Coleen Garcia Ibinida Ang Kaseksihan Ng Kanyang Lola Sa 70th Birthday Photoshoot Nito!.....

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Jerome


 Sa Instagram ay proud na ibinida ng TV host actress na si Collen Garcia Crawford ang kaseksihan ng kanyang lola sa 7Oth Birthday photoshoot nito.


Ayon nga kay Collen na gusto raw ng kanyang lola na magkaroon ng photoshoot, habang ipinagdiriwang nito ang ika 70th na kaarawan nito.


Caption naman ng actress sa kanyang ibinidang post, "Tata wanted a boudoir shoot for her 70th birthday, and @mymetrophoto made it happen! 😍"


"Happy 70th birthday to this badass woman! Thank you for teaching me—for continuing to teach me—what it is to be strong, confident, and empowered. I love you, and I will forever be grateful for everything! ✨ @syragarcia8"


"Thank you so much also to our AMAZING team for making Tata’s birthday wish come true. 🤍"


Maraming netizen naman ang napakomento sa post na ito ni Coleen at sinabing parang hindi pa senior citizen ang pormahan ng lola ni Coleen at talagang ang sexy parin nitong tingnan. 


At marami din ang namangha sa ginawang pag-aalaga nito sa kanyang katawan, dahil kahit 70 years old na nga ito ay tila kaya parin nitong makipag sa bayan sa mga bata.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo