Angelica Panganiban, May Isiniwalat Tungkol Sa Hiwalayang Kim Chiu, Xian Lim

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Bilang isa sa mga maituturing na malapit na kaibigan ng aktres na si Kim Chiu, hindi umano matatanggap ng aktres na si Angelica Panganiban ang masakit na pinagdadaanan ngayon ng kanyang kaibigan.


Marami ang naghinala na isa si Angelica Panganiban sa mga taong may alam sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Kaya naman labis umano ang pag-aalala ngayon ni Angelica Panganiban kay Kim Chiu.


Hindi na umano kayang tiisin ni Angelica Panganiban ang mga isyung kumakalat ngayon sa social media patungkol sa kanyang kaibigan na si Kim Chiu at nobyo nitong si Xian Lim kaya naman minarapat na niyang magsalita.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, tila kinumpirma umano ni Angelica Panganiban na may hindi pagkakaunawaan sina Xian Lim at Kim Chiu sa ngayon kaya naman hindi na sila nakikitang magkasama.


Ayon sa mga kumakalat na balita, isa sa mga dahilan kung bakit nagkakalabuan na ngayon ang longtime celebrity couple ay ang usapin, patungkol sa pagpapakasal at sa pagbuo ng sariling pamilya.


Tila hindi pa umano handa ang isa sa kina Kim Chiu at Xian Lim sa paglagay sa tahimik na naging dahilan ng kanilang tampuhan.


Kung pagbabasehan naman ang tagal ng relasyon, masasabing dapat na ngang magsettle down ang mga ito.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na matagal nag magkarelasyon ang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo