Joey De Leon Nagpasaring Sa Mga Umaangkin At Nang-aagaw Sa Eat Bulaga

Linggo, Hunyo 11, 2023

/ by Lovely


 Nagpasaring si Joey De Leon sa mga taong aniya'y nang-aagaw sa dating pamagat lamang na kanyang ginawa.


Tila hindi pa rin naaayos ang gusot sa pagitan ng dating Eat Bulaga hosts at ng production company nito, ang TAPE Inc.


Kamakailan lamang ay ipinahayag ng TAPE Executives na sila ang may hawak ng trademark ng Eat Bulaga mula pa noong 2011. Ipinahayag pa nila na wala namang nagreklamo noon nang kunin nila ang trademark.


Samantala, tila sinagot naman ito ni Joey De Leon na siyang tinuturong nakaisip ng pamagat ng kanilang show.


Ayon kay Joey De Leon, hindi niya lubos akalain na pag-aawayan, pag-aagawan at aagawin ng iba ang naisip niyang pamagat ng show.


“Noong maisip, binuo at imungkahi ko ang pangalang ‘EAT BULAGA!’ para sa aming palabas noong 1979, naramdaman kong kahit ito ang napili at tinanggap ng marami sa namumuno, matagal-tagal ding ninamnam ito hanggang sa tumining; wari bang isang aampunin na may kaibang tunog at kaiba sa paningin.”


“Tila ba kailangan mong masanay lunukin. Aakalain ba n’yong makalipas ang 44 na taon o halos LIMANG DEKADA, ang pangalang ito ay pag-aawayan, pag-aagawan at marami ang nais na umangkin?!” pahayag ni Joey De Leon sa kanyang Instagram post.


Samantala, marami sa mga netizens ang naguguluhan at nag-aabang kung kaninong kampo ang magwawagi at makakapagdala ng pamagat na Eat Bulaga.


May ilan namang naniniwala na ang TVJ ang totoong may karapatan sa Eat Bulaga.


"Pinaglalaban kasi tumatak na,mahirap para sa TAPE inc. mag-isip ng panibagong title kasi wala na silang HENYO MASTER! Sana let go nalang ng TAPE pangalang "Eat Bulaga" kasi sobrang awkward pakinggan ginagamit nila ang name. For me kapag sinabi mo'ng Eat Bulaga matic TVJ na yun"


"Isa lang po ang tawag diyan Sir Joey ang kasakiman. Pero Sir Joey may balik yan sa mga taong sakim at yun ay bad karma. Ang Eat Bulaga ay pag-aari lang ng TVJ."


"I hope bitawan na ng TAPE ang EAT BULAGA at DABARKADS at mag isip ng sarili nilang name ng show. Okay na ang TVJ dahil may bago na silang tahanan pero mas okay kung ibibigay sakanila ang nararapat na sakanila. Kung gusto talaga ng TAPE maka move on bitawan na nila at mag isip sila ng sarili nilang name ng show at tawag sa mga hosts. Kahit sino pa ang maging hosts hindi akma at hinding hindi magiging aakma."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo