Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Totoong Hiwalay Na?

Biyernes, Nobyembre 10, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na maitatago at palakas na palakas pa ang mga ugong ng balitang naghiwalay na ang longtime celebrity couple at maituturi ring Box office King at Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang mas nakakagulat pa rito ay ang pagkakasangkot ng young actress, model na si Andrea Brillantes.


Hindi na napigilan ng management ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at pagkalat ng balitang tuluyan nang gumuho ang 11 years na relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Itinuturo namang dahilan ng kanilang pagkakalabuan ang actress, model at CEO na si Andrea Brillantes.


Kumakalat ang isyu na umano ay palihim na nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


Samantala, kapansin-pansin umano ang tila pagrerebelde ni Kathryn Bernardo sa pamamagitan ng kanyang mga kasuotan.


Napansin kasi ng mga netizens na tila nag-iba ang istilo ng pananamit ni Kathryn at nagsimula na siyang magbahagi ng mga daring na larawan na dati naman ay hindi niya ginagawa.


Nagsusuot na ngayon ang aktres ng skimpy two piece swimsuit na alam nang lahat na aayawan ng very cosevative na si Daniel Padilla.


Naging usap-usapan din ang isinuot na gown ni Kathryn Bernardo sa nagdaang ABS-CBN's ball kung saan ipinapakita ng aktres ang kanyang katawan.


Nauna na ring kumalat ang mga larawan at video kung saan nagvi-vape si Kathryn Bernardo na tila ba ay nagpapakita umano ng rebellion.


Ibinabahagi na rin ng aktres ang kanyang mga sexy photos sa social media habang nakasuot ng skimpy swimsuit na alam naman nang lahat na inaayawan ni Daniel Padilla.


Hindi na rin nakikitang magkasama ang dalawa at tanging mga kaibigan na lamang ng dalaga ang kanyang kasama sa pagbabakasyon.


Muli ring naungkat ang tampuhan ng KathNiel noong 2022 kung saan si Andrea Brillantes ang pinag-ugatan nito. Palihim umanong nagkikita ang dalawa at hindi lamang umano ito iisang beses nangyari.


Matatandaan na inamin noon ni Andrea Brillantes na super crush niya si Daniel Padilla sa kabila ng pagkakaroon nito ng girlfriend sa katauhan ni Kathryn Bernardo.


Kamakailan lamang ay naisiwalat din ni Ogie Diaz na may isang source na nagsabi sa kanya na umano ay allergic si     Kathryn Bernardo kay Andrea Brillantes.


Nakipagpustahan pa umano ito ky Ogie Diaz na hindi umano papayag si Kathryn na makasama si Andrea Brillantes sa iisang pelikula dahil sa naunang mga isyu noon.


Kapansin-pansin din na hindi na nagbibigay ng pahayag ang dating mga tagapagtanggol ng relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padila na mismong mga magulang ng dalawa na sina Mommy Min at Karla Estrada.


Samantala, hindi naman naniniwala ang mga KathNiel fans sa mga balitang ito at sinasabing fake news lamang ang lahat ng mga taong nagnanais na mapabagsak ang tambalan nila.


Gayunpaman, may mga sumubok sa mga fans ng Kathniel kung saan ipinahayag niyang kung makikitang magkasamang muli ang dalawa sa kahit na anong pagkakataon ay maniniwala siyang hindi totoo ang isyu.


Sa kabilang banda, nagtrending sa Twitter si Ogie Diaz bilang isang fake news peddler na pinasimuno ng mga KathNiel fans. Ito'y sa kabila ng pagpapahayag ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang isiniwalat niyang impormasyon.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananahimik sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa mga iniisyu sa kanilang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo