Michael V. Nilinaw Na Ang Isyung Tinanggihan Niya Ang Offer Ng TAPE Inc.

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang komedyanteng si Michael V sa mga haka-hakang nakatanggap umano siya ng offer mula sa TAPE Inc. na maging host ng rebranded Eat Bulaga.


Kumakalat pa ang balita ng pagtanggi umano ni Michael V. sa offer na ito ng TAPE Inc. dahil sa kanyang delikadeza.


Kaya naman, nilinaw na ngayon ni Michael V ang lahat ng mga usaping ito. Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inilahad ni Michael V na fake news lamang ang kumakalat na nakatanggap siya ng offer mula sa TAPE Inc.


Matatandaan na naging Dabarkads din noon si Betoy sa Eat Bulaga. Subalit, umalis siya sa pagiging host nito dahil nais umano niyang magfocus sa mga major projects niya.


Sa kabila nito, may mga intriga pa ring naglabasan na may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng iba pang mga host ng show.


“FAKE NEWS ALERT! While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS,” paglilinaw ni Michael V. sa isyung nakatanggap siya ng offer mula sa TAPE.


"WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment."


“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes,” pagpapahayag pa ni Bitoy.


Pinayuhan din ni Michael V. ang lahat na maging mapanuri sa mga balitang kumakalat ngayon sa social media dahil may ilan sa mga ito ang walang katotohanan.


Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens.


"Very well said, lods! ❤️ agree ako na pwede ka maging guest sa EB GMA but that doesn't mean na wala ka na loyalty with TVJ, at the end of the day, work is work. And also nasa GMA rin sya kaya yes, pwede ka talaga mag-appear. :)"


"it means may plano si bitoy na maging host ng bagong eat bulaga kapag humupa na ang issues"


"Stop spread the false information about EB host the true is if jalosjos siblings will lose the files then TVJ won the cases of I.P.s for Eat Bulaga because All Dabarkada Legit buddies with TVJ already appear in TV5 have contract on mediaquest and then replace it's showtime on same timeslot."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo