Alex Gonzaga Nasipa Sa Kanyang Pakiki-Fiesta

Walang komento

Linggo, Hunyo 11, 2023


 Ibinahagi ng vlogger, actress-host na si Alex Gonzaga sa kanyang mga fans ang kanyang pakikisaya sa fiesta ng Tondo kasama ang kanyang Uncle Jojo at asawang si Mikee Morada.


Matapos ang kainan ay nagpalaro din sila at namigay ng papremyo na tig-iisang libo sa mga nanalo sa mga laro. Hindi naman umatras ang mga residente na nakipagkulitan at sumayaw kasama sina Alex. 


Makikita rin sa nasabing video ang aksidenteng pagkakasipa sa kanya ng isang contestant sa dance showdown. Tila hindi naman nagalit si Alex sa maliit na aksesenteng ito at binigyan pa ng papremyo maging ang nakatama sa kanya.


Samantala, nagkaroon naman ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at mga fans ni Alex.


"Grabe yung pakisama ni alex at maikee, walang kaartehan talaga"


"You really can't keep a good person down..pakahumble at magaling makisama ang mag.asawang to kahit san man magpunta."


"Sana wag ka tumigil sa pagvovlog Alex and don't listen to the noise nor bashing Ang saya saya ng fiesta.ikaw na talaga Alex, at Mike very supportive husband.saya ng ganitong fiesta."


"no doubt, alex is very authentic , walang di mkakagusto sa personality ni alex and ni mikee"


"Nabilib akong dito kay Mike in all fairness walang arte at nakisaya din. Magaling makisama mag asawa! Kahit saan mo ilagay si Alex… nakakabilib! Ilang beses na napatunayan ni Alex G pagiging relatable nya sa community at generous! "




Joey De Leon Nagpasaring Sa Mga Umaangkin At Nang-aagaw Sa Eat Bulaga

Walang komento


 Nagpasaring si Joey De Leon sa mga taong aniya'y nang-aagaw sa dating pamagat lamang na kanyang ginawa.


Tila hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng dating Eat Bulaga hosts at ng production company nito, ang TAPE Inc.


Kamakailan lamang ay ipinahayag ng TAPE Executives na sila ang may hawak ng trademark ng Eat Bulaga mula pa noong 2011. Ipinahayag pa nila na wala namang nagreklamo noon nang kunin nila ang trademark.


Samantala, tila sinagot naman ito ni Joey De Leon na siyang tinuturong nakaisip ng pamagat ng kanilang show.


Ayon kay Joey De Leon, hindi niya lubos akalain na pag-aawayan, pag-aagawan at aagawin ng iba ang naisip niyang pamagat ng show.


“Noong maisip, binuo at imungkahi ko ang pangalang ‘EAT BULAGA!’ para sa aming palabas noong 1979, naramdaman kong kahit ito ang napili at tinanggap ng marami sa namumuno, matagal-tagal ding ninamnam ito hanggang sa tumining; wari bang isang aampunin na may kaibang tunog at kaiba sa paningin.”


“Tila ba kailangan mong masanay lunukin. Aakalain ba n’yong makalipas ang 44 na taon o halos LIMANG DEKADA, ang pangalang ito ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin?!” pahayag ni Joey De Leon sa kanyang Instagram post.


Samantala, marami sa mga netizens ang naguguluhan at nag-aabang kung kaninong kampo ang magwawagi at makakapagdala ng pamagat na Eat Bulaga.


May ilan namang naniniwala na ang TVJ ang totoong may karapatan sa Eat Bulaga.


"Pinaglalaban kasi tumatak na,mahirap para sa TAPE inc. mag-isip ng panibagong title kasi wala na silang HENYO MASTER! Sana let go nalang ng TAPE pangalang "Eat Bulaga" kasi sobrang awkward pakinggan ginagamit nila ang name. For me kapag sinabi mo'ng Eat Bulaga matic TVJ na yun"


"Isa lang po ang tawag diyan Sir Joey ang kasakiman. Pero Sir Joey may balik yan sa mga taong sakim at yun ay bad karma. Ang Eat Bulaga ay pag-aari lang ng TVJ."


"I hope bitawan na ng TAPE ang EAT BULAGA at DABARKADS at mag isip ng sarili nilang name ng show. Okay na ang TVJ dahil may bago na silang tahanan pero mas okay kung ibibigay sakanila ang nararapat na sakanila. Kung gusto talaga ng TAPE maka move on bitawan na nila at mag isip sila ng sarili nilang name ng show at tawag sa mga hosts. Kahit sino pa ang maging hosts hindi akma at hinding hindi magiging aakma."



Michael V. Nilinaw Na Ang Isyung Tinanggihan Niya Ang Offer Ng TAPE Inc.

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang komedyanteng si Michael V sa mga haka-hakang nakatanggap umano siya ng offer mula sa TAPE Inc. na maging host ng rebranded Eat Bulaga.


Kumakalat pa ang balita ng pagtanggi umano ni Michael V. sa offer na ito ng TAPE Inc. dahil sa kanyang delikadeza.


Kaya naman, nilinaw na ngayon ni Michael V ang lahat ng mga usaping ito. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inilahad ni Michael V na fake news lamang ang kumakalat na nakatanggap siya ng offer mula sa TAPE Inc.


Matatandaan na naging Dabarkads din noon si Betoy sa Eat Bulaga. Subalit, umalis siya sa pagiging host nito dahil nais umano niyang magfocus sa mga major projects niya.


Sa kabila nito, may mga intriga pa ring naglabasan na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng iba pang mga host ng show.


“FAKE NEWS ALERT! While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS,” paglilinaw ni Michael V. sa isyung nakatanggap siya ng offer mula sa TAPE.


"WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment."


“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes,” pagpapahayag pa ni Bitoy.


Pinayuhan din ni Michael V. ang lahat na maging mapanuri sa mga balitang kumakalat ngayon sa social media dahil may ilan sa mga ito ang walang katotohanan.


Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens.


"Very well said, lods! ❤️ agree ako na pwede ka maging guest sa EB GMA but that doesn't mean na wala ka na loyalty with TVJ, at the end of the day, work is work. And also nasa GMA rin sya kaya yes, pwede ka talaga mag-appear. :)"


"it means may plano si bitoy na maging host ng bagong eat bulaga kapag humupa na ang issues"


"Stop spread the false information about EB host the true is if jalosjos siblings will lose the files then TVJ won the cases of I.P.s for Eat Bulaga because All Dabarkada Legit buddies with TVJ already appear in TV5 have contract on mediaquest and then replace it's showtime on same timeslot."



It's Showtime Papalitan Ng Dabarkads, Mga Fans Pumalag

Walang komento


 Agad na nagpahayag ng mensahe ng pagsuporta ang mga fans ni Vice Ganda, matapos pumutok ang balitang papalitan ng Dabarkads ang It's Showtime sa 12 noon timeslot ng TV5.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang cryptic post si Vice Ganda tungkol sa 'worth' sa gitna ng isyung papalitan ng TV5 sa 12 noon timeslot ang It's Showtime sa show na pangungunahan ng TVJ.


“Always know your worth. Never sell urself short. GANDAng umaga!” pahayag ni Vice Ganda.


Agad naman itong umani ng mga reaksyon mula sa mga fans ni Vice Ganda. Hinuha ng marami na ang pagpapalit ng TV5 sa kanilang timeslot ang tinutukoy ni Vice sa kanyang tweet.


"Maraming platform to watch #ItsShowTime! Hindi kailangan ang TV5! I don't use the remote control of our television because it's fixed to #Kapamilya channel."


"True...but just be intact always wd d value of obedience n humility...GOD always put you to a ctuation dats best for you n your team. Love you VICEION."


"“Kahit anong oras pa kayo ilagay sa tv, it doesn’t matter. Kasi sa fb at YouTube namin kayo pinapanood. Forever

@itsShowtimeNa.”


“Ok lang Mas Madami Parin gusto manuod ng Showtime. Tingnan nalang nila kung Mas aangat ba ratings nila kung Eat bulaga ang Ipapalit nila, At Bihira lang din kami manuod sa Tv5. Sa A2Z, Youtube nlng Pero Pinapanuod namin is Kapamilya Shows kaya kahit saan ipalabas ang Kapamilya Shows, Doon kami Manunuod. Forever Kapamilya.”

Isko Moreno Magiging Regular Host Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Nagpahiwatig si dating Manila City Mayor Isko Moreno na magiging regular co-host siya ng Eat Bulaga pagkatapos ng kanyang guest appearance noong Sabado, June 10.


Sa Saturday episode ng rebranded Eat Bulaga, ipinakilala bilang guest host  si Isko Moreno na nabigyan ng sariling segment na pinamagatang "G sa Gedli" kung saan kasama niya si Buboy Villar.


Namigay sila ng cash prize sa ramdom people na na tiyempuhan nila sa Marcos Highway, Cainta.


Ayon pa kay Isko Moreno, nag-eenjoy siya sa pagiging host ng Eat Bulaga kaya babalik siya rito sa darating na lunes.


“Ang dami mong sinasabi, Yorme. Ikaw ba, nandito ka sa Lunes?” pagtatanong pa ni Paolo Contis kay Isko Moreno.


Bukod sa pagkakaroon ng sariling segment, muling nagpakitang gilas si Isko Moreno sa pagsasayaw ng kanyang hit 90s dance na minsang ginamit rin niya sa kanyang nakaraang pangangampanya.


Sa kabilang banda, ipinahayag ng ilang mga netizens na isang wise decision ng TAPE Inc. ang pagkuha bilang host ni Yorme dahil baka ito umano ang makatulong na pataasing muli ang bumabagsak nang rating ng Eat Bulaga.




Marami Ang Nadismaya! Eat Bulaga Hindi Na Pinapanood Dahil Sa Mga Bagong Host Nito!...

Walang komento

Sabado, Hunyo 10, 2023


 Ilang araw na nga ding umi ere ang Eat Bulaga ng GMA 7 kasama ng mga bagong host nito, ito'y matapos nga na magpaalam ang mga original host ng Eat Bulaga.


Mapapansin ding ilang araw na nga ding mababa ang bilang ng mga manonood sa naturang programan.


Hindi nga tulad noong ang mga original host pa nito ang siyang naghohost ng nasabing programa.


At hindi ring nga maipagkakaila ng malaki ang ibinaba ng ratings ng Eat Bulaga ngayon.


Ang dahilang kasi kung bakit halos hindi na pinapanood ang Eat Bulag ay ito nga ay sa dami ng nadismaya sa mga bagong host nito dahil tila hindi na gustohan ng mga netizens ang mga bagong host.


Mapapansin sa bawat komento ng mga manonood sa kanilang show ay puro nga ito negatibo, at tila hindi natutuwa ang mga ito.


Ayon pa sa ilang na hindi nga daw nila maramdaman ang saya tuwing tanghalian habang sila ay nanonood sa programa.


Talagang napaka laki nga daw ng pagkakaiba nito ngayon hindi raw tulad ng dati na ang TVJ pa at ang Dabarkads ang siyang nagpapasaya sa mga manonood.


Samantala, ayon naman sa mga komento ng netizens na, noong paman daw ay pinapanood niya na ang Eat Bulaga at ito na nga ang kanyang kinalakihangh programa sa telebisyon.


At ngayon daw na bago na ang mga host nito ay damangdama niya ang kakulangan sa nasabing programa.


Narito naman ang ilang mga komento ng netizens, "Di man lang ako nangiti, noon makita ko lang sila JoWaPao solve na araw ko eh."


"Iba parin talaga ang relationship ng TVJ at Original Dabarkads sa sambahayang Pilipino, na binuo at pinagtibay ng panahon."


"Eat Bulaga is Tito, Vic and Joey not anything or anybody else. Just change the name of the show start a new."


Sana nga daw ay pinalitan nalang ng mga Jalosjos ang pangalan ng show at huwag na ngang gamitipa ang titulong Eat Bulaga, sapagkat tumatak na ito ng sobra sa isipan at sa Puso ng sambayanang Pilipino sa loob ng mahigit sa apat na dekada.







 




 

Coleen Garcia Ibinida Ang Kaseksihan Ng Kanyang Lola Sa 70th Birthday Photoshoot Nito!.....

Walang komento

Biyernes, Hunyo 9, 2023


 Sa Instagram ay proud na ibinida ng TV host actress na si Collen Garcia Crawford ang kaseksihan ng kanyang lola sa 7Oth Birthday photoshoot nito.


Ayon nga kay Collen na gusto raw ng kanyang lola na magkaroon ng photoshoot, habang ipinagdiriwang nito ang ika 70th na kaarawan nito.


Caption naman ng actress sa kanyang ibinidang post, "Tata wanted a boudoir shoot for her 70th birthday, and @mymetrophoto made it happen! 😍"


"Happy 70th birthday to this badass woman! Thank you for teaching me—for continuing to teach me—what it is to be strong, confident, and empowered. I love you, and I will forever be grateful for everything! ✨ @syragarcia8"


"Thank you so much also to our AMAZING team for making Tata’s birthday wish come true. 🤍"


Maraming netizen naman ang napakomento sa post na ito ni Coleen at sinabing parang hindi pa senior citizen ang pormahan ng lola ni Coleen at talagang ang sexy parin nitong tingnan. 


At marami din ang namangha sa ginawang pag-aalaga nito sa kanyang katawan, dahil kahit 70 years old na nga ito ay tila kaya parin nitong makipag sa bayan sa mga bata.




Julia Barretto Aliw Na Aliw Sa Anak Ni Janella Salvador Na Si Jude!

Walang komento

 


Sanggang dikit na pagkakaibigan nina Janella Salvador at Julia Barretto nanumbalik na!


Namataang magkasama ang dating matalik na magkaibigan na sina Julia Barretto at Janella Salvador.


Makikita din sa larawan na kasama nila ang kapuso actress na si Gabbi Garcia.


Sila kasi ay dumalo sa binyag ng anak nag step sister ni Janella Salvador na pareho ding kaibigan ni Julia at Gabbi Garcia.


Kasama din ni Janella sa pagdalo ang kanyang anak na si Jude.


Makikita din sa video na nilalaro pa ni Julia ang anak ni Janella, at makikitang tuwang-tuwa si Julia na nilalaro ang bata.


Pero bago pa ito ay magkasama ding dumalo sina Julia at Janella sa baby shower ng kanilang kaibigan na si Patrick Sugui at Aeriel Garcia Sugui.


Dahil dito ay masayang masaya naman ang kanilang mga fans dahil sa tuloyan na nga silang nagbalik loob sa isa't isa.



Bimby, Iiwan Na Si Kris Aquino! Todo Iyak! Kris, Di Kinaya Ang Lungkot!....

Walang komento


 Queen of all media na si Kris Aquino nagbahagi sa kanyang Instagram account ng mag madamdamin mga larawan at video sa pamamaalam ng kanya anak na si Bimby Aquino.


Basi sa kanyang post ay uuwi na nga ng Pilipinas ang kanyang anak na si Bimby kaya naman labis ang kanyang kalongkotan na nararamdaman ngayon.


Aniya sa kanyang caption, "Tuesdays are my immunosuppressant/chemotherapy day. He left to fly home on Wednesday - i only have until the end of June until i need to lessen my activities in high density places because by then my immunity will be too weak to fight any infection."


Pagpapatuloy pa niya, "Bimb & i discussed it, nakikita ko yung stress & anxiety my bunso was feeling. He’s had to grow up so fast because he needed to learn to be responsible in helping taking care of me; kawawa kasi nakikita nya the many new physical physical manifestations because from 3 when we came to the 🇺🇸 a year ago, naging 5 na yung diagnosed autoimmune conditions ko. As his mama i felt for a few months he deserves to enjoy being 16."


Dagdag pa niya, "I knew after a year bimb was longing to be with his various titas (my sisters, cousins, and friends); titos (my brothers in law, cousins in law and the husbands of my friends); his many cousins & the kids of my friends. i love you 🍯, it was heartwarming to see you & kuya together. Thank you @michaelleyva_ for being part of our family."


"I love you w/ my whole heart, kuya & bimb. Mama promised she’ll go through all treatments so i’ll be around, God willing, while you both still need me. 💛💛💛"


Agad naman na umani ng maraming mga reaction at komento ang post na ito ng Queen of All Media na si Kris Aquino.


Grabe Na to!Ricci Rivero Sinupalpal Ng Kampo Ni Andrea Brillantes!!!

Walang komento

 


Kinumpirma na nga ni Ricci Rivero na hiwalay na sila ng actress na si Andrea Brilliantes.


Ngayon nga ay maugong na pinag-uusapan sa social media ang panloloko umano nito kay Andrea Brilliantes ng kumalat sa social media ang mga larawan nito kasama ang isang babae.


Dahil nga sa issue na ito ay nagbahagi nga si Ricci sa kanyang social media account ng kanyang paliwanag ukol dito at inamin din niya ang kanya malaking pagkakamaling nagawa.


At hiniling din niya sa mga netizens na sana daw ay irespeto nalang ang kanilang disesyon na ilihim ang kanilang paghihiwalay sa publiko. Upang mapanatili daw ang kanilang pagkakaibigan.


Pahayag niya, "I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship."


"I hope let’s stop creating your own versions and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappoinments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain."


Agad namang sinupalpal ng mga netizen si Ricci sa post, at sinabing ang lakas naman daw ng loob nito na mag flex sa social media na hindi niya muna daw nilinis ang kanyang kalat.


Komento ng mga netizens, "Ang kapal lang kasi di manlang nilinis kalat niya bago mag flex ng ganyan. Mahilig yan pumatol pero sa issue ngayon tahimik siya at pamilya niya."


"@_ricciiirivero, Oh, don't worry, I won't create my own relationship with you. I'm good with just being Twitter friends. 😉"


"Haiisssttt, Ricci! Una, OA ‘yung public proposal mo dun kay @iamandrea_b; second, you two are public figures. So yes, the public deserve to know. You owe the public an explanation. K?"



Awra Briguela Binanatan Si Ricci Rivero, Tinawag Na Mr. Clean

Walang komento


Hindi napigilan ni Awra Briguela na punahin si Ricci Rivero matapos maglabas ng pahayag ang huli na nagpapatunay sa breakup nila ni Andrea Brillantes.


Nito lamang June 9, naglabas na ng statement si Ricii Rivero kung saan tila nilinaw na niya ang nauna nang bali-balitang hiwalay na sila ni Andrea Brillantes.


“I own up to the mistake of not making my relationship status public because I felt there’s no need to add up to what were going through. Please respect our decision to keep it to ourselves so that we can preserve whats left of our friendship,” tweet ni Ricci Rivero.


“I hope let’s stop creating your own version and dragging other characters into these false accusations. I am sorry for whatever disappointments it may have caused you – for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully,” dagdag pa niya.


Subalit, naglabas ng isang cryptic post ang isa sa mga malapit na kaibigan ni Andrea Brillantes na si Awra Briguela, dahil dito marami ang naghinalang nagloko si Ricci Rivero sa relasyon nila ng aktres.


"bato bato bato sa langit ang matamaan wag?"


"tang inang toh, kala mo talaga ang linis"


"amackana gaslighter, manipulative, fucking cheater. lol"


Hindi naitago ng ilang netizens ang kanilang pagkadismaya sa posibleng dahilan ng paghihiwalay nina Ricci at Andrea, lalo pa’t kilala ang dalawa sa pagiging sweet at paggawa ng publicity stunts para ipahayag ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.




Barbie Forteza Na Bash Matapos Magpakita Ng Sweetness Kay David Licauco! Jack Roberto Paano Na?

Walang komento


 Viral ngayon sa social media at pinag-uusapan ang isang video nina David Licauco at Barbie Forteza na makikitang nakaalbay si David at hinawakan ni Barbie ang kamay nito.


Nangyari nga ito habang iniinterview ang dalawa ay ibang klasing kilig ang kanilang ginawa sa harap ng media.


Namakikita nga sa video na tila ayaw pakawalan ni Barbie ang kamay ni David na naka akbay sa kanyang baklikat.


At ang nakakakilig ngang pangyayaring ito ay gumawa ng ingay at kagulohan sa social media, na kung saan ay umani nga ito ng samu't saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.


Karamihan, naman dito ay tila binabatikos si Barbie at mayroon din naman nagsasabi na tila may gusto daw talaga itong si Barbie kay David, kaya lang pinipigilan niya ito dahil may jowa na siya. 


Ayon pa sa iba na paano nalang daw si Jak Roberto kung magkadevelopan nga ang dalawa.


Pagnangyari nga iyun ay tiyak na sobrang saya ng mga avid fans nina David at Barbie dahil sa matagal na ngang hiling ng mga ito na sana daw ay magkatuloyan nga sina David at Barbie sa Totoong buhay.


Samantala, narito naman ang ibang naging mga komento ng mga netizens, "Jak Roberto left the Universe."


"Oa na kaayo ka Barbie, igat na kaayo ka tan awon ana imo mga moves."


"Sweet nila,maniwala na sana ako kaso naisip ko may Jak na pala siya."


"Embis gusto ko si Barbie dahil kay Jak ngayon nagsisimula na tuloy akong mainis. Puwede magpakilig ng hindi naghahawakan, Diyos ko awkward masyado."


"Ako nasasaktan sa part ni Jak kahit work lang to pero yung action grabe! Hirap sa showbiz hahahaha."


"Paano na si Jak? hawak palang ng kamay OMG naaaaa!!!"


"Parang di ko nakita na iholding hands mo si Jak, hahaha natanggal na yung hawak sa kamay hinanap niya ulit yung kamay ni David."






Beauty Queen-Councilor Bagong Jowa Ni Ricci Rivero?

Walang komento

 

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon sa iba't-iba't social media platforms ang isyung hiwalayan ng celebrity couple na sina Andrea Brillantes at basketball star na si Ricci Rivero.


Kabilang sa mga hinala ng mga netizens ay may nasasangkot na third party na siyang naging dahilan sa kanilang hiwalayan.


Bagama't hindi tahasang inamin, ipinahiwatig na ni Ricci Rivero sa kanyang tweet na naghiwalay na sila ni Andrea Brillantes in private.


Humiling pa siya rito ng sorry sa lahat ng mga idinulot niya.


“I am sorry for whatever disappointments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” tweet ni Ricci Rivero.


Samantala, kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan kung saan makikitang kasama ni Ricci Rivero ang isang Beauty queen-politician na Leren Mae Bautista.


Si Leren Mae Bautista ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Interanational Globe 2019. Maliban sa pagiging beauty queen, isang konsehal sa Los Baños si Leren Mae.


Marami kasi ang nakapansin na palaging nila-like ni Ricci Rivero ang mga post ni Leren Mae.  May ilan pang post si Leren Mae na inirerepost ni Ricci na binubura naman kaagad.


Spotted din silang magkasama sa mismong kaarawan ni Ricci Rivero kung saan tila may ginawa sila outreach program. Namahagi ang dalawa ng mga pagkain, ibinahagi pa ito mismo ni Leren Mae sa social media.



Awra Briguela Binanatan Si Ricci Rivero Sa Pag-Cheat Niya Kay Andrea Brilliantes!

Walang komento

 


Sa wakas ay kinumpirma na nga ni Ricci Rivero ang mga kumalat na chismis na hiwalay na sila ng actress na si Andrea Briliantes.


Ayon nga kay Ricci na ikinalulongkot niya na hindi nila ito isinapubliko ng masmaagang panahon.


Hinilng din niya na sana ay payagan sila na maging private lang ang kanilang paghihiwalay upang maiwasan ang paggawa ng mga maling akusasyon.


Umaasa nga si Ricci na sana raw ay sila ni Andrea ay makakapag move on ng maayos na walang sakit at pait na nararamdaman sa kanilang mga puso ng saganun ay manatili parin silang magkaibigan.


Nag-ugat nga ang issu na ito matapos na magpost ang isang babaeng nagnganaglang si Leren Mae Bautista, ng isang larawan na kasama niya si Ricci Rivero.


At sinabi niya sa kanyang caption na, "Happy Birthday @ricciiirivero! Thank you for spending your birthday here in Los Baños. We appreciate your love and generosity to give back to our people. Mabuhay ka! ✨"


Bukod dito ay nagpost din siya ng isang tila cryptic post na kung saan ay tungkol sa namumuong pag-iibigan nila ni Ricci Rivero.


Post niya, "As long as you happy who cares?" kaya naman marami nga ang nagsasabing siya ang ipinalit ni Ricci sa actress na si Andrea Brilliantes.


At sa comment section naman ng kanyang post ay, inulan ito ng pambabatikos mula sa mga netizen na sinabing kabit lang daw siya, at hindi na daw siya na hiya.


Samantala, hindi naman nakapagpigil ang komedyanting si Awra Briguela at binanatan naman niya si Ricci Rivero sa social media, matapos nga na inanunsyu ni Ricci na hiwalay na sila ng actress.


Bagaman hindi pinangalanan ni Awra ang kanyang pinapatamaan sa kanyang post ay komento naman ng netyizens na si Ricci ang tinutukoy at pinapatamaan ng komedyante dahil sila ay magkaibigang matalik ni Andrea Brilliantes.





Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo