Beauty Queen-Councilor Bagong Jowa Ni Ricci Rivero?

Biyernes, Hunyo 9, 2023

/ by Lovely

 

Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon sa iba't-iba't social media platforms ang isyung hiwalayan ng celebrity couple na sina Andrea Brillantes at basketball star na si Ricci Rivero.


Kabilang sa mga hinala ng mga netizens ay may nasasangkot na third party na siyang naging dahilan sa kanilang hiwalayan.


Bagama't hindi tahasang inamin, ipinahiwatig na ni Ricci Rivero sa kanyang tweet na naghiwalay na sila ni Andrea Brillantes in private.


Humiling pa siya rito ng sorry sa lahat ng mga idinulot niya.


“I am sorry for whatever disappointments it may have caused you - for everyone’s peace of mind, please allow ourselves to heal and move on peacefully without hate and pain,” tweet ni Ricci Rivero.


Samantala, kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan kung saan makikitang kasama ni Ricci Rivero ang isang Beauty queen-politician na Leren Mae Bautista.


Si Leren Mae Bautista ang kumatawan sa Pilipinas sa Miss Interanational Globe 2019. Maliban sa pagiging beauty queen, isang konsehal sa Los BaƱos si Leren Mae.


Marami kasi ang nakapansin na palaging nila-like ni Ricci Rivero ang mga post ni Leren Mae.  May ilan pang post si Leren Mae na inirerepost ni Ricci na binubura naman kaagad.


Spotted din silang magkasama sa mismong kaarawan ni Ricci Rivero kung saan tila may ginawa sila outreach program. Namahagi ang dalawa ng mga pagkain, ibinahagi pa ito mismo ni Leren Mae sa social media.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo