Vice Ganda May Inamin Sa Nangyare Kay Ion Perez

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Tungkol sa responsableng paggamit ng cellphone ang tema ng Magpasikat 2023 production number ng grupo nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez sa kamakailang episode ng It's Showtime nitong araw ng byernes November 10, 2023.


Ginampanan ni Ion Perez ang karakter ng isang waiter na nagkaroon ng viral video at binatikos ng publiko kahit hindi naman malinaw kung ano ang pinagmulan at totoong nangyari sa kwento.


Naging madamdamin ang performance ng team nina Jhong Hilario, Kim Chiu at Ion Perez dahil sa totoong pag-iyak ni Ion Perez sa pakikipag-usap sa kanyang namayapang kapatid sa cellphone.


Naantig naman ang damdamin ng mga madlang pipol at marami ang naiyak habang humihingi si Ion ng tawad sa nanay niya na nasa It's Showtime habang hawak ang larawan ng kanyang kapatid.


Patuloy pa rin ang pagluha ni Ion Perez habang pinapasalamatan niya ang kanyang nanay at mga kapatid na personal na pumunta sa It's Showtime upang personal na mapanood ang kanyang pagtatanghal kasama sina Kim Chiu at Jhong Hilario.


Hindi na natapos ni Ion Perez ang kanyang pagsasalita dahil humagulhol na ito sa pag-iyak. Kaagad naman itong dinaluhan ni Vice Ganda na naging emosyunal na rin sa nangyari.


Muling ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang pagmamahal kay Ion Perez nang maglabas siya ng pahayag patungkol sa online bullying na araw-araw nilang natatanggap.


Nagsimulang makatanggap ng pambabatikos sa social media si Ion Perez nang aminin nila ni Vice Ganda ang kanilang relasyon noong 2018.


Isa sa pinakamalaking pagsubok na pinagdaanan ng dalawa ay noong nasuspinde ang It's Showtime sa loob ng 12 airing days dahil sa pagkain nila ng cake icing.


Labis na nakatanggap ng pambabatikos ang dalawa kung saan tinatawag silang mga immoral.


"Araw-araw kasama ko yan, alam ko kung gaano siya sinasaktan ng social media. Ang alam niyo lang ay yung alam ninyo. Ang nakikita niyo lang ay yung nakikita ninyo. Pero hindi niyo talaga alam," pahayag ni Vice Ganda.


Mensahe pa ni Vice Ganda kay Ion Perez, “Araw-araw mamahalin kita kasi kakampihan kita araw-araw. Ipagdadasal kita araw-araw. Yayakapin kita araw-araw. Dadamayan kita araw-araw. Araw-araw sasamahan kita. Mahal na mahal ko yan.”


Unang nagkakilala ang Unkabogable Star na si Vice Ganda at ang male pageant contestant noon na si Ion Perez sa isang programa sa ABS-CBN hanggang sa ma-develop ang kanilang relasyon sa noontime show na It's Showtime.


Saksi sa kanilang not so ordinary but sweet love story ang kanilang mga It's Showtime Family, at kaibigan at maging ang mga Madlang Pipol.


Bagamat may ilan pa ring nakataas ang kilay sa klase ng relasyon na mayroon sila, very proud pa rin na ipinapakita nina Vice at Ion ang kanilang unconditional love sa isa't isa.


Noong 2018, napansin ng mga madlang pipol ang kasweetan nina Vice Ganda at Ion Perez, March 2019 naman nang aminin ni Ion Perez na special ang namamagitan sa kanila ni Vice Ganda.


Taong 2022, inamin nina Vice Ganda at Ion Perez na nagpakasal na sila sa Las Vegas noong October 19, 2021.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo