Ang Katotohanan Ng Hiwalayan Nila Kim Chiu, Xian Lim/ Kim Chiu Kumanta Na

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Saglit na tinugon ng Chinita Princess na si Kim Chiu ang lumalalang isyu hinggil sa naging hiwalayan nila ng kanyang longtime celebrity boyfriend na si Xian Lim.


Kumakalat ngayon ang break up rumor ng dalawa nang mapansin ng maraming mga netizens na missing in action si Xian Lim sa mga latest ganap ni Kim Chiu.


Maging sa mga social media post ni Kim Chiu ay tila hindi na rin nagbibigay reaksyon at komento si Xian Lim.


Isa pa sa pinag-ugatan ng isyung ito ay ang solong pagrampa ni Xian Lim sa Preview Ball. Kasunod naman nito ay solo ring rumampa si Kim Chiu sa naganap na ABS-CBN's Ball.


Samantala, sa isang press conference, naitanong kay Kim Chiu kung ano ang totong estado ng relasyon nila ni Xian Lim. Naging magaan naman ang sagot ng aktres kung saan ipinahayag niyang maayos naman ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


"Baka nali-Linlang lang kayo," nakangiting pahayag ni Kim.


Paglilinaw pa niya sa kasalukuyang relasyon nila ni Xian Lim, "Okay naman kami ni Xi, mapanlinlang ang showbiz pero maayos naman kami masaya naman po."


Matatandaan na lumipat si Xian Lim sa GMA Network noong 2021. Mula noon ay ilang beses nang inintriga ang kanilang paghihiwalay.


Dating magkasama sa Kapamilya Network sina Xian Lim at Kim Chiu kung saan nabuo ang kanilang loveteam na tinatawag na KimXi doon na rin nabuo ang kanilang real life romance.


Sa kabila ng mga isyung hiwalayan ng dalawa palagi nilang  pinapatunayan ng dalawa na going strong pa rin sila sa kabila ng pagtatrabaho sa magkaibang networks.


Matatandaan na binati pa ni Kim Chiu ang kanyang nobyo noong karawan nito sa kanyang Instagram post kung saan ipinahayag niya sa caption ang kanyang sweet message para rito.


"Happy Birthday to the person who holds my heart. Thank you for being you and always putting a smile on my face. Cheers to many more laughs to share, places to explore, things to solve, and many more, most especially birthdays to celebrate. ☺️🎂 I am always here for you, supporting you in everything you do!😘 Happy Birthday @xianlim" 


Gayunpaman, naging isa ang nasabing post ni Kim Chiu sa mga huling update niya sa social media kasama ang kanyang boyfriend na ibinahagi pa ni Kim noong buwan ng Hulyo.


Samantala nitong November 2 episode ng It's Showtime naitanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung sino ang nagpapangiti sa kanya ngayon.


Agad naman itong sinagot ni Kim Chiu na ang kanyang pamilya, kamag-anak at mga kapatid ang siyang nagpapangiti sa kanya. Kapansin-pansin din na tila nilalayo ni Kim Chiu ang kanilang usapan patungkol sa kanya.


Subalit, hindi pa rin siya tinatanan ni Vice Ganda kung saan tinanong nito kung ano kulang sa kay Kim Chiu.


Sagot ni Kim Chiu, "Kulang ako kapag walang.... usap."


Nilinaw naman ni Kim Chiu na hindi nabubuo ang kanyang araw kung hindi siya nakikipag-usap.


"Because, in everything that we do, communication is the Key."


Dito na rin inamin ni Kim Chiu na hindi kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakakausap si Xian Lim bukod sa kanyang pamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo