Interview ng Pag-amin Ni Andrea Brillantes Na Crush Niya Si Daniel Padilla Muling Kumalat

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Muling kumalat sa social media ang naging panayam noon ni Andrea Brillantes kasabay ng pag-amin na crush niya si Daniel Padilla.


Noong 2013, sa isang panayam ng PEP, hayagang inamin ni Andrea Brillantes na attracted siya kay Daniel Padilla at crush niya ito.


“Si Daniel Padilla po kasi ang gwapo niya, e,” pag-amin ni Andrea Brillantes.


Gayunpaman nilinaw ng sampung taong si Andrea Brillantes sa mga panahong iyon na hindi naman kailangang mangamba ni Kathryn Bernardo dahil crush lang naman niya ang aktor.


“Hindi naman po, kasi mabait po si Ate Kathryn [Bernardo]. Kasi may isa pong sitwasyon na magpapa picture ako kay Kuya Daniel noong nakita ko siya, tinatawag ko si Kuya Daniel, pero hindi niya ako narinig. 


"That time po magka holding hands sila ni Ate Kathryn…kinalabit ko si Kuya Daniel at sinabi ko na ‘Kuya Daniel, pwede po bang mag pa picture.’ Hindi niya ako nadinig pero si Ate Kathryn narinig ako, sabi ni Ate Kathryn kay Kuya Daniel, ‘DJ, papa picture daw si Andrea sa ‘yo.’ Ayun po, nakapag pa picture ako kay Kuya Daniel dahil kay Ate Kathryn.”


Sa ibang panayam kay Andrea Brillantes ipinahayag pa niya noon na sana ay dumating rin ang 'Daniel Padilla' sa kanyang buhay.


Matapos ang mahigit sampung taon, muling naging laman sa social media ang panayam na ito noon ni Andrea Brillantes dahil sa kontrobersiya na umano'y palihim na nagkikita ang dalawa sa likod ng kani-kanilang karelasyon.


Ang isyung ito ay nakarating na din diumno kay Ogie Diaz, kung saan isa sa kanyang mga source ang nagli-link kina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Marami naman sa mga fans ng KathNiel ang hindi makapaniwala sa isyung isiniwalat ni Ogie Diaz at binabatikos ngayon ang talent manager.


Tinatawag ng mga fans ng KathNiel si Ogie Diaz bilang fake news peddler.


Inalmahan naman ito ni Ogie Diaz at ipinagdidiinan na ipinahayag naman umano niya sa kanyang programa na hindi pa kumpirmado ang balita.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo