng kanyang outfits.


"I wouldn't say na ang iba kung ginawa before was experimental because Hello, Love, Goodbye and The How's of Us, they we're different experiences too. And wala akong regrets na ginawa ko 'yun kasi ang dami ko talagang natutunan."


Nabanggit naman ni Kathryn Bernardo na wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari at kanyang mga gagawin sa susunod na taon.


"I don't know, I don't know talaga I just take it day by day. I don't want to overthink, I don't want to put to much pressure to myself. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin for 2024. But, yung uncertainty yun yung exciting di ba."


Open rin umano si Kathryn Bernardo sa mga new opportunities abroad kung sakaling may darating man na mga partnership.


"I'm open for opportunities kung mayroong partnership but then, I would like to stay here kasi alam mo iba kapag dito sa Philippines."


Kaagad namang napansin ng mga netizens na hindi kailanman nabanggit ni Kathryn Padilla ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla sa kanyang plano sa susunod na taon.


May kumakalat pang isyu na umano'y wala na sa Star Magic si Kathryn Bernardo at ganun din si Daniel Padilla.


May mga haka-haka rin na mayroong gagawing pelikula si Daniel Padilla kung saan hindi rin umano niya makakasama si Kathryn Bernardo.


Lalo namang nabahala ang ilang mga fans ng KathNiel dahil sa takot na baka tuluyan nang nabuwag ang pinakamatagal na off and on screen partners sa telebisyon.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng official statements sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa isyu ng kanilang hiwalayan.




Vice Ganda May Inamin Sa Nangyare Kay Ion Perez

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 10, 2023


 Tungkol sa responsableng paggamit ng cellphone ang tema ng Magpasikat 2023 production number ng grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong araw ng byernes November 10, 2023.


Ginampanan ni Ion Perez ang karakter ng isang waiter na nagkaroon ng viral video at binatikos ng publiko kahit hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan at totoong nangyari sa kwento.


Naging madamdamin ang performance ng team nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez dahil sa totoong pag-iyak ni Ion Perez sa pakikipag-usap sa kanyang namayapang kapatid sa cellphone.


Naantig naman ang damdamin ng mga madlang pipol at marami ang naiyak habang humihingi si Ion ng tawad sa nanay niya na nasa It's Showtime habang hawak ang larawan ng kanyang kapatid.


Patuloy pa rin ang pagluha ni Ion Perez habang pinapasalamatan niya ang kanyang nanay at mga kapatid na personal na pumunta sa It's Showtime upang personal na mapanood ang kanyang pagtatanghal kasama sina Kim Chiu at Jhong Hilario.


Hindi na natapos ni Ion Perez ang kanyang pagsasalita dahil humagulhol na ito sa pag-iyak. Kaagad naman itong dinaluhan ni Vice Ganda na naging emosyunal na rin sa nangyari.


Muling ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Ion Perez nang maglabas siya ng pahayag patungkol sa online bullying na araw-araw nilang natatanggap.


Nagsimulang makatanggap ng pambabatikos sa social media si Ion Perez nang aminin nila ni Vice Ganda ang kanilang relasyon noong 2018.


Isa sa pinakamalaking pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ay noong nasuspinde ang It's Showtime sa loob ng 12 airing days dahil sa pagkain nila ng cake icing.


Labis na nakatanggap ng pambabatikos ang dalawa kung saan tinatawag silang mga immoral.


"Araw-araw kasama ko yan, alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Ang alam niyo lang ay yung alam ninyo. Ang nakikita niyo lang ay yung nakikita ninyo. Pero hindi niyo talaga alam," pahayag ni Vice Ganda.


Mensahe pa ni Vice Ganda kay Ion Perez, “Araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw. Ipagdadasal kita araw-araw. Yayakapin kita araw-araw. Dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko yan.”


Unang nagkakilala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang male pageant contestant noon na si Ion Perez sa isang programa sa ABS-CBN hanggang sa ma-develop ang kanilang relasyon sa noontime show na It's Showtime.


Saksi sa kanilang not so ordinary but sweet love story ang kanilang mga It's Showtime Family, at kaibigan at maging ang mga Madlang Pipol.


Bagamat may ilan pa ring nakataas ang kilay sa klase ng relasyon na mayroon sila, very proud pa rin na ipinapakita nina Vice at Ion ang kanilang unconditional love sa isa't isa.


Noong 2018, napansin ng mga madlang pipol ang kasweetan nina Vice Ganda at Ion Perez, March 2019 naman nang aminin ni Ion Perez na special ang namamagitan sa kanila ni Vice Ganda.


Taong 2022, inamin nina Vice Ganda at Ion Perez na nagpakasal na sila sa Las Vegas noong October 19, 2021.




Andrea Pumalag Sa Kabit Issue Kay Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nakarating na kay Andrea Brillantes ang isyu kung saan siya ang itinuturong dahilan ng pagkakalabuan ng longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Pinalagan na ng actress, model at CEO na si Andrea Brillantes ang isyung palihim umano siyang nakikipagkita kay Daniel Padilla na naging dahilan upang mabuwag ang reel at real life couple na KathNiel.


Nagbigay na ng pahayag ang manager ni Andrea Brillantes kung saan ipinagdidiinan nito na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu.


Gawa-gawa lamang umano ang mga haka-hakang ito ng mga ito. Isa sa mga nakikitang dahilan ni Andrea Brillantes kung bakit marami ginagawan siya ngayon ng isyu ang kanyang pagiging single at ang naging pag-amin niya noon patungkol sa pagkakaroon ng crush kay Daniel Padilla.


Hindi naman umano alam ng kampo ni Andrea Brillantes kung saan nanggaling ang mga balitang ito. Subalit hinala nila na nagmula ito sa mga taong galit sa aktres.


Samantala, naghinala naman ang ilang mga KathNiel fans na ang pinag-ugatan ng isyung on the rocks ang relasyon ng dalawa ay ang hindi pagpunta ni Daniel sa mga nakaraang movie launching ni Kathryn sa mga sinehan.


May mga nagsasabi na ginawa lamang umano ito ng aktor upang ibigay ang buong spotlight kay Kathryn Bernardo na siyang bida sa kwento.


Samantala, nagbahagi naman ng isang cryptic post sa kanyang social media si  Daniel Padilla kung saan ipinahiwatig niyang hindi niya kailangang magbigay ng pahayag sa isyung ibinabato sa kanila ngayon ng kanyang nobya.


Sa kabilang banda, nauna namang ipinahayag ni Ogie Diaz sa kanyang naging pagsisiwalat na hindi pa kompirmado ang nasagap niyang tsismis patungkol sa totoong estado ng pagmamahalan ng KathNiel.




Ogie Diaz Palaban Na Sinagot Ang Pambabatikos Sa Issue Na Inilabas Kay Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Walang komento


 Matapang na sinagot ni Ogie Diaz ang mga bumabatikos sa kanya na mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa isiniwalat niyang tsika patungkol naman kina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Agad na nagtrending sa buong Pilipinas si Ogie Diaz kalakip ang hashtag na Ogie Diaz Fake news peddler, matapos ang pagsisiwalat niya sa tsika mula sa kanyang source na umano'y naghiwalay na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil sa palihim na pagkikita nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes.


Sa kabila nito, naninindigan si Ogie Diaz na wala siyang ginawang mali dahil nilinaw naman umano niya sa kanyang vlog na hindi pa kumpirmado ang isiniwalat niyang impormasyon patungkol sa KathNiel.


Narito ang ilang mga tweets ni Ogie Diaz kasunod ng mga natatanggap niyang pambabatikos.


“May naibalita lang kami na sinabi naman namin na di pa confimed at sana di totoo, fake news peddler na raw kami. So pagtama ba kami, sasabitan niyo kami ng medalya?”


"Salamat sa mga nagpapa-trending. Ang importante, napasaya ko kayo. 😂"


"Naaaliw na lang ako sa inyo, hehehe. Sana, masarap ulam nyo choday!😍😍😍"


Sa kabila nito hindihumupa ang galit ng mga fans ng KathNiel kay Ogie Diaz at tila lalong dumami pa ang mga nambabatikos sa talent manager.


Maging ang mga fans ni Andrea Brillantes ay nakisali na rin sa pangunguyog kay Ogie Diaz.


May mga nagsasabi pa na dapat na umanong sampahan ng kaso si Ogie Diaz upang hindi na umano ito makapagkalat ng isyu na makakasira sa kanilang mga iniidolong artista.


“Hindi naman pala confirmed so bakit pina-published at pinag-uusapan niyo? Nagmumukhang cheap ang entertainment news industry dahil sa mga paganyan ganyan niyo na wala namang enough proff at hindi confirmed. Lahat nalang just to switch the narrative about Andrea at nasali pa ang Kathniel.


“Ogie ganyan na ganyan ang ugali ng mga chismosa sa kanto.”


"nananakot na totoo? as if this is the first time that you spoke about something unconfirmed and di naman talaga totoo. the point here is ang kapal ng mukha niyong magsalita ng ganyan against kathniel pero pag kaharap akala mo kung sinong maayos ang trato sa kanila."


"Dapat dito aksyunan na @ABSCBN dahil grabii na ang sinasabi niya sa mga artista, kawawa yung may mental health na hinaharap especially kay blythe na bugbog na sa bash..karmahin ka sana ogie"


Sa kabilang banda, patuloy pa rin ang pananahimik ni Kathryn Bernardo sa gitna ng isyung hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Maging si Daniel Padilla ay tikom din ang bibig pagdating sa isyu.


Sa ngayon, buo pa rin ang paniniwala ng mga KathNiel fans na maayos pa rin ang relasyon ng dalawa at ang hiwalayan isyu na kumakalat ngayon ay gawa-gawa lamang umano ng mga taong nais silang pabagsakin.


Sa kabilang banda, kumakalat rin ngayon ang ilang mga screenshot kung saan makikitang naka-follow pa si Kathryn Bernardo sa mga Instagram accounts nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes na nagpapatunay lamang umano na walang isyu sa pagitan nila.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pag-unfollow ng mga celebrities sa kapwa nila celebrities ay isang pahiwatig na mayroon na silang hindi pagkakaunawaan.




Valerie Concepcion Binatikos Dahil Kanyang Ginawa Sa Newborn Baby

Walang komento


 Marami ang naalarma at nagpakita ng concern nang makita ang ginawa ni Valerie Concepcion sa kanyang newborn baby sa loob ng sasakyan.


Ikinabahala ng mga netizens ang posisyon na anak ni Valerie Concepcion sa loob ng kanyang sasakyan.


Makikita sa larawang ibinahagi ni Valerie Concepcion sa social media na pinaupo niya sa carseat ang kanyang newly born babay pa lamang.


Napansin rin ng mga netizens na hindi angkop sa edad ng bata ang ginamit na car seat ni Valerie.


Maging ang isang kilalang pediatrician na si Dr. Richard Mata na may maraming followers sa kanyang social media account ay nag-orffer din ng kanyang expert advice.


Ayon  kay Dr. Richard Mata, dapat na nakahiga sa car seat ang mga infants para masuportahan ng maayos ang leeg at likod ng mga ito.


Ipinahayag din nito na bawal paupuin ang mga sanggol nang walang nakaalalay sa ulo at leeg nito.


“Dapat nakahiga ang baby sa car seat (for infants) kasi wala pang neck support ang baby. Bawal pa syang nakaupo without holding the neck and head.”


Ibinahagi din mismo ng doctor ang screenshot ng kanyang komento sa post ni Valerie kalakip ang caption na, 'friendly reminder'.


Sumang-ayon naman sa naging komento ni Dr. Richard Mata ang Chico Philippines.


"We 100% agree with Dr. Richard and Erika Mata for newborns to be in a lie-flat position when traveling with a child restraint, we also want to assure all Parents that Chicco Unico car seat is tested and certified by the Chicco Research Center in Italy, to be suitable for newborn babies up to 12 years old.


"Chicco's center in Italy has led to the development of a secure 5-point harness system. This harness keeps your newborn safely strapped in, reducing the risk of injury in case of sudden stops or collisions."


Gayunpaman, ipinahayag nila na nakausap na sila si Valerie hinggil sa isyu. Ipinaliwanag naman umano sa kanila ng aktres na nakunan lamang ang larawan mula sa ibang anggulo.


"P.S We had previously discussed this matter with Ms. Valerie Concepcion, and it appears that the photo may simply be taken from an unfavorable angle, giving the impression that the baby is in a sitting position."


Samantala sa social media account ni Valerie, ibinahagi niya ang isang video upang maging malinaw na ang isyu.


Sa ibinahagi niyang video, makikitang nakahiga naman pala talaga ang bata.


"See how it looks totally different in a different angle. In Murica they inspect your car seat down to how its buckled and secured before they discharge mommy and baby. Salamat po sa mga concerns nyo"


Hindi naman napigilan ni Valerie Concepcion na ilabas ang kanyang hinaing sa mga nag-parent shaming sa kanya dahil sa naunang larawan.


Ipinagdidiinan din ni Valerie Concepcion na ang car seat na ginamit nila sa kanyang anak ay angkop sa edad ng kanilang sanggol.


“This is the last comment I’ll leave here on this post. PLEASE google our car seat-- Chicco Unico Plus. It is suitable for little ones from birth to 12 years of age or 0-36 kgs.”


“It’s so heartbreaking that some people would resort to parent shaming just because they think they’re right.”


Hiling naman ni Valerie  na marealize ng mga taong nambabatikos sa kanya dahil sa paggamit niya ng panibagong carseat.


Ipinunto pa ni Valerie na hindi naman umano i-aapprove ng gma professionals kung hindi ito nararapat na gamitin ng mga infants.



“I hope and pray that they’ll realize I’m not the only one who uses this kind of carseat for infants, 2023 na po, not everyone usues the traditional ones anymore. I won’t be approve by proffesionals naman if its not safe.”


Bagama’t alam umano niya na concerned lamang ang ilang mga netizens sa kalagayan ng kanilang anak, ipinunto naman ni Valerie na sila bilang mga magulang nito ang pinaka-concern sa well being at safety ng bata.


Maging ang Chicco Philippines ay nananawagan rin sa iba pang mga magulang na itigil ang pambabatikos kay Valerie Concepcion at sa iba pang mga magulang.



Xian Lim, Hindi Nakapagtiis Nagvideocall Kay Kim Chiu

Walang komento

 

Sa gitna ng mga usapin patungkol sa hiwalayan ng celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim may mga netizens na nagbibigay ng resibo na walang katotohanan ang isyu.


Nitong mga nakalipas na linggo marami sa mga KimXi fans ang nababahala sa iniisyung naghiwalay na umano ang dalawa.


Isa sa mga pinga-ugatan ng isyu ay ang malimit na pagkikita ng dalawa at pagiging tutok nila sa kani-kanilang mga trabaho.


    Gayuunpaman, may mga nagsasabi na hindi naman naghiwalay ang dalawa bagkos ay nag-lie low muna sila sa kanilang pagiging sweet in public dahil may kanya-kanya silang mga showbiz projects na maaring maapektuhan.


Ayon sa isang source na malapit sa magkasintahan, nag-uusap naman umano sina Xian Lim at Kim Chiu ngayon sa pamamagitan ng video call.


Kamakailan lamang umano ay tinawagan pa ni Xian Lim si Kim Chiu dahil sobra na niya itong nami-miss.


Iginiit din ng source na masaya ang magkasintahan at walang problema sa kanilang relasyon. Sa katunayan, pinaplano na umano ngayon ng dalawa ang kanilang next vacation.


Sa ngayon ay nililimitahan na muna umano ng dalawa ang pagbabahagi ng mga moments nila sa social media dahil may kani-kanila silang proyekto na dapat pagtuunan ng pansin.


Sina Kim Chiu at Xian Lim ay may relasyon na mula noong 2012, bagama't kinumpirma nila ang kanilang pag-iibigan noong 2018 lamang. 


Bago ang kanilang kumpirmasyon, sila ay nasa isang love team na tinatawag na "KimXi" kung saan sila ay nagtrabaho nang magkasama sa maraming mga proyekto kabilang ang "My Binondo Girl," " Bride for Rent," at "The Story of Us," at marami pang iba.




Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Totoong Hiwalay Na?

Walang komento


 Tila hindi na maitatago at palakas na palakas pa ang mga ugong ng balitang naghiwalay na ang longtime celebrity couple at maituturi ring Box office King at Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mas nakakagulat pa rito ay ang pagkakasangkot ng young actress, model na si Andrea Brillantes.


Hindi na napigilan ng management ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at pagkalat ng balitang tuluyan nang gumuho ang 11 years na relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Itinuturo namang dahilan ng kanilang pagkakalabuan ang actress, model at CEO na si Andrea Brillantes.


Kumakalat ang isyu na umano ay palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Samantala, kapansin-pansin umano ang tila pagrerebelde ni Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng kanyang mga kasuotan.


Napansin kasi ng mga netizens na tila nag-iba ang istilo ng pananamit ni Kathryn at nagsimula na siyang magbahagi ng mga daring na larawan na dati naman ay hindi niya ginagawa.


Nagsusuot na ngayon ang aktres ng skimpy two piece swimsuit na alam nang lahat na aayawan ng very cosevative na si Daniel Padilla.


Naging usap-usapan din ang isinuot na gown ni Kathryn Bernardo sa nagdaang ABS-CBN's ball kung saan ipinapakita ng aktres ang kanyang katawan.


Nauna na ring kumalat ang mga larawan at video kung saan nagvi-vape si Kathryn Bernardo na tila ba ay nagpapakita umano ng rebellion.


Ibinabahagi na rin ng aktres ang kanyang mga sexy photos sa social media habang nakasuot ng skimpy swimsuit na alam naman nang lahat na inaayawan ni Daniel Padilla.


Hindi na rin nakikitang magkasama ang dalawa at tanging mga kaibigan na lamang ng dalaga ang kanyang kasama sa pagbabakasyon.


Muli ring naungkat ang tampuhan ng KathNiel noong 2022 kung saan si Andrea Brillantes ang pinag-ugatan nito. Palihim umanong nagkikita ang dalawa at hindi lamang umano ito iisang beses nangyari.


Matatandaan na inamin noon ni Andrea Brillantes na super crush niya si Daniel Padilla sa kabila ng pagkakaroon nito ng girlfriend sa katauhan ni Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay naisiwalat din ni Ogie Diaz na may isang source na nagsabi sa kanya na umano ay allergic si     Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes.


Nakipagpustahan pa umano ito ky Ogie Diaz na hindi umano papayag si Kathryn na makasama si Andrea Brillantes sa iisang pelikula dahil sa naunang mga isyu noon.


Kapansin-pansin din na hindi na nagbibigay ng pahayag ang dating mga tagapagtanggol ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padila na mismong mga magulang ng dalawa na sina Mommy Min at Karla Estrada.


Samantala, hindi naman naniniwala ang mga KathNiel fans sa mga balitang ito at sinasabing fake news lamang ang lahat ng mga taong nagnanais na mapabagsak ang tambalan nila.


Gayunpaman, may mga sumubok sa mga fans ng Kathniel kung saan ipinahayag niyang kung makikitang magkasamang muli ang dalawa sa kahit na anong pagkakataon ay maniniwala siyang hindi totoo ang isyu.


Sa kabilang banda, nagtrending sa Twitter si Ogie Diaz bilang isang fake news peddler na pinasimuno ng mga KathNiel fans. Ito'y sa kabila ng pagpapahayag ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang isiniwalat niyang impormasyon.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa mga iniisyu sa kanilang dalawa.




Angelica Panganiban, May Isiniwalat Tungkol Sa Hiwalayang Kim Chiu, Xian Lim

Walang komento


 Bilang isa sa mga maituturing na malapit na kaibigan ng aktres na si Kim Chiu, hindi umano matatanggap ng aktres na si Angelica Panganiban ang masakit na pinagdadaanan ngayon ng kanyang kaibigan.


Marami ang naghinala na isa si Angelica Panganiban sa mga taong may alam sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Kaya naman labis umano ang pag-aalala ngayon ni Angelica Panganiban kay Kim Chiu.


Hindi na umano kayang tiisin ni Angelica Panganiban ang mga isyung kumakalat ngayon sa social media patungkol sa kanyang kaibigan na si Kim Chiu at nobyo nitong si Xian Lim kaya naman minarapat na niyang magsalita.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tila kinumpirma umano ni Angelica Panganiban na may hindi pagkakaunawaan sina Xian Lim at Kim Chiu sa ngayon kaya naman hindi na sila nakikitang magkasama.


Ayon sa mga kumakalat na balita, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakalabuan na ngayon ang longtime celebrity couple ay ang usapin, patungkol sa pagpapakasal at sa pagbuo ng sariling pamilya.


Tila hindi pa umano handa ang isa sa kina Kim Chiu at Xian Lim sa paglagay sa tahimik na naging dahilan ng kanilang tampuhan.


Kung pagbabasehan naman ang tagal ng relasyon, masasabing dapat na ngang magsettle down ang mga ito.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nag magkarelasyon ang dalawa.




A2Z Nagsisi Na Binitiwan Ang ABS-CBN Primetime

Walang komento


 Napansin ng dating Sports Commissioner na si Noli Eala, na tila hindi na umano patok sa mga Pinoy ang panonood ng PBA.


Napansin ni Noli Eala na kakaunti na lamang ang nanonood ng PBA mapalive man o sa telebisyon.


"I turn on the TV and I see how so few are watching the PBA in the venue on only its second playing day. About 7 months w/o PBA games and you’d think fans would miss their teams. The league really has to do something about this. Remember it’s only as strong as its weakest teams."


Naniniwala si Noli Eala na dapat nang gumawa ng aksyon ang league sa mga ganitong pangyayari.


Samantala, sinagot naman ng isang netizen ang post ni Noli Eala kung saan sinabi niyang dapat ay ipalabas na lamang sa YouTube ang mga laro ng PBA para mapanood ng libre.


"I thought the PBA had improved its viewership and interest when the Bay Area Dragons played. Liberalize the league: enhance the access of the games for the fans (youtube/FB free games at the venue);allow foreign players/teams; adopt fiba rules;and foster league parity."


Matatandaan na nitong nakaraang buwan ay inanunsyo ng TV5 CEO Guido R. Zaballero na ang A2Z na ang magiging panibagong tahanan ng PBA.


Inanunsyo rin ni Guido Zaballero na mapapanood na ang mga laro ng unang Pay for Play League sa Asia sa A2Z dulot ng kasunduan ng kampo ng Kapatid network, Cignal, ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network.


Ayon pa kay Guido Zaballero, nangangailangan talaga ang PBA ng isang dedicated home kung saan hindi mako-compromise ang pag-ere ng ibang mga liga na hawak rin ng CIGNAL TV.


Nilinaw pa nito na ang TV5 at ang CIGNAL pa rin ang in-charge ng pagproduce ng liga kung saan nagsisimula ang 48th season ng PBA nitong November 5.


Samantala, naglabas naman noon ng opisyal na pahayag ang ABS-CBN sa paglabas ng PBA Game sa A2Z, ipinahayag nila na hindi na muna ipapalabas sa A2Z ang primetime bida programs at iba pang Kapamilya programs tueing myerkules, byernes at linggo upang mabigyan ng daan ang pag ere ng PBA League.


Pareho namang pumayag ang A2Z at ABS-CBN sa mga pagbabagong ito, lalong-lalo na sa p[agbabago ng oras ng kanilang mga programa.


Nagpasalamat naman ang Kapamilya network sa lahat ng mga Kapamilya, Kapatid, at ka-A2Z sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga programa.


Samantala, ang mga palabas naman ng ABS-CBN na ipinapalabas sa primetime block ng A2Z ay pansamantala lamang na ititigil habang on going pa ang PBA.


Sa kabilang banda, tila nagsisisi naman umano ang A2Z sa desisyong piliin na ipalabas ang PBA dahil bumaba ang kanilang viewer's rating.



Interview ng Pag-amin Ni Andrea Brillantes Na Crush Niya Si Daniel Padilla Muling Kumalat

Walang komento


 Muling kumalat sa social media ang naging panayam noon ni Andrea Brillantes kasabay ng pag-amin na crush niya si Daniel Padilla.


Noong 2013, sa isang panayam ng PEP, hayagang inamin ni Andrea Brillantes na attracted siya kay Daniel Padilla at crush niya ito.


“Si Daniel Padilla po kasi ang gwapo niya, e,” pag-amin ni Andrea Brillantes.


Gayunpaman nilinaw ng sampung taong si Andrea Brillantes sa mga panahong iyon na hindi naman kailangang mangamba ni Kathryn Bernardo dahil crush lang naman niya ang aktor.


“Hindi naman po, kasi mabait po si Ate Kathryn [Bernardo]. Kasi may isa pong sitwasyon na magpapa picture ako kay Kuya Daniel noong nakita ko siya, tinatawag ko si Kuya Daniel, pero hindi niya ako narinig. 


"That time po magka holding hands sila ni Ate Kathryn…kinalabit ko si Kuya Daniel at sinabi ko na ‘Kuya Daniel, pwede po bang mag pa picture.’ Hindi niya ako nadinig pero si Ate Kathryn narinig ako, sabi ni Ate Kathryn kay Kuya Daniel, ‘DJ, papa picture daw si Andrea sa ‘yo.’ Ayun po, nakapag pa picture ako kay Kuya Daniel dahil kay Ate Kathryn.”


Sa ibang panayam kay Andrea Brillantes ipinahayag pa niya noon na sana ay dumating rin ang 'Daniel Padilla' sa kanyang buhay.


Matapos ang mahigit sampung taon, muling naging laman sa social media ang panayam na ito noon ni Andrea Brillantes dahil sa kontrobersiya na umano'y palihim na nagkikita ang dalawa sa likod ng kani-kanilang karelasyon.


Ang isyung ito ay nakarating na din diumno kay Ogie Diaz, kung saan isa sa kanyang mga source ang nagli-link kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Marami naman sa mga fans ng KathNiel ang hindi makapaniwala sa isyung isiniwalat ni Ogie Diaz at binabatikos ngayon ang talent manager.


Tinatawag ng mga fans ng KathNiel si Ogie Diaz bilang fake news peddler.


Inalmahan naman ito ni Ogie Diaz at ipinagdidiinan na ipinahayag naman umano niya sa kanyang programa na hindi pa kumpirmado ang balita.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo