It's Showtime Papalitan Ng Dabarkads, Mga Fans Pumalag

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Agad na nagpahayag ng mensahe ng pagsuporta ang mga fans ni Vice Ganda, matapos pumutok ang balitang papalitan ng Dabarkads ang It's Showtime sa 12 noon timeslot ng TV5.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang cryptic post si Vice Ganda tungkol sa 'worth' sa gitna ng isyung papalitan ng TV5 sa 12 noon timeslot ang It's Showtime sa show na pangungunahan ng TVJ.


“Always know your worth. Never sell urself short. GANDAng umaga!” pahayag ni Vice Ganda.


Agad naman itong umani ng mga reaksyon mula sa mga fans ni Vice Ganda. Hinuha ng marami na ang pagpapalit ng TV5 sa kanilang timeslot ang tinutukoy ni Vice sa kanyang tweet.


"Maraming platform to watch #ItsShowTime! Hindi kailangan ang TV5! I don't use the remote control of our television because it's fixed to #Kapamilya channel."


"True...but just be intact always wd d value of obedience n humility...GOD always put you to a ctuation dats best for you n your team. Love you VICEION."


"“Kahit anong oras pa kayo ilagay sa tv, it doesn’t matter. Kasi sa fb at YouTube namin kayo pinapanood. Forever

@itsShowtimeNa.”


“Ok lang Mas Madami Parin gusto manuod ng Showtime. Tingnan nalang nila kung Mas aangat ba ratings nila kung Eat bulaga ang Ipapalit nila, At Bihira lang din kami manuod sa Tv5. Sa A2Z, Youtube nlng Pero Pinapanuod namin is Kapamilya Shows kaya kahit saan ipalabas ang Kapamilya Shows, Doon kami Manunuod. Forever Kapamilya.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo