Reaksyon Sa Image Ngayon Ni Kathryn Bernardo Sa Mundo Ng Showbiz

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Hindi lamang ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ang nagulat sa kanyang panibagong image sa showbiz industry maging ang ilang mga celebrities ay tila nabigla rin sa sexy and rebellious image ngayon ng aktres.


Napakomento ng 'So Good' ang Dyosa na si Anne Curtis sa mga larawan na inilabas mula isang sikat na fashion magazine kung saan cover girl ang box office queen na si Kathryn Bernardo.


Nasundan naman ito ng video kung saan naka-highlight ang 20 years ng aktres sa industriya. Napahanga ngayon ni Kathryn Bernardo si Anne Curtis sa kanyang sexy image.


Nagbigay na rin ng reaction ang boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla sa panibagong image ng aktres. Kamakailan lamang, ibinahagi ni Daniel Padilla sa kanyang Instagram account ang video ni Kathryn Bernardo habang naghahanda ito sa isa picturial.


Bukod pa rito, sinagot rin ni DJ ang komento ng isang fan na nagsasabing maganda ang kanyang girlfriend.


"Ganda ng Girlfriend mo," pahayag ng isang netizen.


Sagot naman ni Daniel Padilla, "I know."


Tinawanan lang din ni DJ ang komento ng netizen kung saan sinabing nasupalpal ang mga fake news peddlers na nagpapakalat na hiwalay na ang dalawa.


Dahil dito, tila naging malinaw na sa lahat na hindi totoong naghiwalay na ang longtime celebrity couple.


Agad din umani ng samu't saring komento mula sa mga netizens ang nasabing post ni DJ kung saan tila ipinakita na rin umano ng aktor ang pagsuporta sa panibagong image ng kanyang girlfriend.


'Love' with a heart imoji naman ang naging reaksyon ni Sarah Lahbati sa  latest photoshoot video ni Kathryn Bernardo. All out rin ngayon ang pagsuporta ni Sarah Lahbati kay Kathryn Bernardo sa confidence nito sa pagbabahagi ng kanyang sexy image sa social media.


Pinusuan naman ng aktres na si Iza Calzado ang panibagong image ni Kathryn Bernardo. 


Umaapoy naman na emoji ang ginamit ng aktres na si Kakai Bautista sa kanyang paglalarawan ngayon sa kanyang kaibigan na si Kathryn Bernardo. Naging magkalapit sina Kakai Bautista at Kathryn Bernardo ng magkasama sila sa iisang pelikula na Hello, Love, Goodbye.


Bagama't ikinagulat ng actress-model na si Sofia Andres ang biglaang pagbabago ng image ng kanyang kaibigan, suportado naman niya ito ngayon at masaya siya sa confidence na ipinapakita nito ngayon matapos ang pelikulang A Very Good Girl.


Ikinagulat din ng Kabogera na si Maymay Entrata ang panibagong image ngayon ng itinuturi niya ate sa showbiz na si Kathryn Bernardo.


Tila speechless naman ang aktres na si Loisa Andalio sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo kaya naman tanging emojis na lamang ang kanyang ginamit sa pagkomento sa mga panibagong larawan ng aktres.


Nagulat din ang aktres na si Chie Felomino sa panibagong image ngayon ni Kathryn Bernardo na malayo sa dating good girl image nito noon.


Maging ang sexy actress na si Ivana Alawi ay napakomento rin sa mga larawan ng aktres.


All out naman ang pagsuporta ni Ria Atayde sa kanyang malapit na kaibigan. Ibinahagi pa ng actress ang nasabing photoshoot ni Kathryn sa kanyang Instagram stories pahiwatig na very proud siya rito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo